21

29 2 0
                                    

S A K U R A

Nauna akong umuwi dahil mas maagang natapos ang klase ko at may meeting pa si Zyon. Medyo nakakatakot pala na pumasok sa apartment building na 'to nang mag-isa. Pero dahil inayos na ni Zyon ang lahat para sa akin, nakangiti pa akong binabati ng mga guard pati na rin no'ng mga ate girl sa may lobby.

Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-isa akong pumasok sa bahay niya. Pagtingin ko sa may shoe rack, naroon ang tsinelas na para lang sa akin. Sinabit ko ang I.D. ko sa key holder na nasa gilid bago tuluyang dumiretso sa bagong kuwarto ko.

Halos kasing laki na ito ng dati kong tinitirahan kasama ang kusina. Kaya kong gumulong-gulong sa kama na parang marshmallow sa lambot.

Alas tres pa lang ng hapon at wala pa naman akong kailangan na habulin sa school kaya naglinis nalang muna ako. Halos wala naman akong kailangan na gawin, kaunting walis at lampaso lang.

Siyempre, bilang butihing roommate, dinamay ko na rin na linisin ang kuwarto ni Zyon. Kaya lang, pagpasok ko, parang wala naman na akong magagawa. Mas malinis pa yata 'tong lalaking 'to kaysa sa akin. Grabe, pati ba naman kasi ang kama niya, maayos at walang kahit na isang gusot.

Kahit na punasan ko ang mga cabinet niya, wala man lang alikabok.

"Nakakahiya naman, bakit ang bango ng room niya?" parang hindi ko na siya puwedeng papasukin sa kuwarto ko. Baka mamaya ma-turn off na talaga siya sa akin.

Kagabi, umasa ako na bigla niya akong yayayain na matulog sa kuwarto niya, pero hindi talaga nangyari. Ang aga niya pa na mag goodnight, 9PM! Hindi na niya ako kinausap magmula noon, nag kulong na lang siya sa room niya habang ako, tulala roon sa kabila, nag hihintay kung kakatok ba siya.

Hindi naman sa umaasa ako na may mangyari talaga sa amin ulit, pero parang ganoon na nga. Gusto ko lang malaman kung apektado pa ba siya sa akin ngayon na alam niya ang totoong ako.

Baka mamaya, ginusto lang niya ang wild side ko noon kasi exciting. Paano kung ngayon pala totropahin niya na lang ako, pero heto ako't kinikilig kasi ang bango ng mga unan niya.

Weird ba na humiga ako basta sa kama niya? Eh, mas weird naman siguro 'yong suot ko ang damit niya, pati boxer, diba?

Hindi pa kasi ako nakakauwi para kunin lahat ng gamit ko, natatakot pa ako na magtagpo kami ulit ni Chad.

"Hay, Zyon, ano ba talaga? Kinikilig na ako sa'yo, ganti naman sana."

Ang kapal talaga ng mukha ko minsan. Sino ba naman ako para guluhin itong maayos niyang kama? Pero talagang binalot ko pa ang sarili sa kumot niya at ninamnam ang amoy habang iniisip siya.

Normal ba na ma-miss ko siya?

Hindi ko na namalayan na sa paghilata ko ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.

-

"Hmm..." naramdaman ko ang mahigpit na yakap mula sa likod na siyang gumising sa akin. Pag tingin ko sa gilid, nakita ko na halos 5:30 na pala.

"Hello," malambing na hinalikan ni Zyon ang pisngi ko.

"Kakauwi mo lang?" tanong ko. Hindi ko talaga alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob. Talagang hinila ko pa siya sa akin kahit na dapat ay nahihiya na ako kasi nahuli niya ako sa kama niya.

"Yeah, the meeting lasted longer than I expected," sabi niya habang halos matunaw ako sa tingin niya.

"May laway ba?"

"Ha?"

"Anong tinitignan mo? Tumulo ba laway ko? Lalabhan ko punda mo, promise."

"Silly!" Bakit ang manly pati ng tawa niya? Parang gusto kong gawin na ringtone, ang sarap sa tenga. "Were you tired?"

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon