29

23 3 0
                                    

"Huwat?" muntik na mabingi si Sakura sa tili ni Jaizen. Buti nalang at maingay ang cafeteria nila at hindi nangibabaw ang boses ng kaibigan.

"Hoy, 'wag ka masyadong OA, alam mo naman na secret lang."

"Cherry, malaking improvement 'to! Hindi ko kinakaya!" pumalakpak pa si Jaizen habang may bakas pa ng siomai ang bibig. "Teh, support ako. Promise, sa lahat ng pumorma sayo, siya lang ang sinusuportahan ko nang buo."

"Hindi mo pa nga siya lubos na kilala."

"Pero nakita ko na agad ang care niya sa'yo," Jaizen used his fork as a mic. "In the sea of stupid, shitty jerks na walang ibang habol kung hindi ang alindog mo, nandito siya para sa'yo lang mimso. Hindi ba ang romantic?"

"Shush, ang lakas ng boses mo!"

"Beh, seryoso, alagang-alaga ka. Nakikita kitang sobrang saya, tapos sobrang matured niya rin. Mas gugustuhin niyang pag usapan lahat bago pa kayo magkagulo. Gosh, hindi siya toxic!"

"Too good to be true."

"Pero totoo," Jaizen clapped back. "Papakawalan mo pa ba?"

"Ayaw ko nga," sagot ni Sakura. "Problema ko nga ngayon, parang sa akin pa niya ibinato ang desisyon. Paano ko naman sasabihin na magjowa na kami?"

"Edi sabihin mo, tayo na, gano'n!"

"Hindi naman siya nagtatanong kasi," she pouted. "Nakakahiya naman na bigla ko nalang sabihin. Tapos baka magulat siya, paano kung bigla siyang ma turn-off?"

"Teka, teka, seryoso ka na ba? Ready ka na mag commit?"

Panandalian na natahimik si Sakura.

"Masyadong mabilis," bulong niya. "Pero gusto kong gawin."

"Gaga!" Jaizen slapped her arm. "Jowain mo na, hayop ka!"

"Eh, paano ko nga kasi sasabihin? Hindi naman kasi normal 'to. 'Di rin siya nanliligaw."

"Hindi?"

"Kasi nga..." Sakura blushed. "Para na nga kaming mag-asawa sa bahay, paano pa manliligaw."

"Ay putangina! May nanalo na talaga!"

"Jai! Bunganga mo naman!"

"Ah, bahala ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo kapag nagpatumpik-tumpik ka pa." Jaizen wiggled his brows. "Hindi ba, mas maaga na maging kayo, mas sigurado. At least may karapatan ka na."

"Ih, paano nga kasi," she sighed.

"Cherry!" napalingon ang dalawa sa kaklase nilang hinihingal pa para lang makalapit sa kanila. "Akala ko umuwi ka na!"

"Uy, Lenny, bakit?" tanong naman ni Sakura. "Hindi pa, 'di ko pa nasu-submit 'yong mga research kay Sir Zyon."

"Thank you!" Lenny cheered. "Late ko na napa-print itong sa akin. Mabuti nalang at nakasabay pa!"

"Naku, kahit naman hindi ka nagmadali, until today naman 'to."

"At least, hindi ka na magtatagal na mag hintay," Lenny said.

Nang makapag paalam na ang dalaga, hindi nakatakas si Sakura sa malokong tingin ni Jaizen.

"So, hihintayin mo ba siyang umuwi kaya magpapaiwan ka mamaya?" tanong nito.

"Heh, hindi," Sakura chuckled. "Isu-submit ko lang 'to, tapos uuwi na rin ako."

"Sumabay ka na sa amin ni Ken, malapit na rin naman siyang umuwi."

"Ah— mauna na kayo, kasi—"

"May hindi pa ba nakapag submit?"

"Hay nako," Sakura sighed. "Aabangan ko lang. Magic na nga na biglang malinis ang hapon natin, Lunes na Lunes. Siyempre hihintayin ko na, maaga rin uwi niya eh."

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon