"Pag-uwi mo, ilagay mo agad sa ref, okay?"
Zyon sighed. He's clinging onto Sakura like a kid. It's eight already at ihahatid na niya pauwi ang dalaga. Sobrang bilis ng araw nila. Parang kanina lang naiilang pa si Sakura pagkagising niya.
"Sa Saturday pa talaga?" buntong hininga ni Zyon.
"Kapag may free time tayo, puwede naman siguro. Puwede mo naman akong tawagan anytime."
"This is insane," Zyon sighed. "I actually don't want you to leave."
That was too cute for Sakura, "Kala mo talaga hindi ako tinorture sa kiliti kanina," irap nito. "We can meet whenever. That's not a problem."
"Really?"
"I want to get to know you better as well," she shyly said. Napangiti si Zyon dahil mabilis mamula ang dalaga. Lalo tuloy siyang nagiging cute.
"Tara na nga," pilit na naglakad si Zyon patungo sa pintuan habang hawak ang kamay ni Sakura. "Baka hindi na kita pauwiin kapag nagbago ang isip ko."
"Sus, gawin mo, 'di 'yong puro ka salita— oy!okay, okay, joke lang. Ang bilis manghatak papunta sa kuwarto!"
"You seem to like challenging me," he sighed. "I'm competitive, don't play with me."
"Weh? Kiss nga—hmm!" nanlaki ang mga mata ni Sakura nang bigla siyang siilin ng halik. Halos mabitawan niya ang hawak na paper bag na puno ng gamit niya.
Napanganga siya sa gulat nang humiwalay si Zyon na napakalaki ng ngiti.
"Hmm, what else?"
"Tse!"
Natatawang pinisil ni Zyon ang pisngi ng babae.
"Promise to message me when you're free," he softly whispered.
"Hindi nga kita igo-ghost," she assured him. "Baka ikaw jan– oh! Nanghihila ka na naman! Sinasabi lang eh!"
"Dinner tomorrow?"
"May klase na sa Monday."
Zyon sighed. "Alright."
"Kapag may free na time ako, sabihan kita agad."
Zyon nodded. "Please do."
"'Yong tira na adobo, kainin mo rin ha? Mas masarap 'yon bukas."
"I will."
"Tara na!"
The whole ride home, Sakura felt a mixture of unexplainable feelings. Kahit na masaya siya dahil nakilala niya si Zyon at mukhang masusundan pa nga ang pagkikita nila, hindi niya maalis sa isipan ang napakaraming katanungan. Paano kung biglang mag bago ang isip ni Zyon? Paano kung iba sa totoong siya ang gusto nito? Paano kung napaglalaruan lang pala siya, at hindi niya pansin.
"Saan banda?"
"Ah, dito nalang sa may kanto," Sakura pointed. "Masikip na 'don, mahihirapan ka."
"That was too quick," Zyon sighed.
"Okay lang 'yan, may next time pa naman, 'di ba?"
Zyon nodded, "For sure."
Sakura smiled, reaching out to hold his hand. "Thank you," she whispered. "I had fun. Sa uulitin."
Zyon grabbed her hand and left a sweet kiss on the back of it, "Sa uulitin."
Sa pagkaway ng dalaga habang papalayo ang sasakyan ni Zyon, tanging simpleng hiling na lang na sana'y magkita silang ulit ang natira sa kan'ya.
Pagpasok niya sa isang maliit na bahay, tila natauhan siya sa kung ano ang realidad.
"Oh, nand'yan ka na pala, Sakura!" bati sa kan'ya ng nakatatandang roommate na si Kristine.
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...