25

24 3 0
                                    

S A K U R A

Mabuti nalang at hindi pa ako nakakain dahil nakatanggap ako ng message mula kay Zyon. Talagang hindi rin siya nakatiis at nag order daw siya ng lunch para sa akin.

Alagang-alaga talaga. Malapit na akong maging spoiled. Nararamdaman ko na. Kapag talaga ako tuluyan nang nasanay na may gan'yan ako, baka kainin ko rin ang pagiging strong and independent woman ko.

Gets na gets ko na talaga kung bakit sinasabi ng iba na mas nakakakilig kapag walang label. Simpleng pakain lang, ang lala na ng tibok nitong puso ko. Lunch lang naman 'yo—

"Ay gagong dingdong!" hala nandito na agad.

Tumakbo ako palabas ng kuwarto para kunin ang pagkain. Ayos, halos wala pang 30 minutes at nandito na!

Dahan-dahan ang pagbukas ko sa pintuan. Balak ko sana na sisilip lang ako dahil naka pambahay lang ako at wala pa akong suot na bra. Madalas naman kasi ang nagpapasok dito mga staff lang din o 'di kaya guard.

"Ay–Hoy! Hala!"

"Hello!"

"Gagi, bakit ka umuwi?"

"What? Galit nanaman eyebrows mo!" Zyon said. Tumatawa pa siya habang dahan-dahan na binubuksan 'yong pinto para makapasok.

Tulala pa ako nang yakapin niya ako bago halikan sa noo. Siyempre, kahit na tapos na siya at hinahatak na ako patungo sa kusina, medyo nakanganga pa rin ako.

May prinsipe ba naman na naghatid ng lunch ko!

Hinubad niya ang suot na suit at binuksan ang butones ng panloob niya bago ako pinaupo sa may kusina. Bago pa niya bitawan ang mga balikat ko na itinulak niya pababa, tumungo naman siya para itapat ang mukha niya sa akin. 

"Kiss ko," bulong niya. 

Mabilis akong tumugon para dampian ang mga labi niya na siya namang ikinangiti ng mokong. 

"Bakit ka pa umuwi, hoy?" I asked, habang pinapanood ko siyang mag hugas ng kamay at kumuha ng mga pinggan. "Akala ko ba may meeting ka pa?"

"Yup," proud pa siyang tumango. "I said that I had prior commitments, so I'll be joining via video call. I am not a full time professor naman, so they're open to it."

Napapailing nalang ako habang nakasandal. Lalo siyang pumo-pogi sa paningin ko habang mas matagal ko siyang tinitignan.

"Hey," tawag niya sa akin habang nakangisi. Umupo na kasi siya sa harapan ko at lahat pero nakatulala pa rin ako sa kan'ya.

"Hay nako, Zyon," umiling-iling ako. Mukhang alam na niya ang magiging kalokohan ko kasi nauna na siyang tumawa. "Sabihin mo lang na patay na patay ka na sa akin. 'Wag na paligoy-ligoy."

"I am not hiding that," ay gago. "I've always said that. No?"

"Heh," I rolled my eyes.

Sa lamesa, napanganga talaga ako nang makita ko ang high-class Ramen na nakahain. Hindi man lang instant, talagang sosyalin! First time ko pa lang makakatikim ng ganito!

"Hoy, saan mo 'to nahanap?"

"I ordered," sabi niya, bago ako lagyan ng gyoza sa pinggan. "Mabuti nalang at nakasabay ko pa na dumating. Oh, try it."

"May ramen naman dito."

"You ate so many of those these past few days," he pouted. "We should make our own stock and noodles. It would be healthier and much tastier."

"Zyon," nahihiyang tawag ko sa kan'ya. "Galit ka ba?"

"Of course not," inabot niya naman sa akin ang orange juice. "I only want what's best for you. Syempre, dapat healthy ka."

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon