Tahimik na naglalakad ang magkaibigang sina Jaizen at Sakura nang dumating ang break nila. Hindi pa sila nakakapag-usap dahil sa sunod-sunod na klase. Mabuti nalang at isang oras din ang libre nilang pahinga bago ang susunod na subject. Madalas, sa library sila tatambay, libreng aircon. Ngunit si Sakura na mismo ang nagsabi na kailangan nilang magtungo sa lounge.
Pagka-upo ng dalawa ay tila ba nakikiramdam pa sila kung sino ang unang magsasalita. Sa huli, si Jaizen ang bumasag sa katahimikan.
"Okay lang si Ken, 'wag mong alalahanin 'yong nangyari," he said. "Ikaw, bakit hindi ka nanaman sumabay sa amin? May problema ba? 'Wag mo sabihing nahihiya ka kasi napaaway kami."
"No, Jai, hindi naman ako iiwas kung ganoon," sagot ng dalaga. Hindi ito makatingin sa kaibigan. "Nasabi na ba ang punishment ni Ken?"
"Sus, punishment ba 'yon? Letter lang ang hinihingi sa kan'ya. Gusto lang ng kasulatan na nag eexplain kung ano talaga ang nangyari at kung bakit siya nakapanakit."
"Mabuti naman."
"Nakatulong talaga si Sir Zyon, sinalo niya tayo."
Parang nasamid si Sakura pagka-rinig ng pangalan ng lalaki. Kaagad tuloy na napataas ang kilay ni Jaizen. Nakakaamoy ng kakaiba mula sa kaibigan.
"Ano talaga ang nangyari?" he asked. "Pagkatapos ka naming iwanan, pinadala mo nalang ang bag mo tapos umuwi ka na. Si Sir, hindi na rin bumalik."
"Ha?"
"Anong ha?" Jaizen leaned closer. "Anong meron?"
"Uh..." he seemed to sense the stress that was well painted all over Sakura's face.
Jaizen held her hand, "Okay lang. Kung hindi ka ready na sabihin sa akin, okay lang."
"Jai, kasi..."
"Hmm?"
"Lilipat na ako ng apartment."
Hindi inaasahan ni Jaizen ang sinabi ng dalaga.
"May problema ba? Inaway ka ba ni Kristine?"
"Hindi," she forced a smile. "Hindi lang talaga kami magkasundo. Mas mabuti pa sa tingin ko na lumipat nalang ako. Para rin mas komportable, 'di ba?"
"Paano ka lilipat? May ipon ka ba na pang renta?"
"Uh, ano–"
"May ipon pa kami ni–"
"Jai, para sa future niyo ni Kenji 'yon. Tama na, ha? Ako na ang bahala sa sarili kong problema ngayon."
"Hoy, hindi ka gagan'yan for today's video. Hindi puwede. Kung ano ang problema mo, dadamayan ka namin!" He seemed to be offended with what Sakura said. "Puwede ka rin naman na tumuloy muna sa apartment namin, Cherry."
"Aabalahin ko pa kayo."
"Hindi naman abala 'yon," ungot nito. "Mas gusto na namin na safe ka at alam naming hindi ka nahihirapan, syempre. Tayo-tayo nalang nga ang nagtutulungan."
Tama naman si Jaizen. Sila-sila lang naman, noon pa. Pero ngayon, may kakampi pa si Sakura. Nadagdagan ng isa.
"Jai, ayoko na magalit ka. Pero ayoko rin na itago 'to mula sa'yo. Kaya sasabihin ko, okay?" she took a deep breath. "Pero please, kung sasabihin mo man sa jowa mo, pakalmahin mo rin siya."
"Ano ba, kinakabahan ako!"
"Jai, 'doon muna ako sa bahay ni Zyon."
Pigil na pigil ang pag hinga ni Sakura habang inaabangan ang magiging reaksyon ng kaibigan. She expected him to lash out, to yell, to pull a handful of her hair while yelling how stupid she is, but Jaizen took a deep breath and quietly processed the information.
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...