22

19 2 0
                                    

Tahimik na nakaupo sa likod ng pinto si Sakura habang niyayakap ang sarili. Dahil sa kaba, kinakagat niya pa ang kuko ng hinlalaki.

Pinapasok ni Zyon ang kaibigang si Nate,at halos limang minuto palang ang lumipas, takot na ang bumalot sa pagkatao ni Sakura.

"Kakauwi mo lang ba?"

"Yeah," tipid na sagot ni Zyon. Sinuot niya ang polo niya kanina at hindi na siya nag abala na isara ang butones kaya mukhang nahuli siya ng kaibigan bago magpalit ng damit.

Nate seemed to be really at home at his place. He lifted his feet up the coffee table and immediately made himself comfortable. He did not mind that his tailored suit would get wrinkly or that his perfectly styled flat cut.

"What do you want?"

"Grabe, hindi man lang ba ako puwedeng tumambay sa bahay mo?"

"Hindi mo 'to tambayan, Nate."

"Alam mo ikaw, ang sama ng budhi mo talaga. Wala kang puso," singhal nito.

Nate took of his coat and tossed it aside.

"Hey, 'wag ka mag hubad dito."

"Hubad agad?" Nate scoffed. "Nainitan lang, hubad agad? Asiwang-asiwa ka ba sa katawan ko, ha? Ikaw lang may karapatan na mag labas ng muscles!"

Zyon checked to see if the door to his room was shut and he was relieved to see that it is.

"Oo," he answered. "Nakakadiri."

"Walang hiyang kapre na 'to," bulong ni Nate. Kahit na halos magkasing tangkad lang sila, at pareho ng edad, halata na mas childish ang kaibigan. "Ang tagal na kitang gusto makausap, bakit ka ba kasi nagtatago sa akin?"

"I wasn't. I was busy."

"Hayop na 'yan, sinabihan mo pa 'yong lobbyist na mag kunwaring wala ka kahit kaharap ko na siya mismo!"

"I was busy, I said."

"Saan? Sa school? Akala ko ba ayaw mo magturo?"

"Ayoko," he firmly agreed "I wasn't able to find a replacement. How about you?"

"Wala pa rin, mahirap nga eh, kaya ikaw ang nakuha para sa posisyon, 'di ba?" Nate sighed. "Bakit ba kasi bigla ka nalang hindi puwede? Ano naman ang gagawin mo, aber?"

"I just quickly realized that teaching isn't for me anymore, I'd rather focus on my other ventures."

"Uupo ka lang naman sa computer mo para panoorin 'yong stocks mo," Nate shrugged. "Boring."

"Well, I enjoy it. Boring talaga sa'yo, 'di mo kasi maintindihan."

Ngumuso si Nate habang pilit na inaabot ang lalaki gamit ang paa para lang masipa siya mula sa kabilang upuan.

"Pero seryoso nga, bakit bigla kang umayaw?" Nate asked. "Noong una kitang tinanong, excited ka pa. Sabi mo gusto mo ulit subukan na mag turo kahit isang sem lang."

"Nasubukan ko na nga. Horrible."

"Meh, liar," Nate smirked. "Nilalandi ka ba ng mga prof? Balita ko sa tito ko crush ng bayan ka nanaman don. Naku, pasalamat ka hindi ako professor."

"The hell are you saying?"

"What? Uncle told me!" Nate wiggled his brows with a smug look on her face. "Sabi niya halos maging heartthrob ka na raw doon. 'Wag ka magpapaiyak ng mga estudyante ha? Baka naman ganoon ka pa rin sa dati."

"Anong dati?"

"Luh! 'Di mo na maalala?"

"Alin?"

"Noong college, alala mo? Kapag may nanliligaw sa'yo, pinapairal mo 'yang matabil mong bunganga."

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon