Nawawala na sa paningin ni Jaizen si Sakura nang harangin siya ni Zyon.
"Sir, teka lang po, si Cherry," hinihingal nitong sabi bago tinabig ang kamay ni Zyon.
"What happened? Why is she crying?"
Naramdaman ni Jai ang diin sa tanong ni Zyon. Lumingon muna siya sa mga kaklase na sumusunod para maki-usisa at tila ba naintindihan siya ng professor.
"Go back!" the man ordered. The group of students stopped. "Bumalik kayo sa classroom, I'll be there in a moment."
Mabilis na nagsitakbuhan pabalik ang mga ito. Jaizen was busy. Hindi niya na muna ininda ang lalaki nang maalala si Kenji.
"Hello, Kenji!"
"What happened?" seryoso kaagad ang boses ni Kenji nang marinig niyang tawagin siya ni Jaizen sa pangalan nito.
"Papunta sa building niyo si Cherry, susugurin niya si Hiro. Samahan mo siya!"
The call immediately ended. Nanginginig pa ang mga kamay ni Jaizen nang lumingon itong muli kay Zyon.
"What the hell is going on?"
"Ito, tignan mo," hindi niya na napigilan ang tono sa harapan ng lalaki. "Tignan mo 'tong putangina na 'to. Hindi na nga alam ni Cherry na kinuhanan siya ng picture, tapos ipo-post pa? Habang alam ng lahat na may ibang girlfriend siya? Ano nalang ang sasabihin ng iba? Si Cherry na naman ang mukhang masama!"
Nangingilid ang luha sa mga mata niya sa poot. "Bakit ba hindi na lang nila tigilan si Cherry? Ano pa ang gusto nila kay Cherry?" his voice trembled. "Gagong 'yon! Hindi pa manahimik!"
Hindi na napigilan ni Jaizen ang galit. Gamit ang mahahaba niyang biyas, mabilis siyang nakababa sa hagdan, palabas ng building.
Tama ang kutob ni Jaizen. Paglabas pa lang ni Kenji sa may lobby, nakita na niya ang humahangos na dalaga. Kaagad siyang naalarma nang makita ang namumulang mukha niya sa pag-iyak.
"Cherry!" Kenji immediately hugged her.
His heart broke, hearing her cries. Mahigpit ang kapit ni Sakura sa kuya. Walang pakialam si Kenji kahit pa malukot ang uniform niya sa paghigit nito. Mas iniisip niya kung ano ang nangyari sa kaibigan para umiyak nang ganito.
"Anong nangyari?" malumanay niyang tanong. "It's okay, you can tell me. Aayusin ni kuya, promise!"
"Sa account ni– ni Hiro–" humihikbing sumbong nito. Gamit ang isang kamay, hinugot ng lalaki ang phone sa bulsa habang nakayakap pa rin sa dalaga. "Shh, hindi ka na naman makahinga ng maayos n'yan."
"Bura–hin..." hagulgol ni Sakura.
Tila nagdilim ang paningin ni Kenji nang makita kung ano ang tinutukoy ni Sakura. Halos makaramdam na siya ng apoy sa mga palad nang maintindihan ang nangyayari.
"Putangina talaga nitong gagong 'to!" nanggigigil niyang hiyaw. He looked back to his classmates who were curious. "Anong klase ni Hiro? Alam niyo?"
"Second floor yata."
"Mapapatay ko 'yong hayop na 'yon!"
Sakura held onto him tightly, afraid of what he might do, and he understood. Tinapik niya muna ang likuran ni Sakura bago lumingon sa mga kaklse muli.
"Pakitawag," he ordered. "Papuntahin niyo sa likod."
Maingat na ginabayan ni Kenji si Sakura habang nakatago ang mukha ng dalaga sa dibdib nito. He held her. Kahit mahirap maglakad, unti-unti niyang dinala si Sakura sa likuran.
Behind the building, under the shade, they sat at the bench. Gamit ang manggas ng damit, pinunasan niya ang mga luha ni Sakura.
"Tahan na," bulong nito. "Alam mo naman na kakampi mo kami ni Jai. Okay ka lang, you're safe."
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...