28

24 3 0
                                    


S A K U R A

"Babe," aba, talagang sinusulit nitong lalaking 'to.

"Oh?" sagot ko bago pa ako lumingon sa likod. Nakatulala siya sa aisle ng mga cereal. Inaabot niya pa ako kahit na nakatalikod naman siya.

Siyempre, bilang palaban version of myself, kumapit pa ako sa braso niya.

"Anong meron?" Inangat ko ang suot na mask bago ayusin ang hoodie ko. Mabuti nalang at malamig naman dito sa supermarket dahil daig ko pa ang kabit or star witness sa pormahan ko. Mahirap na kasi, baka biglang may makakita sa amin.

"What cereal do you want?"

"Kahit ano lang na gusto mo," sagot ko naman. "Hindi naman ako pala-cereal."

"What breakfast do you like?"

"Huh?" hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Kanina pa kami parang sumasagot ng slam book dito. Pati sa kung anong juice or brand ng gatas ang gusto ko. "Kahit naman ano kakainin ko. Kahit nga wala, kape lang."

"Unhealthy," ayan na naman siya sa pa singhal niya. "Baka maging acidic ka."

"Kaya nga kahit ano lang na gusto mo. Gagayahin lang kita–ay!" Nahihiligan na akong kurotin nito sa tagiliran. "Hoy, 'wag kang magulo. Nakakahiya, baka may makapansin."

"Hayaan mo sila," he whispered. "What else do we need?"

"Anong gusto mo for lunch?"

"Are you cooking?"

"Oo," tango ko. Nakakakilig talaga kapag ganitong nakikita ko kung paano ngumiti pati mata niya kapag may gagawin ako or ginagawa na gusto niya.

"Hmm, what else do you know to cook?"

"Kare-kare, gusto mo?" napatango siya. "Kumakain ka ba ng bagoong?"

"Ano?"

Shuta, sabi ko nga, premium siya.

"Shrimp paste," kailangan ko pa i-translate sa gold language. "Masarap 'yon, sawsawan sa gulay tapos fish or pritong baboy!"

"I think I've tried that before! The one they serve with kare-kare too, right? I know."

"Saang restaurant?"

"I forgot, pero parang sa Cebu."

Hay, sabi ko na nga ba. Napakamot nalang ako ng ulo at mukhang gets naman na niya kasi natawa rin siya.

"Let's cook it at home," bulong niya sabay halik sa sentido ko.

"Hoy, PDA," kahit na ilang beses ko siyang suwayin, tatawa lang siya. "Para saan pa at nagmukha akong riding in tandem na may virus kung magiging agaw atensyon din naman tayo rito."

"I can't help it," bulong niya.

Kapag talaga gan'yan na direkta sa tenga ko, parang pumapasok sa kaluluwa ko 'yong lalim ng boses n'ya. Magkahawak kamay pa kami habang naglalakad, kala mo talaga may label.

But whatever. Sawa na akong matakot. Susugod nalang ako.

It doesn't matter. Mahulog man sa bangin, ano naman?

"Babe?" I called him.

"Hmm?" kapag ngumingiti siya, biglang nagiging cute siya. Kapag kasi normal na resting face niya, mukha siyang lobo. Parang mananagpang any moment.

"Bili tayo ng noodles."

"Sakura..." shems. Akala ko lulusot.

"Pang stock lang!" please, gumana sana ang pa-cute ko. Nakakainis, hindi kasi masyadong makalusot ang charms ko kapag ganitong balot na balot pati mukha ko.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon