Sakura felt the bright light hit her eyes, forcing her to wake up when her entire being was pleading for her to continue dreaming. Nasanay na siya na magising nang tanghali dahil bakasyon naman. Pero sagabal itong sikat ng araw na parang nanadyang maging spotlight sa mata niya. She tried to roll to her stomach, but she was stopped by a boulder.
As she adjusted her eyes to the light, she gasped. Realizing where she was.
Nakahiga lang naman siya sa kama ng lalaking nakilala lamang niya kagabi. Mahimbing pa rin itong natutulog sa tabi niya habang nakadantay ang isang kamay nito sa kan'yang tiyan.
Panandalian siyang napaisip. Kailangan ba niyang tumakbo? Aalis ba s'ya? Hindi ba ganon ang ginagawa nila sa mga palabas? Tumatakas sila pagkagising sa umaga.
Pero habang tinitignan niya ang maamong mukha ng lalaki, para bang mali na gawin 'yon. Isa pa, gusto pa niyang panoorin ito.
Ano ba ang problema kung mananatili na lamang siya roon? It's Saturday, wala naman din siyang balak. Kung paalisin man siya ng lalaki, edi aalis siya. Tsaka na niya poproblemahin 'yon.
Napangiti si Sakura nang mapansin ang suot na sweater. Malinaw pa sa isipan niya kung paano natapos ang gabing pinagsaluhan nila. He really took care of her. Si Zyon pa mismo ang nagsuot ng damit nito sa kan'ya. He's sweet. Sakura couldn't help but blush. Paano ba naman kasi, ngayon lang nga niya nakilala ang lalaki, pero hindi niya maikakaila na nagsusumigaw ito sa pagiging perpekto. Every second with him felt freeing.
It felt special.
Well, to her at least.
Hindi niya pa alam kung delusyon lang niya lahat ng ito, pero hindi niya maikakaila ang kakaibang saya na dulot nito sa kan'ya.
Zyon moved a little, making Sakura gasp. Kinakabahan siya sa kung ano ang magiging interaction nila ngayon.
"Hmm..." he groaned, peeking with one eye. As soon as he saw her angelic face, she immediately flashed his bright teeth.
"You're awake," he murmured. "Good morning."
Parang teenager na kinikilig si Sakura nang hapitin siya sa isang mahigpit na yakap ng lalaki.
"Good morning," she giggled.
"What's your favorite dish?"
"Ha?" napa-isip tuloy si Sakura kung naalimpungatan lang ba ang lalaki.
"Anong paborito mong ulam?"
"Uh, sinigang..." alangan niyang sagot.
"Hmm, I'll check the fridge for ingredients."
Natatawang tinapik ni Sakura ang balikat nito, "For breakfast?"
"Oh," nagmulat si Zyon. "May lakad ka ba?"
"Ngayon? Wala naman."
"Great!" he smiled, then pulled her in for a warm cuddle. "I'll cook your favorite for lunch."
Para bang nawala ang kaba na kaninang bumabalot sa kan'ya nang malaman kung ano ang unang nasa isip ni Zyon.
Hindi kasi sigurado si Sakura kung matapos ang nangyari sa kanila ay baka wala na siyang pakialam sa dalaga. But if she was to describe what she was feeling right now, it's warm and comfortable.
Weird, kung ang normal na si Sakura siguro ang nasa sitwasyon niya ngayon, baka nagwala na 'yon sa takot. Pero heto siya, ang lakas pa ng loob na makipag cuddle.
"Oh my gosh!" halos tumayo lahat ng buhok sa katawan ni Sakura nang marinig ang pamilyar na ringtone mula sa sala. "Sandali lang–ay!"
Napakagat labi siya nang maramdaman ang sakit ng katawan. Para siyang isang buong araw na nag gym. Napatingin tuloy si Zyon sa kan'ya na para bang nag aalala.
"I'll get it."
Napahilamos ng palad sa mukha si Sakura. Zyon stood up, revealing that he's only wearing his boxers. Mabilis tuloy na nag iwas ng tingin ang dalaga na kala mo talaga'y napaka inosente. Mabuti na lang at hindi lumingon si Zyon, kung hindi, mahuhuli pa nito ang pamumula niya.
As the man left, she quickly massaged her legs. Parang nabanat talaga ang buong katawan niya.
"Here," Zyon left her pouch on the bed. "Mag aayos muna ako ng breakfast."
Tama nga ang hinala ni Sakura. Pag tingin pa lang niya sa screen, picture na ni Jaizen ang nakalitaw.
"Hoy!" tili ng kaibigan. "Prism Apartment building? Sumama ka umuwi?"
"Jai, 'wag kang magulo," nahihiyang bulong nito. "Prism ba 'to?"
"Ay gaga ka! Ibang level ka na talaga!" he cheered. "Hindi ka na birhen teh!"
"Jai!" suway nito. "Baka marinig ka ni Ken."
"Hindi, naliligo na siya," sagot nito. "Hayaan mo 'yon, wala naman na siyang magagawa. Big girl ka na."
"Heh, big girl ka d'yan. Hindi ko nga alam ang gagawin ko."
"Bakit? May problema ba?"
"Kasi naman, hindi ko alam na aabot ako sa ganito," pag-amin ng dalaga. "Akala ko 'yun na 'yon, pero ngayon nagluluto siya ng almusal. Ipagluluto rin daw niya ako ng sinigang for lunch."
"Ay putakte ka! Hindi lang one night stand?" kinikilig na nagpigil ng tili si Jai. "Hoy! Balak yata niya ituloy sa something."
"Heh! 'Wag mo akong paasahin!"
"Hala ang landi! Kung gusto mo, sunggaban mo na lang ulit."
"Ihh! Nahihiya na nga ako eh."
"At bakit naman, aber?"
"Masyado siyang... perfect," hininaan pa lalo ni Sakura ang boses. "Tapos, ano s'ya..." iginala ni Sakura ang paningin sa loob ng kuwarto. There's a huge T.V. on the wall, a door that leads to a walk-in-closet, and a lamp that she'd bet to be at least a couple thousand worth.
"Ano?" tanong ni Jai.
"Beh, mukhang R.K." bulong ni Sakura.
"Mapangmata ba? Masama tabas ng bibig?"
"Hindi, sobrang respectful niya nga eh," she responded. "I noticed how he made sure na on board ako sa nangyayari bago siya kumilos."
"Bare minimum, pero that's good."
"Jai, nakakatakot... parang hindi totoo."
Narinig niya ang buntong-hininga ng kaibigan mula sa kabilang linya.
"Masaya ka 'no?"
"Yeah."
"Then enjoy it." Sumeryoso si Jaizen. "Enjoy the moment, Cherry. Gan'yan ka lagi kapag nakakaramdam ka ng tuwa. Iisipin mo agad kung pano kapag nawala. Bihira ka lang unahin 'yang sarili mo. Have fun. Whatever happens, happens."
Natahimik si Sakura sa kabilang linya.
"Alam mo naman, isang tawag mo lang susunduin ka namin," he assured her. "If something goes wrong, then go home. Move on! Anong problema 'ron? Sa ngayon, mag enjoy ka muna."
"Thanks Jai," she sighed. "Enjoy the moment, tama ka."
Wala naman sigurong magiging problema kung ngayon ay pipiliin niyang magpakasaya. Kahit hindi niya pa alam kung ano ang kahahantungan, puwede niya namang sakyan lang ang alon. Baka sakaling mapunta sa isang magandang hinaharap, hindi ba?
Tinapik-tapik ni Sakura ang balikat bago huminga nang malalim.
"Subukan natin," bulong niya sa sarili. "Why not?"
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...