24

21 3 0
                                    

S A K U R A

Halos mag dadalawang linggo na rin pala ako na nakatira kay Zyon. Tinulungan niya ako na kunin ang ibang gamit sa dorm ko noong alam ko na walang tao. Mabuti nalang talaga at naging madali na 'yon para sa akin. Hindi ko maikakaila na nasasanay na ako sa sitwasyon namin.

Sa umaga, magigising ako sa almusal na siya mismo ang naghanda. Kapag mas maaga ang klase ko, mas maaga niya pa na aayusin bago siya babalik sa kama para matulog ulit.

Ako naman, madalas na nagluluto ng dinner namin. Kapag gagabihin siya ng uwi, sasabihan niya ako. Kapag naman male–late ako, susunduin niya ako sa kanto na walang makakakita sa amin.

Tuwing papasok sa school,nagkasundo kami na mag bibyahe na lang ako. Noong una, gusto pa sana niya na ihatid ako or ikuha ng service, para raw mas safe, pero umangal na ako. Hindi naman na ako kinder, kako.

Sa school, normal na ang interaction namin. Hindi na kami nagkakailangan, at hindi naman masyadong halata kung ano ang ginagawa namin behind closed doors. Nakakatulong din talaga na madalas akong pinapaalalahanan ni Jaizen.

Speaking of Jai, mukhang nakausap na niya na si Kenji. Alam niya na rin kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko, at nakakagulat, hindi siya over protective this time! Minsan itatanong niya lang kung mabait ba si Zyon sa akin. Mukhang natutuwa naman siya sa mga kuwento ko.

Sobrang perfect ni Zyon. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano siya nag-eexist.

Imbis na isipin niya na walang kuwenta or childish ang concerns ko kung minsan, kalmado niya akong kakausapin. Ipapakita niya kung ano ang side niya at aalamin ang akin. He's actually talking to me better than I talk to myself. Parang mas alam niyang i-handle ang mga issues ko. Kaya napapadalas akong tumatakbo sa kan'ya kapag medyo problemado ako.

We still have our separate rooms. Gets ko kung ano ang original niyang idea. Binigyan niya ako ng space na para sa akin lang. Napansin ko rin na kung hindi ko siya yayayain sa kuwarto ko, or kung hindi ko siya bibigyan ng permission, hindi siya basta-basta na papasok.

Kapag pagod ako at gusto ko lang na manahimik at matulog, nagagawa ko. Pero siyempre, kinukulit ko siya madalas at mukhang gusto rin naman niya 'yon.

Isa lang ang problema.

Napapansin ko na nagbabago na ako.

I think imbis na maadik siya sa akin, ako ang naadik sa kan'ya.

I don't know why, but I often find myself having the need to do it with him. Pero kapag ganoon, kinukulong ko nalang ang sarili ko sa kuwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya. Kailangan ba na ako ang mag yaya? Ayoko nga!

Hindi pa rin nasusundan 'yong huli naming pagsisiping. Kung gagamitin ko ang utak ko, sa tingin ko tama lang naman 'yon. Pero kung papakinggan ko ang katawan ko, aba, bakit hindi naging araw-araw? Akala ko talaga magbabago na kasi established naman na open kami pareho.

Baka pinakikiramdaman niya lang din ako? Pero kasi, bakit hindi niya ako kalabitin. Sinabi ko naman na okay lang.

Ilang beses ko na inisip na dapat siguro ay sunggaban ko na siya para hindi na siya magdalawang isip. Pero hindi kaya ng ego ko, nahihiya ako. Dapat siya ang hayok na hayok. Akitin ko kaya?

"Hay, mga kagaguhan mo talaga," napailing nalang talaga ako. Paano nalang kung malaman niya na nagsimula ako magtake ng pills? Luh, baka mas lalong weird 'yon.

Bahala na nga muna, nakakainis.

Itinuon ko nalang ng pansin ko sa dino-drawing ko na cell. Kasisimula pa lang ng sem, pero tambak na agad ang mga lab reports na kailangan kong tapusin.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon