7

69 4 0
                                    

 S A K U R A

Shuta, bakit ganito 'tong lalaking 'to? Sinabi ko lang na maliligo ako, may nakahanda na siyang hoodie para suotin ko. Tapos may shorts pa siyang binigay na masyado raw maliit sa kan'ya kaya hindi niya nasuot. Nakahanda na rin 'yong tsinelas na kasama sa pina-deliver niya kanina. Kahit hindi ko sinabi, alam niya 'yong size ko kasi tahimik niyang chineck 'yong size nung suot ko kagabi.

Totoong tao ba 'to? Napapaisip na tuloy ako. Baka mamaya kathang isip ko lang pala 'to.

Bakit sobrang alaga niya? Parang hindi ko pa alam na kailangan ko, naihanda na niya para lang maging komportable ako. Siya na mismo ang nag handa ng mga towel na gagamitin ko, nakalimutan ko na nga mag tanong.

Ang suwerte siguro ng magiging jowa nito.

Baka puwede pa ako mag apply? Ay erase, erase, 'wag ko na muna i-jinx.

"Are you ready, babe?"

Ito na naman si babe. Kung maka-babe sa akin, akala mo talaga pinapaasa ako. Ang ganda pa naman pakinggan kasi parang nag vi-vibrate yung tenga ko sa lalim ng boses nya.

"Saglit lang!" sagot ko mula sa loob ng banyo.

Ang sabi ko pa naman sa kan'ya 30 minutes lang. Nawili kasi ako mag tampisaw doon sa bathtub. Ayan tuloy, ready na siya, ako naka tuwalya pa lang.

"Ay, hala," bakit ayaw sumara nitong sliding door? Hinahatak ko para sana masara itong divider na papunta sa bathtub, pero na stuck.

"Isa ka pa, huli na nga ako," bulong ko sa pinto. "Okay, one, two—AHH!"

"Sakura?" I heard him shout from outside. "Sakura! What happened?"

"Fudge," katangahan nga naman! Nadulas pa ako my gosh! "AAH!"

"Oh!" pareho kaming napasigaw sa pagpasok ni Zyon.

Nagtagpo ang mga mata namin, at kitang-kita ko na nag aalala siya, habang ako, heto, nalulunod sa katangahan.

"God, are you alright? What happened?"

"Ah, ano lang, nadulas," bulong ko. "Okay lang ako."

Tinukod ko ang kamay sa tiles, pero bigla kong naalala na tanging manipis na tuwalya lang ang nakatakip sa akin. Iniisip ko pa lang kung paano ako tatayo nang hindi nilalantad ang sarili ay bigla na lang akong binuhat ni Zyon.

"Hoy, teka, okay lang naman ako!" Parang wala lang sa kan'ya na karga ako sa mga kamay niya.

He shook his head in disappointment, "May slippers naman sa banyo para hindi madulas. Bakit hindi mo suot?"

"Malaki kasi masyado."

"I should've bought you a pair, hay." He looked down at me and sighed. "Nagmadali ka ba nung tinawag kita?"

"Hindi," nahihiyang bulong ko. "Sinasara ko kasi yung sliding door, kaso na-stuck yata."

Zyon rolled his eyes, "It gets stuck, nga. Sana hinayaan mo na lang. Nasaktan ka pa tuloy."

"Hindi masakit!" I grinned. Pero mukhang hindi pa siya ready na mag smile kasi umiling-iling lang siya.

"Maybe I should get that removed."

"Ha?"

"I'll get that door removed, hassle lang naman. Para rin di na maulit to."

Walang hiya. Hindi ko alam kung subtle way ba niya 'yon para sabihin na gusto niya ako ulit mag stay sa bahay niya or sadyang red flag lang siya at hindi ko pa makita 'yon kasi sobrang crush na crush ko siya?

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon