12

45 4 0
                                    

"Anong sabi niya?"

"Kebs lang, parang wala lang din naman sa kan'ya." Tinabi ni Sakura ang kakatupi lamang niyang sando sa gilid ng kama. Habang nakatutok sa kan'ya ang phone, kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ni Jaizen.

"Sure ka ba?" Jaizen asked. Mukhang humiga ito dahil puro ilong na lang at noo ang nasa screen.

"Sure na...siguro," wika ni Sakura. "Alangan namang landiin ko ang prof ko."

"Gaga, hindi," singhal ni Jaizen. "I mean, sure ka na ba na wala lang sa kan'ya?"

"Syempre. Mukhang imposible pa sa imposible 'to. Mas mabuti na rin na ibaon kaysa naman maging issue pa 'di ba?"

"He's going to look for a replacement, 'di ba?"

"Sabi niya," Sakura sighed. "Pero kasi ang gulo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nila. Natatakot ako."

Natigilan si Sakura nang hablutin niya ang pamilyar na sweater. Matamlay niya itong tinupi, mga ala-ala na kailangan niyang kalimutan ang bumalot sa silid.

"Kaya pala parang perfect," she whispered. "Alam mo, first time ko maramdaman 'yong gano'n. Parang ang special ko."

"Cherry..."

"Jai, 'di ba lagi mong sinasabi na soulmates kayo ni Ken?" mapait na ngiti ang gumuhit sa kan'yang mukha. "Alam mo ba, naisip ko pa, baka nga totoo 'yong soulmates. Kasi akala ko talaga... hay."

"Six months, matatapos na rin ang pagtuturo niya, may chance pa naman subukan ulit!"

"Imposible," Sakura responded. "Babalik na lang ako sa realidad."

Nalungkot si Jaizen. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan. Nakita niya kung paano nag-iba si Sakura sa loob lang ng isang araw. Ngayon, nanumbalik na naman ang lungkot sa kan'yang mga mata.

"Gusto mo ba na lumabas?" Jaizen offered. "Maaga pa naman, kain tayo!"

"Hindi na," Sakura rejected. "May pagkain na ako rito. Kita nalang tayo bukas."

"Sige."

"Jai," mahinang tawag ni Sakura. "Please, 'wag mo na lang i-share kay Ken."

"Don't worry, hindi naman siya magagalit sa'yo."

"It's not that," she sighed. "Nahihiya lang ako."

"Hmm, alright," buntong hininga ni Jai. "Kita-kits bukas. Labyu!"

Nang matapos ang video call nila,bumagsak ang buong katawan ni Sakura. She grabbed her phone to check her notifications.

Natawa na lang siya nang mabuksan ang huling message na natanggap.

See you soon! Can't wait!

Kanina lang ang saya-saya niya dahil sa message na 'yon. Nagkita nga sila, hindi nga lang sa paraan na inaasahan niya.

"It's okay," she told herself. "Isipin mo nalang na isang magandang panaginip 'yon. Masaya, magical, pero hindi totoo. Isang araw lang naman, pagkatapos ng isang linggo, limot mo na 'yon."

Paulit-ulit niyang kinukumbinsi ang sarili. May halong panalangin na sana'y maniwala ang utak niya.

Nang makita ni Sakura na 5:30 na, lumabas na siya para mag handa ng pagkain. Mabuti na lang at wala pa si Kristine. Halos tatlong taon na silang magkasama sa bahay pero hindi pa rin talaga niya makasundo ang nakakatanda.

Kumuha lang si Sakura ng instant noodles at itlog sa maliit nilang ref tsaka pumasok ulit sa kuwarto. Sa cute niyang electric multicooker siya nag luto.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon