"Ano 'yan?"
"Pork."
"Zyon," buntong hininga ni Sakura. "'Wag d'yan sa pre-packaged, mas fresh yung hinihiwa pa lang nila, look," ngumuso si Sakura sa matador na nasa likuran ng mga display.
"Look, hindi pa frozen 'yun oh."
"That will take a while."
"Hindi naman tayo nagmamadali."
Sakura noticed how he pouted a little. Napangiti ang dalaga. Sa wakas may isang bagay na 'di siya perfect. Mainipin pala ito.
"What else do we need?" Zyon asked. "Maybe we get those first?"
"Pang adobo tsaka sopas," she replied. "Tara, tara."
"Magluluto ka ng sopas mamayang gabi?"
"Adobo," she replied.
"Sopas tomorrow?" taas baba ang kilay ng lalaki.
"Iluluto ko lang mamaya," bulong ni Sakura. "Pero bukas mo kainin. Initin mo na lang."
"Hay, I thought you'd stay the night."
"Hindi puwede eh, may lakad ako bukas." Malakas na ang loob ni Sakura na umayaw dahil nakapag palitan na sila ng number. May coffee date na nga sila na scheduled next weekend.
"Boring," pabirong pagmamaktol ng lalaki.
"Heh!" she chuckled. "Malapit na kasi ang pasukan. Mag shoshopping kami nila Jai bukas." She looked up and smiled. "Si Jaizen 'yong kasama ko sa bar, bestie ko. Tapos 'yong isa pa namin na kasama, jowa niya, si Kenji."
"May isa pa kayong kasama?" Inakbayan niya si Sakura. "I saw your friend wearing nets, not the other one."
"Ah, oo, 'yong si Ken, tatay ko."
"Tatay mo?"
Natawa si Sakura, "Si Jai, parang nanay ko. Tapos si Ken parang tatay ko." Nahawa si Zyon sa pag-ngiti ni Sakura habang kinukuwento ang mga kaibigan. "Trio kami, para kaming sapin-sapin."
"That's nice," he commented. "Kaya pala chine-check ka no'ng Jai."
"Oo," Sakura nodded. "Sabi niya nga—"
"Ano?"
"Wala, hayaan mo na-Hoy!" bahagyang napatili si Sakura sa pag pisil ni Zyon sa kan'yang tagiliran. "'Wag ka mangiliti, nakakahiya!"
"Anong sabi ba?"
"Ay," she giggled. "Tsismoso ka rin pala 'no? 'Di na, 'di na–Zyon! Ah! Kasi nga, sabi niya..." hinihingal pa si Sakura nang bahagya dahil natawa ito sa kiliti ni Zyon. "Sabi niya tawagan ko lang siya kung bad ka. Susunduin nila ako agad."
Napangiti nang malaki si Zyon, "You have great friends, Sakura."
"Naman!" maangas niyang pinunasan ang ilong gamit ang hinlalaki. "Ako pa ba?"
"I only have one friend," Zyon opened up. "Well, acquaintances, I've got a ton. But someone that I really, trully, trust with my life, I've got one."
"Hindi naman importante kung ilan, 'di ba?"
"Right," he agreed. "Basta—"
Napatigil si Zyon ng maramdaman ang phone na nag vi-vibrate.
"Speaking of," he sighed, showing 'Nate' who's calling. "What do you want? Huh?"
Natawa si Sakura. Mukhang close nga sila ng Nate na 'yon, bangayan sila agad eh.
"You can't," he firmly stated. "I'm..." he looked down to glance at Sakura's doll eyes staring at him. "I'm with someone. Don't look for me–hell no! No, I'm not mad... Just,uh, don't go at my place."
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...