"Ang sweet naman niya!"
"Gagi, 'wag kang maingay," hampas ni Sakura kay Jaizen.
Sa loob ng classroom, kahit na maaga sila, marami pa rin ang maaaring makarinig sa malakas na bulong nitong kaibigan niya.
"Parang ang cute kung magiging jowa mo s'ya," biro ni Jaizen. "Mukha siyang bad boy, pero nagpa-pout kasi ayaw kang pauwiin. I can see it, may chance talaga!"
"Sa ngayon parang meron nga," nakangiting wika ni Sakura. "Tignan natin. Kung talagang compatible kami, why not."
"For me, I vote na sunggaban mo na talaga siya. He seems like a catch."
"Nasunggaban na nga," biro ni Sakura.
"Ang harot!"
"Ih, tama na nga. Nahihiya ako."
"Sa akin?" naguguluhang tanong ni Jaizen. "Timang! Nahihiya ka sa akin?"
"Kasi naman, hay. Dapat talaga nagpaka Maria Clara ako."
"Live a little," Jaizen rested his head on her shoulder. "Walang masama do'n. You're an adult. You can do what you want."
"Basta ha, don't tell Ken muna. Siguradong gugustuhin niya na agad na makilatis 'yon," she whispered. "Gusto ko sanang dahan-dahanin muna."
"Clown ka rin eh, dahan-dahan pa nga."
"Cherry!" sabay ang pag lingon nila Jaizen at Sakura sa pintuan. Nakangiting kumakaway ang matangkad na lalaking papalapit. Pinitik pa nito ang ulo para umayos ang mahabang bangs. "Mabuti nalang at magka-section pa rin tayo!"
Jaizen gave Sakura a meaningful glance before acknowledging the man, "Hi Brian, good morning naman sa'yo," malamyang wika nito sabay ngiti nang pilit.
"Ay, Jai, kaklase ka rin namin."
"Oo, surprise."
Tumawa si Sakura para putulin ang nakakatakot na tensyon.
"Akala ko ba suko ka na sa pag me-medtech?"
"Nakinig ako sa'yo, syempre," wika ni Brian habang nakangiti nang malawak. "Sabi mo kaya ko."
"Sabi ko?" turo ni Sakura sa sarili. "Weh ba?" tinignan niya si Jaizen at pareho lang silang naguguluhan.
Ilang beses ng sabihan ni Sakura ang lalaki na hindi siya nagpapaligaw, walang pakialam si Brian. Kahit pa noong nagkaroon ng boyfriend si Sakura last sem, talagang hindi siya nilulubayan nito. Kaya naman itong si Jaizen, parang aso na handang sagpangin siya kaagad. Isang beses pang magpumilit ito na mapalapit kay Sakura, baka kamandag na ni Jaizen ang makalaban niya.
"Nabalitaan niyo ba?" Brian sat beside Sakura. "May bagong mga professors daw this sem. Mga bata pa, sana hindi terror."
"Sana naman," Sakura responded just to fill the awkward void.
"Narinig ko nga rin kanina, may pinag-uusapan 'yong mga taga kabilang section. Napalitan yata si Mr. Cabrera."
"'Di ba siya 'yong sa Hematology 1?"
"Oo," Jaizen nodded. "Siya 'yong sinasabi nilang pinaka nakakatakot."
"Mapapalitan din kaya siya sa atin?"
"Sana naman!" Jaizen prayed.
"Hindi ka naman mapapagalitan no'n," Brian chimed in. "Matalino ka naman, Cherry eh, 'wag kang mag alala."
"Ah... hehe... salamat."
Maya-maya pa ay nagsitakbuhan papasok ang ilan nilang mga kaklase na nakatambay sa labas. Some of them were giggling, mukhang may alam ang mga ito na hindi nila masabi dahil papasok na ang professor.
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...