34

23 1 0
                                    


"Akala ko sumama ka kay Jaizen!" Sakura had her head down as she walked inside the room then immediately and sat on her seat, simply shaking her head at the classmate.

"Hindi, medyo sumakit lang pakiramdam ko," Sakura replied as she lowered her head even more to hide her flushed face. "Wala pa rin ba si Jai?"

"Dumating na," sabi naman ng kaklase. "Siya na rin nagdala no'ng mga manual sa office ni Ma'am. Sinabay-sabay na niya."

"Ah, good," napangiti ang dalaga, hindi makapaniwala na gumana ang plano nila ng kaibigan.

Habang nagkukunwari ang dalaga na may kinakalkal sa bag, nakaramdam siya ng tapik sa balikat. It was Jaizen, with a huge grin on his face.

"Galing mo," he whispered. "Bilib na bilib na ako sayo."

"Jai, shut it," she shyly covered her face. Para hindi lang magtagpo ang mga mata nila ni Jaizen, halos ipasok na niya ang ulo sa bag.

"Mabuti wala pa si Sir?" malakas na hampas sa braso ang nakapagpangiwi kay Jaizen nang pasigaw itong nagtanong.

"Oo nga, absent yata?" sagot ng isa mula sa harapan.

"Baka late lang?"

"Hindi pa ba tayo puwedeng umuwi? Lampas fifteen minutes na siyang late."

"Baka pumasok pa siya eh, sayang 'yong quiz," sagot naman ng isa pa.

Jaizen meaningfully looked at Sakura, "Papasok pa kaya siya, Cherry?"

"Baka?" she mumbled. "Malay ko."

"Hindi ba natin iche-check sa faculty?"

"Akala ko na-check na ni Cherry eh."

"Hindi!" mabilis na sagot ng dalaga. "Ano, sumama pakiramdam ko, nagpahinga lang ako sa clinic, sorry."

"Ah, okay ka na ba?" nakahinga nang maluwag ang dalaga nang gumana ang inimbento niyang dahilan.

"Nilalagnat ka ba, Che?" kahit na mukhang sincere ang tanong ni Jaizen, nang magtama ang tingin nila, alam kaagad ni Sakura na siya na naman ang taya. "Hala, allergy ba? Namamaga labi mo."

"Ay naku," their classmates began showing concern. Ang ilan sa kanila ay inaalok pa siyang ihatid sa may gate para makapag pahinga na at makauwi. Habang si Sakura naman ay halos masunog na sa hiya.

"Okay lang, promise," she tried to convince them. "Naagapan ko na."

"Oy, si Sir!"

Mabilis na nagsi-ayos ang buong classroom sa pagpasok ng guro nila.

Diretso lamang ang tingin nito sa dadaanan, hindi man lang lumingon sa mga estudyante. Pagdating niya sa desk, pasimple lang niyang binuksan ang dalang laptop.

"Sir, may quiz po ba?" tanong ni Paula, ang pinaka bibo sa klase. Kaagad siyang sinamaan ng tingin ng mga katabi.

Sa pag aangat ng tingin ng professor, napansin niya ang isang dalaga sa may likuran na halos ipasok na ang ulo nito sa braso ni Jaizen.

"Wala na muna." The class cheered. "Sorry, I was late. May...emergency lang."

On the screen, he showed at a slide filled with topics and chapters.

"Please take a photo of this," he stated. "Ito ang magiging focus natin sa laboratory next meeting, kailangan handa na kayo."

"Oy, phlebotomy!" Jaizen cheered. "Turukan na pala!"

Bahagyang natawa ang mga kaklase niya habang iba naman ang ekspresyon ni Sakura.

"Nandito na rin ang list ng mga kailangan niyong gamit, please make sure na kumpleto kayo." Zyon remained very professional despite the fact that images of what they just did earlier still circulate in his head.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon