S A K U R A
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil napakabilis kumilos nitong lalaking 'to. Kanina lang kami nag desisyon na dito muna ako titira sa bahay niya. Kakatapos lang din namin na kumain. Pero bakit naglilinis na siya agad? Inaayos na niya 'yong magiging kuwarto ko.
He's taking out the boxes of his old things and other furniture. Nakatawag na nga siya ng kukuha raw nito mula rito para i-uwi sa family house niya. Hindi lang 'yon, nakabili na rin siya ng bagong unan at mga kumot na hinihintay nalang naming dumating.
Bakit ba ako apektado?
'Di ba dapat nga natutuwa ako na maasikaso siya?
Pero kasi... bakit hindi nalang kami–hala, lumalandi na yata talaga ako.
Bakit gusto ko siyang tabihan?
"Oh, what are you doing here?"
Sumimangot ako nang ganoon ang reaksyon niya pagkakita niya sa akin sa labas ng pinto. tinutulak niya ang isang sirang upuan bago siya matawa sa ekspresyon ko.
"Sorry, I didn't mean it like that," he clarified. "Akala ko kasi umiidlip ka muna."
"Paano ako matutulog kung..." kung wala ka sa tabi ko. "Kung ang ingay-ingay mo rito."
Ayaw ko na bumanat. Baka makahalata siyang patay na patay ako sa kan'ya. Baka imbis na ako ang mag ingat, siya pa ang kabahan sa akin.
Ano ba kami? Magkaibigan, 'di ba?
Eh bakit kami nag kikiss? Momol pa nga eh!
Oh, bakit gustong-gusto ko naman?
Hala, nababaliw na yata ako.
"Sakura?"
"Oh?"
"Bakit natulala ka?"
"Ano ba kasing ginagawa mo?"
"Huh? Inaayos ko itong magiging room mo, 'di ba?" he pointed at the bed that is now perfectly aligned. Kanina kasi nakatabingi pa yan sa pader para magkasya 'yong ibang gamit nya.
"Look, I left my books on your shelf. You can use those for school, halos same lang naman. Just cover my name."
"Uy, wow!" namuso ang mga mata ko. "'Yan, tatanggapin ko talaga."
"I'm glad," he said, bago siya umakbay sa akin. "You need a desk and a mirror. For the meantime, use mine sa kwarto."
"May banyo naman dito, 'di ba?"
"Yeah, wala lang tub."
"'Di naman ako laking tub," sabi ko.
Luh, tignan mo. Yung pahaplos niya sa bewang ko, hindi talaga friendly. Masyado pang maaga para magkaroon ng feelings. Pero, magkukunwari ba kami na hindi kami attracted sa isa't-isa?
Ayaw niya ba talaga na tabi kami sa kama?
Hala... wait.
Hindi na ba s'ya attracted sa akin kasi may nangyari na sa amin?
"Bakit na naman angry 'yang eyebrows mo sa akin?"
"Zyon!"
"Hmm?"
"Sexy ba ako?"
Bigla siyang natawa sa tanong ko. Nakakatawa ba 'yon?
"All of a sudden?" he asked, still laughing. "Mga tanong mo talaga."
Hinalikan niya ang noo ko bago bumalik sa pagliligpit ng mga gamit. Talaga ba? 'Yun na 'yon? Hindi man lang hihirit kahit isang beses?
Wait, legit ba? Anong nangyayari sa utak ko?
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...