S A K U R A
Two days na wala akong kasama sa bahay. Dalawang araw na magkakahiwalay kami for the first time since we met. Sa totoo lang, medyo nahihirapan ako. Hindi ko expected, pero ang tahimik ng buong unit.
Sanay na rin ako na magkasama lang kami sa tuwing walang klase. Kahit nga kapag nag re-review ako at nagta-trabaho siya, magkadikit pa rin kami.
But I think this is good.
Kahit miss ko na siya within 5 hours. Siguro dahil hindi ko man lang siya nakitang umalis, hindi ako nag ba-bye. Ang aga naman kasi niyang umalis, 3AM.
Inis na inis pa siya kagabi kasi sinubukan pa rin niyang hindi masama sa seminar pero kahit na anong gawin niya, hindi raw puwede.
Ang dami niyang bilin sa akin buong linggo. Bawal mag bukas ng pinto basta-basta.Siguraduhin na staff or si manong guard lagi ang nasa labas. Kailangan saradong-sarado lahat. Kala mo talaga may aakyat mula sa mga bintana, ang taas-taas nito.
Paulit-ulit siya, kahit na pareho lang ang sasabihin niya, ipapaalala niya sa akin bawat oras. Pero tumatango lang ako, gets ko naman. Mukhang concerned lang siya sa akin. Lalo na no'ng binilang niya kung ilan ang instant noodles namin, iche-check daw niya ulit pag balik.
He's so worried about my health. Nagsimula 'to noong kinwento ko na araw-araw akong kumakain ng instant noodles noon, lalo na kapag walang pera. I find it sweet. Ngayon lang may nag aalala sa akin nang gan'yan.
Bago siya umalis, sinigurado rin niya na marami siyang iniwan na pagkain sa ref. Iinitin ko nalang kung gusto ko ng sinigang, ng adobo or pasta. Mayroon rin siyang iniwan na mga homemade ramen, 'yon ang bago kong paborito.
Nakakatamad din pala kapag walang gagawin. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras na akin lang. Hindi ko kailangan mag trabaho, hindi ko kailangan na kumilos, wala naman akong urgent na assignments.
Ang tagal ko na nakahilata. Wala man lang akong magulo na katabi.
But I think I need this. Dalawang araw na akin lang. Dalawang araw para mag-isip.
Ang daming nagbabago sa akin lately. I find myself so drawn into him, na parang sa lahat ng kilos ko, sa bawat gagawin, kailangan kasama ko siya or konektado sa kan'ya. Hindi naman ako gano'n eh. Sanay ako na solo lagi. Pero ngayon, hindi ko na maiwasan.
Sa tuwing nagtatabi kami, parang hindi na rin kaya ng katawan ko na manatiling neutral. Kapag nakikita ko na 'yong mga mata niya na tumitingin sa akin nang makahulugan, nag iinit na ako. Sometimes I feel like I'm being too much.
Hindi ko nga rin alam kung paano ko nagawang i-seduce siya nang maraming beses. I just love seeing my effect on him so much. Ramdam ko rin na sa bawat pagtatalik namin ay mas nagiging mapusok siya. I know that he's still holding back, somehow.
Hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yong nangyari sa office niya. Mabilis lang, pero sobrang sakit ng katawan ko. Parang 'yon ang pinaka wild na nakita ko siya. I saw something in his eyes. There's a different kind of fire.
I think he likes it when he dominates me. Hindi ko talaga maalis sa isip ko 'yon. Kapag sinusunod ko ang mga gusto niya, kapag nagmamakaawa ako, I see a spark in his eyes.
And I like that.
Nitong nakaraan, palagi ko siyang binibiro, sabi pa nga niya magaling daw ako mang tease. Pero kasi napapansin ko na pilit niyang kinikimkim kung ano ang gusto niya na makuha sa akin.
Perhaps because of our messy situation, but I find myself getting more and more frustrated because of it. Parang pinipigilan niya na ipakita sa akin ng buo kung sino siya at kung ano ang gusto niya dahil takot siya na matakot ako.
BINABASA MO ANG
Professor Zyon (SPG)
RomanceSimple lang naman ang balak ni Sakura, gusto lang niyang magpakasaya sa huling weekend ng bakasyon bago ang pasukan, and she did. Kaya lang, hindi niya inaasahan na ang lalaking nakasama niya sa gabing 'yon ay makikita niyang muli. Hindi lamang isan...