1

802 13 8
                                    

Third person's POV:

"Balita ngayon sa buong bansa ang pagbabalik ng nag-iisang apo ng sikat at isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa na si Frederico Auckerman, matapos mamataan ang dalaga sa NAIA nito lamang hapon. Ngunit hindi nagpaunlak ang dalaga at puno ng security na nakapalibot dito, bagamat nagmamadali ay nakuhaan siya ng mga litrato upang maging kumpirmasyon na ito nga ang nagiisang apo ni Frederico na si Colet "Cole" Auckerman"

Pinatay ni Frederico ang telebisyon at sumandal sa upuan. Tinawag niya si Henry.

Frederico: Henry, asaan na ang apo ko?
Henry: Malapit na daw po siya makarating sa mansyon.
Frederico: Nagsabi ba siya na dadalaw sa mga magulang niya?
Henry: Hindi po Sir, mukhang didiretso siya dito sa Mansyon.

Tumango ang matanda at matiyagang inantay ang apo.

Di katagalan, bumukas ang pinto ng kanyang opisina at isang ngiti ang pinakawalan nito.

Colet: Papito!

Tumayo si Fred at kahit nahihirapan maglakad ay sinalubong at niyakap ang apo.

Colet: Kamusta na kayo?
Fred: Ayos lang, sabi ko naman sayo. Hindi mo na kailangan pa na umuwi from states, kaya ko ang sarili ko normal lang magkasakit ako sa gantong edad ko.
Colet: I can't help it, alam ko na ako lang ang immediate family member mo. Ayoko na nag-iisa ka, after hearing the news lalo ako di mapapanatag.
Fred: Masaya ako na andito ka na, pinahanda ko na ang kwarto mo sa 3rd floor. Walang naiba doon katulad ng utos mo, bago ang bedsheet at nalinis ng mabuti. Siya nga pala.

Kinuha ng matanda ang telepono at tinawag si Henry at Rosita at pumasok sila sa opisina.

Fred: Sila ang punong abala dito sa mansyon, si rosita matagal na naglilingkod sakin kapag may kailangan ka siya ang lapitan mo. Kanang kamay ko si Henry, ama niya ang orihinal na naglilingkod sakin nung pumanaw ito ay siya na ang pumalit.

Nagbow ang dalawa kay Colet.

Henry: Lubos po namin kayong ikinagagalak na makilala, young master.
Rosita: Kapag po may kailangan kayo young master, magsabi lang kayo.

Ngumiti si Colet at tumango.

Fred: Makakalabas na kayo, henry at rosita.

Nang makalabas ay kinuha ng matanda ang isang susi at credit card.

Fred: Eto ang black card mo, para sa expenses mo. Nagtransfer na din ako ng pera sa bank account mo, nagiintay na ang green na ferrari mo sa labas kapag may gusto ka na kotse... sabihin mo lang sakin at papalitan ko.

Ngumiti si Colet at kinuha sa kanyang lolo ang mga card at susi.

Colet: Salamat, papito!
Fred: Siya, magpahinga ka na.
Colet: Opo, ibababa ko lang ang gamit ko pupuntahan ko po sana ang mga kaibigan ko.

Ngumiti si Frederico at tumayo na ang dalaga.

"Ikaw lamang ang tanging pag-asa ko, ang tanging tagapagmana ko ng kumpanyang pinagpaguran ko" ani ni Fred sa sarili.

Paglabas ay sinalubong siya ng mga maids.

Colet: Itaas na ninyo ito sa kwarto ko, pupunta muna ako sa mga kaibigan ko.

Palabas na siya ng harangin siya ng apat na lalaki na naka suit ang tie. Nagsalita naman si henry sa likod niya.

Henry: Young master, ilang taon na kayo nawala sa pinas. Maigi po na samahan kayo ng mga guards.

Tumango si Colet at lumabas kasunod ang apat na lalaki, pinagbuksan siya ng pinto ng kanyang bagong ferrari. Nang makapasok si Colet ay may isang Van sa likod niya ang lumabas ito pala ang sasakyan ng mga guards niya.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon