36

302 14 1
                                    

Masayang nag dadrive si Mikha kasama si Jhoanna papunta kay Stacey. Hindi matigil ang dalaga sa pag kwento kung gaano kalusog at kaganda ang baby girl ni Stacey.

Nang nakarating sila sa Probinsya, unang bumaba si Jhoanna na hindi maalis ang ngiti sa mga labi dala ang mga pinamili nila para kay Stacey at Johanna. Habang si Mikha ay sumunod at inalalayan si Jhoanna.

Agad silang pumasok sa bahay nila Stacey ngunit napatigil nang nakita si Stacey at Shaun na magkausap.

Tumayo si Stacey sa gulat.

Stacey: Jho....

Kasalukuyang asa kubo si Jhoanna at Stacey magka harapan sila ngunit walang ni isang gusto magsalita hanggang hindi na kinaya ni Stacey.

Stacey: Na bail out si Shaun.
Jhoanna: Mukha naman.
Stacey: Jho, gusto niya ako panagutan.. gusto niyang maging ama kay Johanna.

Hindi naman nagsasalita si Jhoanna pero nakikinig siya kay Stacey.

Stacey: Nung isang araw pa siya dumating, nakita ko kung gaano niya kagusto na maging parte ng buhay ko. At ng buhay ni Johanna, kahit na hinabol pa siya ni lolo ng itak at muntik na madaplisan eh hindi siya tumigil. Ilang araw siya nagpa balik balik hanggang sa maawa na si Lola sakanya at pinapasok na siya. Gusto niya talagang panindigan ako Jho, nalaman niyang buntis ako dahil kay mommy pinuntahan niya ako sa bahay namin pagka labas na pagka labas niya and si mommy sabi niya karapatan naman daw ni Shaun malaman to.
Jhoanna: Pero, pwede naman siya maging ama ng hindi kayo nagbabalikan diba? Co-parenting!
Stacey: Ayun yung gusto ko pero, nagsabi si Shaun na mahal talaga niya ako at handa siyang patunayan ang sarili niya sakin.
Jhoanna: So, babalikan mo siya?
Stacey: Jho, hindi ko alam. Naguguluhan ako pero, pakiramdam ko gusto ko pa din naman siya. Hindi niya ako pinilit nung ginawa namin si Johanna, kusa kong binigay ang sarili ko dahil mahal ko siya. Jho, gusto ko sana i-try... gusto ko sanang mabigyan ng buong pamilya si Johannah lalo na at lumaki ako na walang ama. Hindi ko naramdaman yun pero, si Johannah may tatay na gustong umako sakanya.
Jhoanna: Staks, wag ka na masyado maguluhan. Be with Shaun.
Stacey: Pero... paano ka?
Jhoanna: Ako? Wala, i'll continue with my life. Tama ka, naiintindihan ko yung rason mo and valid yan. Kahit anong mangyari, ama si Shaun at hindi dapat to ipagkait sakanya.
Stacey: Sorry Jho, gulong gulo ako. Gusto ko nga sana pumunta sa Manila para personal ka na makausap.
Jhoanna: Hindi na kailangan, staks.. ingatan mo si Johannah ah? Wag mo siya hahayaan na lumaki na walang buong pamilya.
Stacey: Pangako Jho, Salamat ha? Sa lahat ng tulong mo.
Jhoanna: Wala yun staks, just be happy okay?

Natapos magusap sila Stacey ay nagiintay si Shaun at Mikha sa bahay. Napatayo sila nang pumasok si Jhoanna at Stacey sa loob ng bahay.

Shaun: Jho, i know.. i was not a good student. I made a lot of mistakes pero, si Johannah lang para sakin ang nagiisang nagawa kong tama. While i was in the prison i realized a lot of things, mahal ko talaga si Stacey i had no intention of dumping her and i hope you know na this time around seryoso na ako. Kailangan ko ang mag-ina ko, mahal ko sila.
Jhoanna: Shaun, gago ka pero... alam ko na may puso ka. Wag mo papabayaan si Johannah at Stacey.
Shaun: Pangako.

Nagpaalam na si Mikha at Jhoanna, pagpasok ng kotse ay tahimik lang silang dalawa hanggang sa magsimulang mag drive si Mikha. Sa kalagitnaan ng long drive, nagsalita si Mikha.

Mikha: Jho, iiyak mo na. Hindi kita ijujudge.

Tumingin ang dalaga sa kaibigan na nagdadrive, hindi na napigilan pa ni Jhoanna ang emosyon. Tuluyan na siyang umiyak at naka supporta naman si Mikha sakanya.

Jhoanna: Mikhs. Ang sakit!
Mikha: Jho, if there is one thing na natutunan ko sa lahat ng to... iyon ay yung hindi lahat ng gusto natin nakukuha natin or binibigay satin. We may have all the luxury in this world pero, hindi pa din nito mabibili ang lahat ng gusto natin. Kaya mo yan Jho, andito kami... hindi ka namin papabayaan.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon