37

308 14 0
                                    

Magkahawak kamay si Maloi at Colet na pumasok sa mansiyon, agad naman kinuha ng mga tagapag silbi ang mga dala nilang gamit.

Henry: Young master, maligayang pagbabalik po.
Colet: Salamat Henry, asaan ang lolo?
Henry: Asa opisina po niya.

Tumingin si Maloi kay Colet.

Maloi: Kailangan mo ng kasama? Pwede kita samahan.
Colet: Hindi, kaya ko. Just wait for me here.

Tumango si Maloi, hinalikan ni Colet ang noo ng dalaga bago ito magtungo sa opisina.

Colet: Dalhin mo si Maloi sa sala, pagsilbihan ninyo siya at masakit ang ulo niya.
Henry: Masusunod po young master.

Pumunta si Colet sa opisina ng kanyang lolo, bago kumatok ay huminga muna ito ng malalim.

Fred: Pasok.

Ngumiti ang matanda nang makita ang apo.

Fred: Andiyan na pala kayo, kumusta ang bakasyon?
Colet: Ayos naman po.

Umupo si Colet sa harap ng lolo na kasalukuyang nagche-chess.

Fred: Kakalabanin mo ba ako?
Colet: Lo, i just need to talk to you.

Umayos ng upo si Fred dahil natunugan niya na seryoso ang boses ng apo.

Fred: Go on.

Colet: I know everything...

Napatulala si Fred sa nadinig niya.

Flashback:

Natutulog si Colet nang bigla itong magising, kasalukuyan siyang binabantayan ng yaya na hi-nire ng kanyang mga magulang para magbantay sakanya ng mga ilang araw.

Tahimik na bumababa si Colet sa hagdanan nang madinig niyang may kausap ang yaya niya sa telepono.

"Paano to? Paano ko sasabihin sa alaga ko na wala na si Mam and Sir?! Grabe naman kasi yung driver na yun!! May galit pala kay Sir Fred dahil nahuli ni sir fred na nagnanakaw sakanya, isisisante na dapat kaso, nagmakaawa lang yung driver dahil may sakit yung anak kaso hindi padin pinayagan ni sir Fred at tinanggal pa din sa trabaho. Sinadya niya talagang mawalan ng preno yung sasakyan na laging ginagamit ni Sir Fred! Kaso malas niya, kasi yung sasakyan na yun yung ginamit para sunduin ang anak ni Sir Fred at ang asawa nito... buhay si sir fred na totoong pakay niya kaso patay na ang anak nito!"

Napahawak sa bibig si Colet... pinipigilan niyang madinig siyang umiyak ng kanyang yaya. Dahan-dahan siyang tumaas pabalik sa kanyang kwarto at doon ay nagtalukbong ng kumot.

End of flashback

Lumuluha si Fred at inalis ang kanyang salamin.

Fred: A..ako dapat yung nawala... ako dapat yung lulan ng kotse na yun. Kaso, nung araw na iyon iba ang kotse na nadala ko at yung kotse na yun na sinadyang mawalan ng preno ay ang dinala para sunduin ang mga magulang mo. Okay naman nung una yung kotse, nung pauwi na maluwag ang daan kaya mabilis ngunit maayos ang pa takbo ng driver doon na nawalan ng preno.. apo, I'm sorry...
Colet: Lo, hindi po ninyo kasalanan.
Fred: Pero kung pinatawad ko si Javier noon baka hindi nangyari to. O kung ako lang sana ang gumamit ng kotse noong araw na iyon, sana ako ang nawala at hindi ang magulang mo! Hindi ang anak ko...

Lumapit si Colet sa matanda at niyakap ito.

Colet: Lolo... wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan to. Ginampanan mo ng mabuti ang pagiging magulang sa'kin nang nawala si Mommy at daddy alam ko na kung asan man sila ngayon, masaya sila.

Hindi matigil ang iyak ni Fred at niyakap din nito pabalik ang apo. Sa unang pagkakataon, naisiwalat na ang totoong dahilan sa pagkamatay ng magulang ni Colet na matagal niyang tinago na alam niya.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon