Pagkalipas ng isang taon...
Matiyagang nagiintay si Sheena sa tapat ng kampo, nakita niyang nagsisilabasan na ang mga sundalo para sa kanilang mga kamag-anak at pamilya.
Nagmamasid-masid si Sheena sa kapaligiran, nakikita niya ang masasayang pagyayakapan ng mga tao. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Gwen may dalang isang rosas naka uniporme na pang sundalo at isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Sheena sa dalaga.
Gwen: Sorry, natagalan.. para sayo.
Iniabot ni Gwen ang isang rosas kay Sheena.
Gwen: Pasensya ka na, bawal kami lumabas eh ngayon lang. Pinitas ko pa yan sa loob.
Sheena: Ayos lang! may dala nga pala ako na lunch para sayo.Iniabot ni Sheena ang isang lunchbox at ngumiti si Gwen, inanyayahan niya si Sheena na umupo at binuksan niya ang pagkain na dala nito.
Sheena: Kamusta ka dito? Nahihirapan ka ba?
Gwen: Hindi naman! Kung nahihirapan man ako eh natural lang yun. Kamusta na? Magtatapos ka na this year ah!
Sheena: Oo nga eh, ayos lang! Ayun okay naman napapagsabay pa din ang pag aaral at pagtratrabaho.
Gwen: Hayaan mo, matatapos kana! At.. soon, ikaw na ang mag take over sa business ko.
Sheena: Nakakatakot pa din, malaki ang business mo grabe ang tiwala na binibigay mo at ng pamilya mo sakin.
Gwen: Bakit naman hindi kita pagkakatiwalaan eh girlfriend kita?Ngumiti si Sheena at nagsimula na kumain ang nobya. Nang matapos ang oras ng pagbisita..
Gwen: Magiingat ka palagi ah? Kapag may problema you know who to contact since wala ako diyan sa labas.
Sheena: Oo naman! Wag ka na mag-alala sakin, ako nga nagaalala sayo. Diba may mission ka sa mismong araw ng birthday ko?
Gwen: Oo, babawi ako... diba sabi ko sayo hindi man natin ma celebrate ng mismong araw eh basta babawi ako.
Sheena: Sige.. aantayin kita.. tsaka, basta magiingat ka lang. Gwen, basta buhay ka na makakabalik sakin isang malaking birthday gift na yun.Niyakap ni Gwen ang nobya.
Gwen: Bebe, babalik ako ng buhay.. pangako.
May 9, 2024
Sa gitna ng gyera laban ng mga armadong lalaki ay pinangunahan ni Gwen ang pag lusob.
Rumaradyo siya at nagiinstruct sa kanyang mga tao sa mga gagawin. Kasalukuyan silang asa Mindanao, at may tinutugis na matagal na armadong grupo na nageexport ng mga pinagbabawal na armas sa mga hindi lisensyadong tao.
Nagtago si Gwen sa isang puno at umupo, marami na namatay sa tauhan niya, rumaradyo na ang mga tao niya kapag may nababaril.
Sa gitna ng gyera, nilabas ni Gwen ang isang litrato... litrato ni Sheena... kahit na pinanghihinaan ng loob ay kailangan niyang maging matapang dahil katulad ng kanyang pangako sa dalaga ay uuwi siyang buhay. Hinalikan ni Gwen ang litrato at nilagay sa puso niya pumikit ito at nagdasal, tinago niya ang litrato sa bulsa at sumugod ulit sa kalaban.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?