Third person's POV:
Nagpunta si Jhoanna sa isang home for the aged agad siyang sinalubong ni Grace.
Grace: Mam, asa loob po siya.
Ngumiti si Jhoanna pumasok siya sa isang kwarto, kung saan may naka upo na matanda at nag babasa ng bibliya. Binaba ni Jho ang kanyang mga dala at lumapit papunta sa matanda.
Jhoanna: Lola, andito na po ako.
Sandali itong tumigil sa pagbabasa at tumingin kay Jhoanna, agad naman napangiti si Jhoanna.
Fatima: Iha, ikaw pala! Kamukha mo talaga ang apo ko.
Ngiti nito sabay bumalik sa pagbabasa. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jhoanna, tumayo ang dalaga at inayos ang stocks ng pagkain ng matanda.
Fatima: Iha, alam mo ba kailan bibisita si Pochi sakin?
Jhoanna: Ah, busy lang po siguro. Wag kayo magalala, baka po sa isang linggo ay bumisita siya.Napatango ang matanda at napangiti sa excitement, samantalang si Jhoanna naman ay isang malungkot na ngiti ang pinakawalan.
Paglabas ni Jhoanna ay inaantay siya ni Grace.
Grace: Mam, pasensya na po kayo.. hindi pa din kayo maalala?
Umiling lamang si Jhoanna, tinignan niya ang matanda mula sa labas at nagbabasa padin ito. Pinadala sa home for the aged ang matanda dahil sa sakit nito, nakakalimot na ito at hindi na matandaan ang mga pangalan ng tao sa paligid niya. Maski si Jhoanna ay hindi niya na kilala, siya si Pochi ito ang tawag ng kanyang lola sakanya dahil madalas ito dalhan ng matanda ng Pochi noong maliit pa lamang siya.
Jhoanna: Magbibigay ako ng pera, kapag may kailangan siya.. please, magsabi agad kayo.
Grace: Opo ma'm, salamat po!Samantala gumising si Mikha at agad siyang bumaba nakita niyang nakahain na ang pagkain. Kumain siya sa isang malaking lamesa... walang kasabay. Nakatayo ang mga katulong niya sa likod niya at pinagsisilbihan siya. Weekend ngayon at balak lamang niya magpahinga ngunit, nakaisip siya ng ideya.
Pagtapos kumain ay pumunta si Mikha sa isang palengke... kahit na hindi siya sanay dito ay hinanap niya ang isang store, nang matamaan ito ng mata niya ay nakita niya si Maloi na naghahango ng paninda kasama ang mga magulang, ngumiti ang dalaga at lumapit.
Mikha: Magkano po sa isda?
Nagulat si Maloi dahilan para mabitawan niya ang hawak-hawak.
Marco: Ate! Ano ka ba!
Maloi: Ay.. m...mikha?Ngumiti si Mikha sa dalaga.
Lumabas sila at bumili ng maiinom.
Maloi: Anong ginagawa mo dito?
Mikha: Bored.
Maloi: Madami naman pwedeng puntahan ah?
Mikha: Wag ka na masyadong madaming tanong nga, anyways... sama ka sa hideout namin mamaya.
Maloi: Sige, saan ba?
Mikha: Basta magbihis ka mamaya ha, susunduin kita.Kinahapunan ay nagbihis nga si Maloi at sinundo siya ni Mikha.
Pumasok sila sa isang magandang bahay na parang tagong-tago. Pagpasok nila si Jhoanna ay naka upo sa sofa at nagbabasa, samantala si Gwen at Colet ay naglalaro ng chess.
Napairap si Colet nang makita si Maloi.
Mikha: Zup guys?
Colet: Mikha, pupunta ka na nga lang nagdala ka pa ng kunsomisyon.
Mikha: Chill, she's here to say sorry.
Maloi: Ha? Ako?Pinanlakihan ni Mikha ng mata si Maloi. Wala naman nagawa ang dalaga.
Maloi: Ah, oo.. sorry.
Colet: Totoo ba yan?
Maloi: Ano ba gusto mo? Lumuhod pa ako?
Colet: Ayoko, di mukhang sincere
Maloi: Fine, I'm sorry. Simula ngayon hindi na ako mangingielam sainyo.

BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?