Tinanggal ni Colet ang kanyang boxing gloves at hapong-hapo sa maghapon na pag wowork out, matapos mag shower ay nag drive na si Colet para umuwi nang madaanan niya ang isang food stand ng mga street foods. Tumigil si Colet at bumili, habang kinakain ang kwek-kwek sa loob ng kotse ay umiiyak siya. Natatawa man sa sarili ay tinignan niya ang passengers seat kung saan dati ay lulan si Maloi, saktong tumugtog ang Binibini ni Zac tabudlo at napangiti si Colet. Dahil katulad ng kanta alam niyang mahal na rin siya ni Maloi ngunit hindi nga lang pwede na maging sila sa ngayon.
Samantala, sinundo ni Mikha si Maloi upang ipakilala sa kanyang ama. Pagpasok ni Maloi ay nalula din siya sa laki ng bahay ng mga Beaufort, nakita niya ang mga litrato ni Mikha noong Kabataan kaya napangiti ito, di katagalan sinalubong sila ng Yaya ni Mikha.
Mikha: Yaya, si Maloi siya ang girlfriend ko. Loi, si yaya siya ang nag-alaga sakin simula pagka bata.
Maloi: Hello po!
Ngumiti ang katulong sakanya at inaya na siya ni Mikha sa hapagkainan kung saan nagaantay si Mike.
Mike: Andiyan na pala kayo.
Sumalubong kay Maloi ang isang matipunong lalaki, guwapo at maputi, makapal ang kilay parang si Mikha. Tumayo ito at kinamayan si Maloi.
Mike: Mikha told me everything, you don't have to be shy ha? Feel at home.
Maloi: Salamat po, napaka pogi po pala ninyo?
Napatawa ito at ganoon din si Mikha.
Mike: Salamat, Mikha. You got yourself a cutie!
Mikha: Thanks, Dad!
Pagtapos ng dinner kasama ang ama ni Mikha ay tumaas sila sa kwarto ni Mikha at doon nakita ni Maloi ang mga kagamitan ni Mikha at mga dating litrato, niyakap siya nito at hinalikan ang balikat niya.
Mikha: I love you.
Maloi: I love you more, masaya ka ba?
Mikha: Sobra.
Maloi: Yun naman ang importante, mikhs.. siya nga pala kailangan ko na makahanap ng trabaho baka after class bukas maghanap na ako.
Mikha: No need
Maloi: Ha?
Mikha: Sa kin ka magwowork.
Maloi: Pano?
Mikha: Just be my girlfriend and I'll pay you, yung rate na binigay ni Colet sayo dati that's the same rate na ibibigay ko.
Maloi: Pero? Hindi naman work yun, tayo naman talaga
Mikha: Of course, that means wala kang gagawin. I'll provide for you.
Maloi: Pero..
Mikha: Wag ka na pumalag.
Hinalikan siya ni Mikha at humalik pabalik si Maloi at unti-unti silang humiga sa kama.
Nang maalimpungatan si Maloi ay mahimbing na natutulog si Mikha sa tabi niya, kinuha niya ang kumot at ang mga damit niya sa lapag. Pumunta siya sa CR, tinignan niya ang sarili niya sa salamin.. hindi siya sang-ayon sa gusto ni Mikha na wala siyang gagawin pero bibigyan siya nito ng pera. Alam niyang ginagawa ito ng dalaga dahil sa trust issues nito. Napa-luha si Maloi dahil walang kwestyon at mahal talaga niya si Mikha kaso nagsisimula na itong maging "possessive" ngunit, kasalanan din naman niya kung bakit.
Kinaumagahan, nagising si Colet at maagang nag-ayos upang sunduin ang kanyang Lolo sa ospital. Nang makarating siya sa ospital ay nagulat siya at andoon si Maloi na kausap si Fred.
Fred: Andiyan na pala si Colet
Tumingin si Maloi kay Colet at ngumiti naman si Colet dito, nagtungo sila sa rooftop ng ospital at doon ay nag-usap.
Colet: Buti naka alis ka?
Maloi: Galing ako kina Mikha, pinakilala niya na ako sa tatay niya.
Colet: Good for you! Happy for you.
Maloi: Kamusta ka? Gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari lalo na sa pagsugod ni Mikha sayo
Colet: Wala na yun kalimutan na natin.
Maloi: Tama ka, kalimutan na natin lahat.
Colet: Mas maigi pa.
Maloi: Sorry ulit ah, pero ganon pa man salamat dahil tinanggap mo ako at pinatuloy sa mansion.
Colet: Wala yun, nagtrabaho ka naman ng maayos.
Maloi: Colet, balak ni tito mike na ipakasal kami ni Mikha...
Colet: What do you want me to do?
Maloi: W..wala, sumang-ayon si Mikha at baka ipakasal na kami sa lalong madaling panahon
Colet: Ikaw, payag ka ba?
Maloi: Kahit hindi kami ikasal ni Mikha, kahit magkahiwalay kami.. sa tingin mo ba may tiyansa na maging tayo? Hindi diba? Magulo. Mahal ko si Mikha kaya... kahit anong mangyari papanindigan ko siya
Colet: Yun naman pala eh, so there's no need to tell me this not unless invited ako which I doubt.
Napahinga nalang ng malalim si Maloi.
Maloi: Mauuna na ako, mag-iingat ka Colet.
Colet: Mabuti pa nga, ingat ka.
Nang makaalis si Maloi ay napa-upo ito sa hagdan at napaluha, inaasahan niyang ipaglalaban siya ni Colet kahit dito manlang ngunit mukhang talagang handa na siyang kalimutan ng dalaga.
Habang si Colet ay napaluha at napayuko, dahil sa puso at isipan niya... si Maloi lang ang babaeng kaya niyang mahalin ng tunay.
Samantalang sa kabilang dako, Fiesta sa bayan nila Stacey at kasalukuyang asa putikan si Jhoanna at nakikipaglaban ng hulihan ng baboy ramo, tuwang-tuwa si Stacey sa pagcheer kay Jhoanna at nang matapos ay siya ang nanalo.
Lumapit ito kay Stacey at pinunasan agad ito ni Stacey, saktong dumating din si Gian at umuwi at sinundo na sila.
Nang makauwi ay nagpahinga na ang mga kasama nila sa bahay, asa labas si Stacey at naka-upo habang umiinom ng gatas, lumabas si Jhoanna at tumabi sa dalaga.
Stacey: Jho, Thank you.
Jhoanna: Nung isang araw ka pa nag papasalamat ha
Stacey: Gusto ko lang magpasalamat sayo, hindi ko alam gagawin ko kung wala ka.
Jhoanna: Babalik ako dito kapag may oras ha, wag ka mag-alala.
Stacey: Iintayin kita.
Jhoanna: Babalik ako.
Nag-ngitian ang dalawa at namukod tangi ang saya sa paligid sa mga binitawan na ngiti ng dalawa.
Nang makabalik sa maynila si Jhoanna ay nagpasalamat si Jhoanna kay Gian.
Jhoanna: Gian, maraming salamat!
Gian: Sabi ko naman sayo, I gotchu!
Jhoanna: Sobrang saya ko.
Niyakap ni Jhoanna si Gian at yumakap naman pabalik ang binata ngunit naudlot ang yakapan ng dalawa ng biglang buksan ni Juancho ang pintuan.
Juancho: Gian, umuwi ka muna. Mag-uusap lang kami salamat sa paghatid kay Jho.
Hinila ni Juancho si Jhoanna papasok sa malacanang.
Jhoanna: Pa, ano ba nangyayari?
Juancho: Alam mo ba na bading pala yan si Gian? Hindi tuloy ang pag-iisang dibdib ninyo!
Jhoanna: Po? Talaga?
Juancho: Oo, wag na wag mo na siya sasamahan ulit.
Jhoanna: Teka, bakit naman pa? pwede naman kami maging magkaibigan pa din
Juancho: Ayokong nai-link ka sa mga ganyang tao!
Jhoanna: Sa ano pa? Sa mga LGTBTQ? Sa mga bading? Pano kung isa ako sa kanila, will you disown me just like what you did kay lola?
Juancho: Ulitin mo ang sinabi mo! Are you telling me na you are gay?
Jhoanna: Yes Pa! Ano, ipapatapon mo nalang din ba ako sa malayo dahil hindi mo ako tanggap?
Juancho: How dare you!
Sasampalin sana ni Juancho ang anak ngunit napigilan siya ng asawa na kadarating lamang at umiiyak dahil nadinig ang pagtatalo nila.
Jhoanna: Sige dad, hurt me! You already did that a few years ago noong pinadala mo si Lola sa home for the aged dahil sa Alzheimer's niya. Imbes na mahalin at arugain mo, you disowned her! Alam mo na maka-lola ako! Ang problema ng bansa nasusulosyonan mo, ang mga may sakit nabibigyan mo ng lunas pero... ang sarili mong ina ang sarili mong kadugo wala! Kapag di mo tanggap pinapatapon mo na parang basahan!
Juancho: Tumaas ka sa kwarto mo, wag na wag ka aalis ha at hindi kita bibigyan ng allowance!
Jhoanna: You keep hurting me, Dad. I hope you are aware of it.
Tumaas na si Jhoanna at hindi na nilingon ang mga magulang. Nagkulong lamang ito sa kwarto niya hanggang sa umaga at hindi kumain kahit na may pagkain na pinadala sakanya tsaka lamang ito lumabas ng kwarto nang papasok na siya sa eskwelahan, hindi din ito sumabay sa mga magulang kumain.
Naabutan niya sa classroom si Mikha, Gwen at Colet ngumiti ang mga kaibigan sakanya bukod kay Mikha na busy sa pagbabasa. Umupo si Jhoanna at nagsimula nalang mag-aral.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?