Nakaupo si Fred sa ospital, naiinip dahil mag iisang linggo na siyang naka-confine.
Dumating ang apo na si Colet at binaba ang mga gamit.
Fred: Apo, baka pwede na akong lumabas? Naiinip na ako dito.
Colet: Lo, wag na makulit. You need this.Inalalayan ni Colet ang matanda para bumalik sa kama nito. Nang makahiga at makatulog ang matanda ay nagising siya ngunit walang kasama sa kwarto, paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ni Colet ngunit walang sumasagot.
Napahinga na lamang ang matanda ng malalim dahil sa inip, maya-maya ay pumasok si Henry.
Fred: Henry, asan si Colet?
Nag bow ang binata bago sumagot sa matanda.
Henry: Umalis na po, may importante po siyang nilalakad. Ipinagbilin lamang po niya kayo, magpahinga na daw po kayo at bukas ay kailangan ninyo mapaarawan.
Kinabukasan, katulad ng utos ni Colet dinala ni Henry sa rooftop ang matanda na naka wheel chair. Maganda ang araw at nakapikit si Fred habang dinadama ang sinag ng araw.
Boni: Fredong, kamusta ka na?
Napa-mulat si Fred... kilala niya ang boses na iyon.
Dahan-dahan naglakad si Boni papunta sa harap ni Fred.
Fred: Asa langit na yata ako?
Boni: Anong sinasabi mo?
Fred: Aba eh, may anghel sa harapan ko!Ngumiti ang matanda kay Fred.
Fred: Boni.
Boni: Naparito ako para kamustahin ka, ang apo mo ay walang humpay ang sumbong sa akin sa katigasan ng ulo mo. Kailangan mo magpa-lakas, pano nalang kapag kinasal na ang mga apo natin?
Fred: Boni, hindi ako takot sa kamatayan lalo na at si Colet na ang naka-toka sa pamamalakad ng aking nasimulan.
Boni: Sabagay, lahat tayo ay mapupunta din naman diyan.
Fred: Inaantay na din ako ng asawa ko, alam ko na naiinip na siya.
Boni: Fred, alam ko masiyado na matagal pero.. gusto ko humingi ng tawad saiyo. Naging maka sarili ako nuon, pero kapag nakikita ko kung gaano ka kasaya ngayon ay nawawala ang mga nararamdaman ko na lungkot.
Fred: Ayos na iyon Boni, masaya ako na nakaalala ka padin sakin. Naging masaya naman ang ating buhay kahit hindi tayo ang nagkatuluyan.
Boni: Oo naman. Nagpapasalamat pa din ako sa Diyos na nagkakilala tayo.
Fred: Boni, pwede ba akong humiling?
Boni: Basta kaya ko.Tumayo ang matanda sa kanyang wheelchair.
Fred: Pwede ba kitang maisayaw?
Boni: Wala naman tayong tugtog
Fred: Hindi kailangan, basta tayo'y sumayaw lang.Kinuha ni Fred ang kamay ni Boni at marahan silang sumayaw.
Sa di kalayuan, tahimik na lumuluha si Colet sa nakikita pati narin ang Nobya na si Maloi.
Colet: Uyab, thank you for doing this.
Maloi: Oo naman.
Colet: ngayon lamang siya ngumiti ng ganyan.Kinagabihan, habang nagpapahinga si Fred ay tinawag niya si Colet.
Colet: Lo, matulog na po kayo.
Fred: Apo. Pwede ba ako maglambing?
Colet: Ano po yun?
Fred: Pwede mo ba akong gupitan?
Colet: Po? Gabi na ah
Fred: Sige na, gawin mo na!
Maloi: Uyab, pagbigyan na natin si Lolo.Ngumiti si Colet at kumuha ng gunting, inaalalayan ni Maloi si Colet habang ginugupitan ito ng buhok. Nang matapos ay Napangiti si Fred sa kanyang bagong gupit.
Fred: Aba ayos, sabi kasi ni Boni ay napaka haba na raw ng buhok ko.
Ngumiti si Maloi sa matanda.
Fred: Mga apo, lumapit kayo sa akin.
Umupo si Maloi at Colet at pinagigitnaan nila si Fred sa hospital bed nito.
Fred: Alam ba ninyo na, ang pag-ibig ang pinaka kayamanan ng tao sa mundo? Hindi nito mabibili ang lahat ng gusto mo pero, maipaparamdam nito sayo na may ka agapay ka sa lungkot at saya. Kaya naman, Colet at Maloi.. ipangako ninyo na kahit anong mangyari at kahit anong problema ang dumating, hinding hindi ninyo susukuan ang isa't isa. Wag ninyo hayaan na hilingin ninyo sa Diyos na itama ang lahat sa kabilang buhay, hanggat andito kayo gawin ninyo ang lahat at magmahalan kayo. Colet, baka hindi na kita mahatid sa kasal mo kapag dumating ang araw na gusto na ninyo magpakasal pero, tandaan mo na palagi ako naka antabay sayo.
Colet: Lo...
Fred: Wag ka matatakot na mawala ako apo, physical na pagkatao ko lang ang hindi mo masisilayan ngunit ako, palagi kitang titignan at aantabayanan mula sa itaas.
Colet: Papito naman eh!
Fred: Maloi, huwag ka sanang magsawa na mahalin ang apo ko. Kapag napapagod ka sakanya ay alalahanin mo sana na mas matimbang ang pagmamahalan ninyo kesa sa mga sakuna na mararamdaman ninyo.
Maloi: Pangako po, hindi ko papabayaan si Colet.Niyakap ng mag nobya ang matanda.
Kinabukasan ay maagang dumating si Boni sa ospital, tulog pa si Fred. Dala ang mga prutas binaba ito ng matanda sa lamesa at ngumiti.
Boni: Aba ay kagwapo mo na, tignan mo bagay sayo ang bagong gupit.
Lumapit si Boni sa hospital bed ni Fred at nilabas ang rosaryo, hinawakan niya ang kamay ng matanda.... Ito ay malamig na.
Boni: Fred?
Ngunit hindi na sumasagot ang matanda.
Boni; Fred? Gumising ka na, narito na ako.
Ngunit hindi pa din gumigising ang matandang lalaki, napaluha si Boni at hinalikan ang malamig na kamay ng matanda.
Boni: Osiya Fred, sige na... magpahinga ka na.
Pumasok si Colet at Maloi sa kwarto ng matanda at naabutan si Boni na lumuluha hawak ang kamay ni Fred.
Boni: Tulog na siya.
Napa-luha si Colet at unti-unting lumapit sa kanyang papito.
Colet: Papito?
Maloi: Lolo?Ginising nila ang matanda ngunit hindi na ito nagigising. Niyakap ni Colet ang matanda at hinalikan sa noo habang lumuluha.
Colet: Ok na lolo, uwi ka na. I'll be fine.
Matapos ang isang linggo.
Nilagay nila ang Urn ng matanda katabi ng urn ng kanyang asawa. Nag-alay ng sila ng rosas at maraming nakiramay sa pagkawala ng batikang businessman.
Si Boni ang huling nagbigay ng bulaklak.
Boni: Fred, ibulong mo na lamang sa Diyos ang aking mga dasal. Magpahinga ka na, salamat at pinatawad mo ako.. hanggang sa muli, te amo mi amor. Hinalikan niya ang urn ng matanda at nag antanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/374868189-288-k644344.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?