30

268 12 1
                                    

Asa isang kotse si Fred at Colet dahil nagpasama si Fred sa apo. Kahit di alam saan patungo ay sinamahan ni Colet ang matanda at tumigil ito sa isang pwesto ng isdaan sa palengke.

Tinatanaw mula sa kotse ni Fred si Boni...

Colet: Papito? Bakit tayo andito sa pwesto nila Maloi?
Fred: Dahil magpapaalam na ako.
Colet: Po?
Fred: Ang lola ni Maloi... siya ang first love ko.
Colet: Po?

Huminga ng malalim si Fred at hinawakan ang kamay ng apo.

Fred: Apo, ang tunay na pagmamahal ay ang pagpaparaya. Nahuli ako eh... noong ako naman ang pinili bigla din akong iniwan.
Colet: Pero si Mamita? Hindi po ninyo siya minahal?
Fred: She's my greatest love, my one true love. Pero, siguro may mga tanong sa puso at isip ko na hanggang ngayon hindi ko maialis dahil walang kasagutan o hindi manlang nasagot. Nang iwanan ako ni Boni nahirapan ako pero pinabayaan ko siya hanggang sa malaman ko nalang na tumanda nalang pala siyang walang asawa. Sana pala ay ipinaglaban ko siya noon.
Colet: Lo, bakit po ninyo sinasabi to?
Fred: Dahil ayoko na makulong ka sa posibilidad na habang buhay ka nalang masasaktan... na habang buhay mo kikimkimin ang mga nararamdaman mo. Ang pagmamahal ay parang apoy Colet, mapapaso at mapapaso ka kahit na anong ilag mo. Depende na sayo kung papatayin mo ang apoy oh magpapasunog ka... at ayokong masunog ka apo, ayokong hayaan mo ang sarili mo na lamunin ng apoy.
Colet: Paano po ba papatayin ang apoy na nararamdaman ko? Matagal na panahon po akong nag-isa lo, walang kasama.. walang pagmamahal na naramdaman galing sa isang tao.
Fred: Kailangan mo maging matapang... apo, kapag tinigil mo ang nararamdaman mo ikaw at ikaw din ang masasalba nito.
Colet: Mahal pa po ba ninyo siya?
Fred: Hindi nawawala ang pagmamahal at respeto ko sakanya. Pero, hindi na katulad ng pagmamahal na naramdaman ko dati pa man dahil ayokong pagtaksilan ang iyong lola. Naparito ako para sa huling beses ay makita siya at para patayin ang apoy na tumupok sa damdamin ko.

Tumingin si Colet at Fred sa bintana at nakita nila si Boni na masayang naglilinis ng isda.

Fred: Hindi kami swinerte dito pero, baka sa kabilang buhay... sa kabilang mundo at sa susunod na kabanata ng buhay ko. Naniniwala akong magkikita ulit kami at baka doon, magkasama na kami kahit pa naglilinis kami ng isda! Wala akong pakielam.. ang buhay na kasama siya ang nais ko dahil alam ko at dama ko na mahal pa niya ako noong iniwan niya ako.

Kinagabihan, pinatawag ni Colet si Maloi sa rooftop.

Nakita ni Maloi si Colet na naka pamulsa at nakatalikod, dahan-dahan lumapit si Maloi sa dalaga nang maramdaman ni Colet na dumating na si Maloi ay humarap ito at iniabot ang isang rose kay Maloi.

Maloi: Rose?
Colet: Oo, kasi among all flowers in the world, you are the one that stands out.
Maloi: Ha?
Colet: Maloi
Maloi: Ano ba nangyayari Colet? Ayos ka lang ba?
Colet: Sa susunod na buhay gusto kita makita ulit.
Maloi: Anong sinasabi mo?
Colet: Mangako ka.
Maloi: Na alin?
Colet: Na sa susunod na buhay, magkikita tayo at pag na reincarnate tayo dapat magkasama tayo.
Maloi: Depende naman yun!
Colet: Basta nga mangako ka eh!
Maloi: OKAY! Pangako? Sa kabilang buhay... or kapag na reincarnate tayo, magkasama tayo.

Ngumiti si Colet at may itinuro. Pag kakita ni Maloi isang table for 2 ang naka set up may mga pagkain at wine.

Maloi: Ano meron?
Colet: Pumunta ka na dun, inaantay ka niya.
Maloi: Nino?

Ngumiti lang si Colet at hinawakan ang pisngi ni Maloi.

Colet: I know... this will be all worth it.

Sabay umalis at iniwan si Maloi, litong lito naman si Maloi ngunit nagtungo siya sa table na naka set up, tinitignan niya ito dahil may wine at pagkain.

Nagulat siya nang bigla niyang nadinig ang boses ni Mikha at may dala itong boquet ng rosas.

Mikha: It was all Colet's idea, to thank you. Sabi ko roses ang favorite mo na bulaklak. She decided to thanked you by having a romantic dinner with me dito sa rooftop nila na napaka laki.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon