18

296 12 5
                                    

Pagkauwi ni Colet galing sa Trip ay dumiretso ito sa Mansyon kasama si Maloi.

Sinalubong sila ni Fred.

Fred: Apo, kamusta ang trip?
Colet: Ayos lang po
Maloi: Magandang umaga po
Fred: Magandang umaga, iha! Welcome sa aming bahay.
Maloi: Maraming salamat po!
Fred: Magpahinga na kayo, alam ko na pagod kayo.

Tumango lamang si Colet at tumaas na sila.

Maloi: May kailangan ka ba? Para magawa ko bago ako magpahinga saglit.
Colet: Wala, magpahinga ka na.

Tumango lamang si Maloi at pumasok na sa kwarto.

Kinabukasan, maagang nagtipon tipon ang G4 dahil sa photoshoot para sa bagong business na binubuo ni Gwen at sila ang model.

Habang kinukuhanan sila Mikha at Jhoanna ay nilapitan ni Gwen si Colet.

Gwen: Tahimik ka ah? Simula nang umuwi tayo from the trip parang tahimik ka at malalim ang iniisip mo, may maitutulong ba kami?
Colet: Wala, may mga iniisip lamang ako. Gwen, alam mo ba kung anong balita kay Mikha at Aiah?
Gwen: Huling sabi ni Mikha they're taking it slow daw.

Tumango na lamang si Colet. Nang matapos ang dalawa ay agad lumapit si Jhoanna sa mga kaibigan.

Jhoanna: Free ba kayo?
Gwen: Bakit?
Colet: Anong meron?
Jhoanna: May pupuntahan tayo.

Nagtinginan lamang ang dalawa at sumunod kay Jhoanna.

Nagdrive sila at sinundan ang kotse ni Jhoanna, tumigil sila sa isang soccer field.

Gwen: Anong ginagawa natin dito?
Jhoanna: Namiss ko na ang mga ate ko, kaya eto.. ibabalik natin ang paglalaro natin!

Nilabas ni Jhoanna ang bola at nagtinginan ang tatlo, agad silang nakipaglaro kay Jhoanna ng soccer katulad noong mga bata pa lamang sila, likas na maliksi si Mikha ngunit nahahabol ito ni Colet. Nang matapos silang maglaro ay humiga sa grass si Jhoanna at napa-upo naman si Mikha. Naka pamewang naman si Colet na hinihingal at si Gwen ay inabutan sila ng tubig.

Mikha: Bakit mo naisip to Jho?
Jhoanna: Dahil simula ng umuwi si Colet wala pa tayong bonding na tayo-tayo lang. Gusto ko na kahit papano mag catch up tayo, magkakasama nga tayo pero never pa tayo naglaro ng ganito.
Gwen: Buti naisip mo 'to. Siya nga pala, bumili ako ng bagong sasakyan pero this time it's a van.
Colet: Van?
Gwen: Oo, I'm planning a trip by the end of this month. Free kayo mag dala ng mga plus one ninyo.
Mikha: Sinong babae nanaman ang ipapakilala mo
Gwen: Basta, hindi ko siya babae. Kaibigan ko na matalik!

Kinagabihan, nagpasama si Mikha mamili ng damit kay Jhoanna sa isang tanyag na Mall na pagmamay-ari nila Colet. Hindi na sumama si Gwen at Colet dahil may mga sarili silang gagawin, habang namimili si Jhoanna ay lumapit si Mikha.

Mikha: So, Stacey..

Agad napatigil si Jhoanna.

Mikha: Wag ka kabahan, hindi ko aagawin. Wala akong intensyon. I just want to know, do you really like her?

Napalunok si Jhoanna at umupo.

Jhoanna: Dati pa lamang, nagustuhan ko na siya. Pero, alam ko na bestfriend mo din siya. Bukod don, alam ko na gusto ka niya.. hindi ako kahit kailanman nangielam dahil nirerespeto kita at ang pagkakaibigan natin lalo na parehas mo kaming kaibigan. Nang magkaayos kayo, sinubukan ko mapa lapit sakanya wag ka mag-alala Mikhs.. hindi ako mag mamake ng move sakanya.
Mikha: Bakit naman hindi?
Jhoanna: Huh?
Mikha: Follow your heart Jho, sa ating apat ikaw ang laging tahimik pero hindi ka magaling magsinungaling. Alam ko na may natitipuhan ka na babae noon pa man nakumpirma ko lang recently na si Stacey nga yun lalo na noong trip natin, hindi ako tutol dahil masaya ako na nagiging honest ka sa nararamdaman mo. Tama ka, parehas ko kayong kaibigan kaya importante kayo sakin. I'm giving you my blessing kay Stacey basta wag ninyo madaliin ang lahat.
Jhoanna: T..talaga?
Mikha: I can't find any other person na pwedeng mag look after kay Staku, mabait siya at maalagain sa ating apat ikaw ang tahimik at lampa weird ang combination ninyo pero... love isn't about the differences, it's about making it work despite the differences.
Jhoanna: Hindi ko pa naamin kina Gwen at Colet.
Mikha: No need, nakakahalata din sila. Hindi lang nagsasalita ang mga iyon dahil ayaw ka nilang pangunahan.
Jhoanna: Salamat Mikha.
Mikha: Basta sa ikasasaya mo.. doon ako.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon