17.

298 19 4
                                    

Tumatakbo si Stacey palapit kay Maloi at agad naman itong napansin ni Maloi.

Maloi: Staks!
Stacey: Loi, ano na? Handa ka na ba para sa biggest event ng University?
Maloi: Anong biggest event?
Stacey: Yung trip natin sa resort ng pamilya ni Colet! Yun ang highlight kada year, doon nagrerelax ang mga estudyante parang reward sa sarili nila sa mga pag aaral nila
Maloi: Ah, nakita ko kaso may bayad na 10,000
Stacey: Oo may bayad lang pero sulit naman don!
Maloi: Pag-iisipan ko pa Stacey, mahirap na wala akong ganong pera. Meron man, mas pipiliin ko na ibigay sa magulang ko.
Stacey: Nako, sige! Pasensya kana wala din ako eh, ako nga binayaran lang din
Maloi: Talaga? Nino naman?
Stacey: Ah.. basta! Kaibigan ko lang!
Maloi: Ang swerte mo ha!

Ngumiti si Stacey at nagpaalam na, naglalakad na papuntang Canteen si Maloi nang tawagin siya ni Mikha agad napalingon si Maloi.

Mikha: Maloi, umattend ka ng trip ha
Maloi: Ha? Nako, pagiisipan ko kasi wala akong ganon—

Hindi pa man natatapos si Maloi magsalita ay nagsalita na si Mikha.

Mikha: I paid for you already, wala ka na dapat isipin kung hindi ang mga dadalhin mo nalang, see you!

Hindi pa man nakakapagsalita si Maloi ay umalis na si Mikha, napakamot nalang sa ulo ang dalaga.

Samantala, dumiretso si Mikha sa Hot pot restaurant kung saan ay inaantay siya ng mga kaibigan.

Gwen: Trip na natin sa isang araw, finally!
Jhoanna: Oo nga, looking forward din ako sa trip natin na yan.
Gwen: Sasama ba si Maloi?
Mikha: Yes, i paid for her
Jhoanna: Talaga?
Colet: Binayaran mo ang trip niya?
Mikha: Oo? I heard her talking with Stacey sabi niya may pera siyang ganon kalaki pero ipapadala lang niya sa pamilya niya kesa nga naman ipangbayad niya sa trip. Someone paid for Stacey so i did the same kay Maloi.

Nabilaukan naman si Jhoanna at inabutan ng tubig ni Gwen.

Gwen: Oh, dahan dahan lang kasi!
Colet: Anyways, maaga ko nalang pasasahurin si Maloi gusto mo ba ikaltas ko dun yung binayaran mo?
Mikha: What? No! Maloi is a friend, she deserves to be on that trip lalo na first time niya yun.
Gwen: That's right! Aba, nag kakawang gawa ka na Mikha ah!
Mikha: She's a very nice girl, dapat lang na itrato siya ng tama.

Nang makauwi si Colet naabutan niya si Maloi na naglilinis ng kwarto niya.

Maloi: Ay, andyan ka na pala. Nagpalit ako ng bedsheet mo at naglinis ng kwarto mo pati CR.
Colet: Maloi, hindi ba kita trinatrato ng tama?
Maloi: Ha?
Colet: Sabihin mo nga, hindi ba kita trinatrato ng tama?
Maloi: May sakit ka pa ba?
Colet: Huh?
Maloi: Kung ano ano sinasabi mo, diyan ka na nga!

Umalis na si Maloi bago pa man makapagsalita si Colet.

Nang mismong araw ng trip, G4 lamang ang nakasakay sa private plane. Magkakatabi sila Gwen at Jhoanna si Gwen ay naka shades at nakikinig ng music at si Jhoanna ay naka earphones at nagbabasa.

Si Mikha naman ay naka shades din at nakatanaw sa labas ng bintana habang si Colet ay tahimik lamang. Nang makarating sa resort lahat ng estudyante ay nagsimulang magsiyahan, 2 days lamang ang trip kaya i-enjoy na nila ito.

Sa di kalayuan nakita na ni Colet si Maloi kasama si Stacey. Pupuntahan sana niya ang dalaga ngunit, naunang naglakad si Mikha para salubungin ang dalaga kaya napa atras siya.

Kumakain sila at nakahiwalay ng table sa mga normal na estudyante, masayang naguusap ang lahat habang si Colet ay panay ang sulyap kay Maloi. Ngayon niya lang nakita nakangiti ang dalaga kaya natutuwa siya sa reaksyon nito, sa unang gabi ay nagpahinga lamang ang lahat.

Sa pangalawang araw, masayang naglalaro ng Volleyball si Jhoanna, Stacey, Mikha at Maloi tinatanaw lamang sila ni Colet mula sa balcony ng kwarto na tinutulugan nito. Nang hindi na makatiis sa loob ng kwarto ay lumabas si Colet at naabutan si Gwen na lumabas ng kwarto ng isang estudyante.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon