Colet: Love? Papasukin mo na'ko.
Nag-iintay si Colet sa tapat ng kwarto nila, galit ang asawa kaya di niya maiwasang mainis din sa sarili. Nag-selos si Maloi dahil nabalitaan niyang inikutan ng mga babae ang asawa sa Party ni Jhoanna para sa kasal nito.
Maloi: Hindi! Diyan ka!
Colet: Uyab naman, siyempre party ni Jho yun tsaka wala lang yun!
Maloi: Nakakainis, alam ko naman na may night out kayo! Pero, wala sa usapan na may ganon isa pa.. nakita ko sa pinost na picture ng mga kasama ninyo dun na may naka-kandong na sexy na babae sayo?! Anong gusto mo isipin ko? Friends lang kayo? Ang sweet mo naman! Sige na, matulog ka sa guest room!
Napahinga nalang ng malalim si Colet. Napa-iling siya, alam niyang hindi talaga Magandang idea ang sumama siya sa pa-party ni Gwen at Mikha kay Jho dahil engaged na ito. Nalasing na din siya nang gabi na iyon, hindi niya na masiyadong maalala ang mga pangyayari kung hindi lamang nakuhaan ng mga litrato ang mga kaganapan ay talagang di niya maalala ang mga nangyari.
Kinabukasan, maagang nagising si Colet para sumalo sa almusal. Hinalikan niya ang anak na nasa hapagkainan.
Colet: Goodmorning sweetbean!
Maliah: Morning Nanay!
Hahalikan niya sana ang asawa ngunit, inirapan na agad siya nito kaya umupo na lamang siya.
Maliah: Nay, wala ka office diba po?
Napangiti si Colet, iba ang epekto sakanya kapag tinatawag silang Nanay ni Maliah. Kahit na si Colet ang pinakamayaman na businesswoman sa bansa ay gusto niyang bigyan at turuan ng simpleng buhay ang anak.
Colet: Wala anak, bakit?
Maliah: Pwede po ba tayo mag-mall?
Colet: Oo naman!
Maliah: Mama loi, nadinig niyo po? Mag-mall tayo!
Maloi: Baby, masama lasa ni mama eh. Kayo nalang ng nanay mo.
Colet: Uyab.. ngayon lang nag-request si Maliah, baka naman okay na sumama ka na?
Maloi: Nak, may nadidinig ka ba?
Napailing nalang si Colet dahil alam niyang galit pa din ang asawa. Kasalanan naman niya kaya okay lang din.
Lumabas sila ni Maliah at namasyal sa pagmamay-ari nilang Mall.
Colet: Do you want anything, anak?
Maliah: I want... flowers for nanay. You can give it to her!
Colet: Why do you want me to give flowers to nanay, nak?
Maliah: She was sad po, I saw her crying last night. She told me that you upset her. Nanay, you should say sorry!
Colet: Anak... okay, we'll buy flowers for nanay.
Maliah: yehey!
Nang makapili sila ng bulaklak ay umalis na din sila at naka-sunod sa kanila ang mga guards. Madaming pinamili si Colet na laruan at damit ng anak, laki sa karangyaan ngunit minsan lamang nila ito payagan sa mga hiling nito lalo na kapag Birthday or Christmas lang.
Nang makarating sa bahay, hinila ni Maliah si Colet sa kwarto nila ni Maloi at binuksan ni Maliah dahan-dahan ang pinto. Hinila niya papasok si Colet na nag aalinlangan dahil alam niyang ituturn-down lamang siya ni Maloi.
Maliah: Nanay, we're here!
Napangiti si Maloi nang lingonin ang anak ngunit napasimangot nang makita ang asawa.
Maliah: Nanay, for you!
Maloi: Ay, thank you mahal ko!
Hinalikan ni Maloi ang anak sa pisngi at hinawi ang buhok nito sa likod ng tenga ng bata.
Maliah: It's not from me, its from nanay!
Napa-lunok si Colet bago magsalita.
Colet: Ano.. kaya.. ehem.. kaya pala nagpasama sa mall si Maliah kasi gusto niya bumili kami ng flowers for you. She knows na you are mad at me.
Maloi: Thank you sa flowers anak, halika na bihis ka na.
Tumayo si Maloi at bahagyang aalis ngunit hinawakan naman ni Colet ang braso nito para pigilan. Tinitigan lamang siya ng masama ni Maloi.
Maloi: Bitawan mo'ko, kung hindi mas lalo tayong mag-aaway.
Binitawan ni Colet ang asawa at umalis na si Maloi at Maliah sa silid, napa hinga nalang nang malalim si Colet. Mahaba-habang Suyuan pa ito.
Dumating ang ilang araw na hindi pa din siya pinapansin ni Maloi, halos mawalan na ng pag-asa si Colet dahil alam niyang hindi basta-basta ang tampo ng asawa.
Dumating ang araw na kailangan niya lumipad pa Hongkong para sa isang importanteng business meeting.
Maliah: Nanay, ingat ka po.
Ngumiti si Colet at hinalikan ang anak sa noo, ipinagbilin niya ang anak kay Henry habang wala siya. Si Maloi naman ay nasa taas at naka masid lamang. Tumingala si Colet at ngumiti sa asawa ngunit tumalikod lamang ito sakanya.Henry: Young master, ako na po muna bahala sa mag-ina ninyo.
Colet: Salamat, yung papeles pala ng binili ko na hotel eh baka dumating this week, paki-tabi muna pipirmahan ko pagka uwi ko.
Henry: Masusunod po.
Lumabas na si Colet at sumakay ng kotse, habang tinatahak ang daan pa airport ay mabigat talaga sa loob niya ang pag-alis. Kung hindi lamang importante ang meeting niya ay hindi na siya aalis lalo na at galit nag alit pa din ang asawa sakanya, sinubukan na ni Colet ang lahat pero ayaw pa din talaga makipagbati ng asawa.
Samantala, 11:00pm na at tinignan ni Maloi ang anak sa tabi niya at tulog na ito. Sinarado niya ang libro dahil naka-tulog naman na ang anak.Hinalikan niya ito sa noo at inayos ang kumot nito bago lumabas.
Pumunta na siya sa kanyang silid, tinignan niya ang wedding picture nila ni Colet na nakadikit sa pader. Gustong gusto na ni Maloi makipagbati sa asawa pero gusto niya itong bigyan ng leksyon. Grabe ang naramdaman ni Maloi nang makita ang mga litrato ng mga babae nagkukumpulan kay Colet at may isa pa na naka-kandong, parang tinutusok ang puso niya kapag naalala niya. Tumingin siya sa salamin, tinaas ang kanyang t-shirt at tinignan ang katawan. Maganda pa din naman ang pangangatawan niya kahit na ito ay nanganak, ngunit hindi niya maiwasan isipin na mas Maganda ang katawan nang babae na naka-kandong kay Colet.
Umiling na lamang siya at humiga sa malaking kama na siya lang mag-isa, kinapa niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya na pwesto ni Colet kapag natutulog sila. Hirap na hirap siyang matulog mag-iilang araw na pero, tinitiis niya.
Bumukas ang pinto ng kanyang silid, napa-upo siya sa pag-aakalang si Maliah ang nagbukas, mas lalo pa siyang nagulat nang makita ang asawa na hawak hawak ang coat niya at dahan-dahan na naglalakad palapit sakanya.
Colet: Hindi ko na kaya, sorry na uyab. Mag-bati na tayo, miss na miss ko na ang asawa ko.
Tumayo si Maloi at niyakap nang mahigpit ang asawa.
Maloi: Uyab...
Napaluha si Maloi dahil kahit na galit siya ay talagang mahal niya ang kanyang asawa.
Colet: Hindi ko kayang umalis ng ganito, pinagawan ko ng paraan yung meeting para maka attend ako kahit virtual. Kung hindi ko makuha yung deal, mababawi ko naman yun pero ikaw.. kapag Nawala ka sakin, mas malaking kakulangan yun sa buhay ko.
Pinunasan ni Colet ang luha sa mata ng kanyang asawa.
Colet: I'm sorry, hindi na ako uulit.
Maloi: Walang problema yung paglabas ninyo, hindi naman kita pipigilan dahil may tiwala ako sayo eh. Pero, grabe lang kasi yung mga nakita ko....natatakot ako na ang daming mas maganda sakin, pwede mo akong iwanan kung gustuhin mo.
Colet: Ha?
Maloi: Mas madaming maganda, mas sexy! In short, madaming mas better sakin. Nung nakita kita na sobrang naka-ngiti. Iba naramdaman ko, baka maisip mo biglang iwanan ako dahil naka kita ka ng mas better sakin na baka maisip mo na mas madaming mas okay sakin.
Colet: Ikaw lang ang gusto ko, ikaw nga pinakasalan ko eh. Kahit sino pa yan, lumuhod nga ako sayo at pinangako ko ang buong buhay ko sayo. Sure ako, sure na sure! Lasing lang ako non, nung may kumandong sakin matapos mag picture eh nahimasmasan ako... naitulak ko yung babae, muntik pa nga sumubsob! Pero, regardless.. hindi na talaga ako uulit lalo na kung nab-build yung insecurities mo dahil don. Uyab, I can assure you that you are the most beautiful woman I've ever seen, madalas nahihiya ka sakin kapag wala kang make-up, kapag bagong gising okaya kapag nag-aalaga ka kay Maliah lalo na nung baby pa 'to kasi sa tingin mo mag-iiba ang tingin ko sayo pero... I think dun ka pinaka maganda yung mga moments na hindi mo kailangan takpan yung mukha mo ng kung ano ano kung pwede lang ulitin yung araw na kinasal tayo, i will write different versions of my vows and will buy different rings tapos kahit sa iba't ibang bansa pa tayo ikasal, basta ba sayo at sayo lang ako ikakasal.
Napangiti si Maloi sa sinambit ng asawa.
Maloi: I love you.
Colet: Walang magbabago sa nararamdaman ko, at walang pwedeng makapag pabago nito kasi ikaw at ikaw lang naman ang gusto ko at gugustuhin ko. Ayokong nag-iisip ka ng ganyan ha?
Maloi: Hindi na, you assured me naman.
Colet: Dapat lang.Hinalikan ni Colet ang asawa sa noo at niyakap.
Colet: I love you so much, too much.
Maloi: Thank you sa hindi pag alis.
Colet: I'll drop everything basta ba para sayo... ikaw muna.
Maloi: Bihis ka na, pwede mo na ako tabihan ilang araw na ako natutulog mag-isa.
Colet: Bakit kaya?
Maloi: Sleep na tayo, yab!
Colet: Okay po, eto na boss! Bibihis lang, tutulog na.
Ngumiti si Maloi sa asawa at ganoon din naman ito. Sa gabing iyon, magka-yakap silang natulog ulit at naging mahimbing ang tulog ni Maloi dahil ramdam niya si Colet sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?