Nagkita-kita sa eskwelahan ng mga anak si Mikha at Gwen, Colet at Jhoanna, dahil napatawag si Mikha at Gwen ng principal gawa ng may sinuntok na kaklase si Austin at Adam. Habang kausap ang principal ay tumatawa si Colet sa labas na tinitignan ang dalawa na halos lumubog sa lupa dahil alam nilang hindi lang sila lagot sa principal kung hind isa mga asawa pag-uwi. Nasa labas ng principal's office si Colet at Jhoanna na tumatawa sa itsura ng dalawang kaibigan sa loob.
Nang matapos ay Lumabas ang dalawa at halos mangamatay na kakatawa si Colet at Jhoanna nang makita ang itsura ni Gwen at Mikha na parang pinagsukluban ng langit at lupa.
Mikha: Grabe.. grabe makatawa!
Colet: Yan, nag-bunga na pagiging basagulera ninyo nung college. Trained na trained sa anak ninyo!
Gwen: Palibhasa babae ang anak mo eh!
Colet: Hoy, ano ka.. babae yun pero, nakuha non pagiging mataray ni Maloi kaya untouchable yun isa pa, Mikha school pa naman to ng asawa mo HAHAHAHAH! Ano nalang sasabihin ni Aiah nanaman, na ginamit na naman ni Austin ang "amin ang school na 'to card" HAHAHAH!
Jhoanna; Tama na Colet!! Sakit na ng tiyan ko!
Mikha: Ayun na nga, panigurado makakarating kay Aiah to.
Jhoanna: Teka, kailangan ko na umalis susunduin ko pa si Lindtsey sa salon.
Gwen: Ingat ka.
Colet: Hoy, sumunod kayo sa Mansyon ah.
Jhoanna: Oo, sunduin ko lang si Lindtsey.
Pumunta na ang tatlo sa classroom ng mga anak at sinundo ang mga ito.
Mikha: Austin... don't ever hit someone again, okay? We are the owners of this school, but you do not have the right to brag about it to someone, okay?
Austin: Mommy, they started it!
Gwen: Adam! Bakit ka nakikipagsuntukan? Paano ka magiging sundalo, kung ngayon palang matigas na ulo mo?! Walang sundalong suwail! Kala ko ba gusto mo maging ako pag-laki mo?!
Adam: Ma, di ako may gawa non! Tinulungan ko lang po si Austin.
Napakamot nalang sa ulo si Gwen at Mikha.
Lumabas si Maliah at sinalubong ito ni Colet.
Colet: Hey sweetbean, how was your day?
Maliah: It's okay nanay! I have a star, look oh!
Ngumiti si Colet sa anak.
Colet: Very good! Nanay will be happy!
Gwen: Adam, look at Maliah oh! She has a star, you should follow her.
Adam: Ma, eh mataray naman yan lahat ng bata takot sa kanya!
Napatawa ang tatlo at sabay-sabay na sila umuwi.
Nang makauwi ay sinalubong sila ng mga asawa sa Mansyon nila Colet bilang Friday hang-out day nila ngayon, sila Jhoanna at Lindtsey ay susunod na lamang dahil sinundo ni Jhoanna si Lindtsey sa Salon.
Nakapamewang si Sheena at Aiah nang makita ang mga asawa.
Aiah: Mikha.
Sheena: Gwen.
Napalunok nalang ang dalawa alam nilang manenermon ang mga asawa, habang si Colet ay nagpipigil ng tawa katabi si Maloi.
Maloi: Uyab! Wag ka nga tumawa, kita mo na inaaway na mga kaibigan mo eh!
Colet: Hayaan mo, pano nung College malakas makipag-basag ulo yang dalawa. Ako may anger issue saming apat pero silang dalawa madalas napapa-away.
Maloi: Eh bakit daw ba sinuntok ni Adam at Austin yung bata?
Colet: Hindi ko lang alam, pero kanina pa ako nagpipigil ng tawa lalo na sinabi nung principal kay Mikha na hindi porket sila ang may ari ng School, eh tama na makipag basag ulo si Austin.
Maloi: Baliw ka talaga!Sa kalagitnaan ng sermon ay dumating si Jhoanna at Lindtsey at lumapit kina Maloi at Colet.
Jhoanna: Asa exciting part na pala tayo
Lindtsey: Anyare?
Aiah: May isa kasi dito, pinagmanahan ng anak sa pagiging basagulero!
Mikha: Hon, hindi ko naman controlled ginagawa ng anak natin sa school! Tsaka isa pa, pinag tanggol lang niya sarili niya daw.
Sheena: Yung isa dito kasi naman, sanay na nakukuha gusto niya! Pagka-spoiled niya eh namana ng anak niyang lalaki.
Gwen: Pinagtanggol lang naman ni Adam si Austin bebe!
Maloi: SHHH! Tama na yan! Alam ninyo, tara na kumain na tayo!
Inanyayahan na ni Maloi ang mga kaibigan habang ang mga anak nila ay naglalaro sa isang tabi kasama ang kanilang mga sari-sariling yaya.
Habang masayang nagkwe-kwentuhan ay nagsalita si Jhoanna.
Jhoanna: Handa ba passport ninyo?
Colet: Bakit?
Gwen: Anong meron?
Mikha: Para saan?
Nag ngitian sila Jhoanna at Lindtsey, tinaas ni Lindtsey ang kanyang kamay at nakita nila ang isang kumikinang na singsing.
Nagulat silang lahat at nagpalak-pakan.
Colet: FINALLY!
Sheena: JUSKO!! Akala ko masusundan pa si Adam bago kayo ikasal!
Aiah: WAIT!! Kailan ka nag propose Jho?
Lindtsey: Eto kasi eh!! Nag-away kami mga isang linggo kami hindi nagpansinan as a ma-pride na girlie, hinayaan ko siya. Yun pala, trip niya talagang awayin ako para makapag propose siya!
Jhoanna: Mas matalino pa din ako sayo bebi, anyways.. ayun nga! Next month start na ng preparation, pero.. maiba lang ako, bago yung sa kasal.. reunion natin bukas sa Auckerman University!
Maloi: Sinabihan ko na si Colet na siya nalang pumunta kasi may gagawin ako na painting, alam ninyo naman sideline ko 'to at isa pa malaking client to and medyo rush yung deadline.
Jhoanna: Oh... okay! So, G4 lang present?
Mikha: Yep!
Aiah: Beaufort, behave! Alam ko na sikat na sikat kayong apat sa University at hanggang ngayon usap-usapan pa din kayo lalo na si Colet na ang may-ari ng University.
Mikha: Para naman mambababae pa ako!
Sheena: Ikaw din Jezner! Akala mo ligtas ka ha!
Gwen: Andon lang kami para sa reunion, kalma!
Maloi: At ikaw, Auckerman? Ilang babae na naman mahuhumaling sa speech mo? Lalo na ikaw may -ari ng University. May balak ka ba iuwi sa mga babae mo sa isa sa properties na meron ka? Sabihan mo lang ako, para maka-layas na kami ng anak mo dito sa Mansyon na 'to.
Colet: OA! Ikaw lang babae ko! Not unless dumami ka, edi lahat yon akin!
Jhoanna: Napa-corny!
Lindtsey: Ikaw naman Montenegro, narinig ko na behave ka nung College kaya pakiramdam ko wala ako dapat problemahin.
Jhoanna: Naman!
Kinabukasan, madaming Alumni ang dumating sa University at halos lahat ay mga professionals na. Isa ang Auckerman University sa mga University na magaling mag-hubog ng mga estudyante nila sap ag-aaral. Nang malipat ang University sa pangalan ni Colet ay tinutukan din ni Colet ang pag papa-lakad nito.
Maya-maya dumating at sunod-sunod na nagsidatingan ang apat na magagarbo na kotse.
"ANDITO NA ANG G4"
Bumaba sila Mikha, Gwen, Jhoanna at Colet sa kanilang mga sasakyan. Para bang sila ay mga Kabataan pa din dahil halos lahat ng estudyante ay naghuhumiyaw nang makita sila.
Sa kalagitnaan ng paglalakad, nakita ni Jhoanna si Stacey.. naka-ngiti ito sakanya at kumaway. Ngumiti din pabalik ang dalaga at kumaway.
Sari-saring memorya ang nanumbalik sa isipan ng magkakaibigan ng muli silang makatuntong sa University. Bagama't matagal na panahon na ang lumipas at pamilyado na sila ay ganoon pa din ang pakiramdam kapag magkakasama sila.

BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?