"ANDDDDD CUT!!!"
Biglang nagtayuan ang lahat sa loob ng studio.
Binaba ni Jhoanna ang papel, lumapit ang mga make up artist at assistant ni Jhoanna tinanggal ang lapel ng dalaga.
Lumabas si Jhoanna at may mga nagiintay na mga tao na nagrequest mag papicture sa kilala at sikat na news anchor.
Nang matapos ang picture session kasama ang mga taga-hanga, ay umuwi na si Jhoanna. Busy ang Malacañang dahil sona ng kanyang Ama bukas.
Juancho: Andiyan na pala ang anak ko na reporter!
Ngumiti si Jhoanna at yumakap sa ama.
Juancho: You will be covering tomorrow's sona?
Jhoanna: Yes pa, kaya goodluck satin!
Juancho: I know you can do it anak, dumalaw na kami sa puntod ng Lola Fatima mo kanina. Pinagawan ko ng krus ang libingan niya para maganda kapag napagawi ka ulit don, makikita mo ang pagbabago!
Jhoanna: Salamat papa!Kinabukasan ay medyo maulan ang kalangitan ngunit hindi tumigil ang mga tao sa pag-dagsa para sa Sona ng presidente.
Kinuha ni Jhoanna ang kanyang kapote at nagsimula na mag salita para sa programa.
"Magandang tanghali po, ako po si Jhoanna Montenegro ang inyong lingkod. Ngayon po ang kauna-unahang Sona ng pangulo at marami na po ang nag-aabang sa mga panukala na ipagkakasatuparan ng presidente at lahat po ay hindi maitago ang eksayment sa paglabas ng presidente, sabay sabay po natin tunghayan ang mga sasabihin ng presidente, nakatutok po kami mula dito sa Batasang pambansa. "
"Ang cut!"
Sigaw ng direktor, tumingin si Jhoanna sa mga tao at napa-ngiti. Sa loob ng dalawang taon ay naglingkod at taos pusong binigay ng kanyang ama ang panunumpa sa Pilipinas, alam niyang supportado ng mga tao ang ama at sila ng kanyang Ina.
Nagsimula na ang Sona at nakinig ng mabuti si Jhoanna, nangako siya sa tungkulin na kahit anong mangyari ay hindi magiging biased ang impormasyon at hindi papanigan ang ama. Pinangako niya na magiging tapat siya sa inatasan at pinagkatiwala sakanya na tungkulin, ang maging tagapag hatid ng balita.
Nang matapos ang Sona ay imbes na sumama sa magulang, mas pinili ni Jhoanna na samahan sa isang restaurant kung saan kasama ang kanyang mga team dahil sa successful coverage ng Sona. Walang naging aberya.
Direk Joey: Susunod ka ha!
Jhoanna: Oo Direk! Magpapalit lang ako ng damit, susunod ako wag kayo mag-alala!Nahuli na dumating si Jhoanna sa isang restaurant na kung saan nagpa reserve ang mga kasamahan ng table, malakas ang ulan at habang nagpapagpag ng damit ay dumiretso siya sa CR para magpatuyo saglit. Nakita niya ang isang batang babae na pilit inaabot ang gripo, ngunit hindi niya ito maabot dahil sa kaliitan, napangiti si Jhoanna sa nasaksihan at nakita niya na naka puyod ang bata... gamit ang panyo niya... ang panyo na binigay niya noon kay Stacey.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Jhoanna.. ngunit umiling ito at lumapit sa bata.
Jhoanna: Hi baby girl, do you need help?
Tumingin sakanya ang bata.
"Miss Reporter?!"
Jhoanna: Ha?
Johanna: My name is Johanna and not baby girl! My mommy told me not to talk to stranger! But... i know you! You are the girl on the TV! My mom watches you!Ngumiti si Jhoanna.. pink na pink ang kasuotan ng bata at nangingibabaw ang panyo sa ulo nito na ginamit pang-tali.
Jhoanna: Really? Thank you, do you need help?
Johanna: Can you help me? I need to wash my hand.Tumango si Jhoanna at tinulungan maghugas ng kamay ang bata, pagtapos ay pinatuyo ang kamay nito gamit ang tissue.
Jhoanna: I like your handkerchief.
Johanna: Thank you, it's mommy's favorite handkerchief.Ngumiti si Jhoanna at hinawakan ang kamay ng bata palabas.
Samantala..
Shaun: Hon, si Johanna.. ang tagal sa cr, puntahan mo na kaya?
Stacey: Oo nga no, sige hon wait lang ha!Tumayo si Stacey upang pumunta sa CR pagkadating niya ay nakita niya na nasa labas ng CR si Johanna... hawak ng isang babae.......si Jhoanna.
Nakangiti si Johanna ng makita ang ina.
Johanna: That's my mommy!
Jhoanna: Oh..Iniabot ni Jhoanna si Johanna kay Stacey.
Stacey: Jho.. ikaw pala, kamusta?
Jhoanna: Eto.. ayos lang, ikaw? Kamusta?
Stacey: Ayos lang! Kaka graduate ko lang this year! Nako, pasensya ka na kay Johannah ha! Nadumihan kasi yung kamay eh kaya pinag CR ko para maghugasTumingin si Jhoanna sa bata, kamukha ito ni Stacey.
Jhoanna: Ang laki na niya! Grabe parang ang tanda ko na!
Stacey: Nako, madaldal nga 'to!
Johannah: Mommy, she's the reporter on the tv right?
Stacey: Yes baby, that's tita Jhoanna
Johannah: We have the same name?
Jhoanna: Almost.. almost the same name!Ngumiti si Jhoanna kay Stacey nakita niyang nag matured ang itsura ng dalaga ngunit maganda pa din ito katulad ng dati. Nagtitigan sila ng ilang segundo bago nagsalita si Stacey.
Stacey: Ano, una na kami ha! Baka nakaka-abala kami sayo eh. Thank you sa pag asikaso kay Johanna ha.
Jhoannah: Wala yun, ingat kayo ah!
Stacey: Johannah, say bye to Tita Jho na.
Johanna: Bye tita!Kumaway si Jhoanna sa bata, at ngumiti.
Nang tumalikod si stacey ay bigla itong lumingon ulit kay Jhoanna.
Stacey: Jho?
Jhoanna: Hmm?
Stacey: I'm proud of you! Galing mo mag report!
Jhoanna: Salamat... congrats.. sa second baby ninyo ni Shaun.Napansin ni Jhoanna na malaki ang tiyan ng dalaga at may wedding ring nadin ito.
Stacey: Salamat!
Tuluyan ng pumunta si Stacey sa upuan nila kung saan ay matiyaga silang inaantay ni Shaun ang mag-ina. Nakita ni Jhoanna ang isang pamilyang buo, masaya at masagana alam ni Jhoanna na tama lang ang desisyon niya na wag na ituloy ang pagmamahal kay Stacey at pakawalan ito. Buo ang pamilya ni Stacey at yun ang mahalaga.
Nagtungo na si Jhoanna sa table ng mga katrabaho na kanina pa nag-iintay, sa huling pagkakataon tumingin siya sa table nila Stacey kung saan tinignan siya ni Stacey at ngumiti...
Si Stacey.. ang kanyang first love, ngayon ay kanyang "the one that got away". Para kay Jhoanna love isn't always enough, kung pinagpatuloy niya ang pag-ibig nila ni Stacey ay baka iba ang maging takbo ng buhay nila. Si Stacey ang painful reminder ni Jhoanna na hindi lahat ng pinipili mo ay pipiliin ka, and it's okay. Dahil ang mundo ay hindi umiikot sa isang tao, maaring masakit sa ngayon pero magaan bukas, ginawa ni Jhoanna ang lahat para ipagpatuloy ang buhay na wala si Stacey sa tabi niya sa paniniwalang tama ang mga desisyon niya at nagbunga ang lahat. Nakapag tapos siya at naging tanyag na reporter.
"Love isn't always about choosing each other" dahil para kay Jhoanna mas mahalaga pa din na piliin natin ang sarili natin, dahil sa huli... ang sarili dapat natin ang greatest love natin.
Ngumiti si Jhoanna kay Stacey na sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon nakita niya ulit. Para bang nakita niya ulit ang pag-ibig na nawalay sakanya at sa huling pagkakataon ay pinakawalan niya ito at hinayaan na piliin kung saan siya nararapat. Ibinaling na ni Jhoanna ang attensyon sa mga katrabaho na nagsasaya at masiglang nagkwe-kwentuhan.
Jhoanna Montenegro- G4, News Anchor.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?