Maagang gumising si Colet at pinatawag niya si Maloi na agad pumasok sa kwarto niya.
Colet: Bihis ka, may puntahan tayo.
Maloi: Sige po.Agad naman sumunod si Maloi at nang makapagbihis ay sumakay ito sa kotse kung saan tahimik na nag dadrive si Colet. Napansin ni Maloi na iba ang aura ng dalaga at naka shades pa ito.
Tumigil sila sa isang gusali at nagbayad si Colet, binigyan siya ng dalawang papel pagka bayad niya at iniabot ang isa kay Maloi.
Colet: Wall climbing.
Maloi: Ha? Hala! Di ako nag gaganito!
Colet: Pero marunong ka naman yata umakyat?
Maloi: Oo inaakyat ko yung gate namin dati kapag nalock-an ako kasi ginagabi ako ng uwi pero.. hindi pa ako nakakapag wall climbing!
Colet: Parang ganon lang din yun, isipin mo ganon nalang!Agad silang inassist ng nagbabantay at nagpalit ng damit ang dalawa. Nagsimula na si Colet na umakyat habang nahihirapan naman si Maloi sa una, tumitigil si Colet para antayin ang dalaga at natatawa siya pag nakikita itong nahihirapan.
Colet: Ang bagal mo!
Maloi: Wag ka magulo! Di ako makapag focus! Wala naman to sa trabaho ko!
Colet: Ang daming satsat, bilis na!Narating din nila ang tuktok, unang bumaba si Colet at si Maloi ang sumunod, dahan-dahan pa noong bumababa si Maloi ngunit... nang malapit na siya tuluyang makababa ay biglang nagtuloy tuloy siya dahilan para masalo siya ni Colet at matumba sila, nakahawak si Colet sa bewang ng dalaga at nasa ibabaw si Maloi... agad tumayo si Maloi.
Maloi: Nakakapagod to ayoko na ulitin!
Colet: Mas nakakapagod tumambay sa bahay. Lika na, may pupuntahan pa tayo.
Maloi: Meron pa?!Agad silang nagtungo sa arcade at doon ay naglaro sila at nagpaligsahan ng basketball. Kung sino ang pinaka maraming shoot ay siya ang panalo, nagtapos ang laban sa 45 points ni Maloi at 90 points ni Colet.
Pawisan si Colet matapos ang paglalaro at naghanap ito ng tissue, nagulat siya ng biglang punasan ni Maloi ang kanyang mukha.
Colet: T..thank you.
Maloi: Personal maid mo nga ako diba?At ngumiti ang dalaga kay Maloi habang pinupunasan siya nito.
Bumili ng pagkain si Colet at iniabot kay Maloi.
Maloi: Colet, pwede magtanong?
Colet: Ano yun?
Maloi: Sa tingin mo, sasabihin ni Stacey kay Shaun na mag kaka anak sila?
Colet: Isa pa yan sa prinoproblema ko, gusto ni Jhoanna na ibail out si Shaun.
Maloi: Oh, bakit di niya gawin?
Colet: Sira ka ba? Kailangan niya magbayad sa kasalanan niya hindi lang sayo. Sana nagtino na siya sa mga pinagdaanan niya sa kulungan. Isa pa, kahit naman sabihin ni Stacey sa liit ng utak ni Shaun baka hindi lang din supportahan ni Shaun yung bata. Mas mabuti pa na maging single mom si Stacey.
Maloi: Ang hirap naman, kung kelan sila naging close ni Jho tsaka pa nangyari to.
Colet: Naniniwala ako na magiging sila din sa huli, pero malay natin. Pwede magbago ang takbo ng mundo, depende paano natin lalaruin to.
Maloi: Aba, natuto ka na sakin ah!
Colet: Napaisip ako sa mga sinabi mo, siguro nga isang malaking laro ang buhay. Matatalo at matatalo ka, may isusugal ka kahit wala ka na pantaya.
Maloi: Pero, pwede ka pa din naman manalo basta ba ipaglalaban mo.
Colet: Oo.
Maloi: Oo?
Colet: Ipaglalaban ko.Nakatingin ito ng diretso kay Maloi at ngumiti naman si Maloi dito.
Natutulog si Jhoanna sa ospital at lumabas saglit si Gwen.
Gwen: Tulog pa siya stacey, kaka pahinga lang niya kasi ginawan siya ng mga test. Pero, okay na siya baka makalabas na din bukas.
Stacey: Pwede ba ako pumasok?
Gwen: Oo naman.Pumasok si Stacey sa room ng dalaga. Hindi pa man siya nakaka-upo ay napapaiyak na ang dalaga. Tatalikod na sana siya para lumabas ngunit..
Jhoanna: Stacey?
Huminga ng malalim si Stacey at pinunasan ang luha bago humarap kay Jhoanna.
Stacey: Jho..
Agad napa-upo si Jhoanna at lumapit naman si Stacey.
Stacey: Kamusta ka na?
Jhoanna: Ayos lang, ikaw? Kamusta ka na?
Stacey: Ayos lang ako... Jho, bakit mo ginawa yun?Yumuko lamang si Jhoanna.
Jhoanna: Stacey.... Masakit kasi eh.
Stacey: Paano kapag natuluyan ka? Habang buhay ko dadalhin yung hirap na sana... sana andito ka pa kung hindi dahil sakin. Jho, madami pa ang may kailangan sayo.
Jhoanna: Ako, kailangan mo ba ako staks?
Stacey: Jho, kahit kailangan kita at gustuhin kita... hindi ikaw dapat yung sumalo ng responsibilidad na'to.
Jhoanna: Was he... was he careful with you? Nung ginawa niyo yan, did he.. naramdaman mo ba na it was out of love?
Stacey: It was Jho, naramdaman ko kahit papano..
Jhoanna: Ingatan mo sarili mo, mukhang mahirap pagbubuntis mo.
Stacey: Salamat Jho, magpagaling ka ha?
Jhoanna: Oo naman... Staks?
Stacey: Jho?
Jhoanna: Thank you ha, sorry kasi... mali yung timing pero salamat kasi hinayaan mo'ko makasama at makilala ka.
Stacey: Walang maling timing Jho, para sakin.. kahit kailan pa man nangyari to ang importante eh nangyari at nakilala kita. Thank you Jho, wag mo pabayaan sarili mo ha? Sa ngayon Jho, sarili mo muna intindihin mo wag mo'ko habulin kasi, hindi naman ako tumatakbo Jho pero asa ibang daan ako eh. Wag mo hahayaan na mangyari ulit to ah? Kapag nalulungkot ka mag reach out ka Jho, kina Mikha.
Jhoanna: Yes mam!
Stacey: Naiintindihan mo naman ako diba?
Jhoanna: Oo, naiintindihan ko staks. Pasensya ka na sa mga nangyari. Ingatan mo sarili mo at... si baby mo ha dapat lumaki yan na carbon copy mo, okaya pag babae dapat naka pink din!
Stacey: Matic yan Jho! Alis nako Jho, uuwi na din daw parents mo. Dumalaw lang ako saglit sayo kasi gusto ko malaman kung kamusta ka, di ako mapakali.
Jhoanna: Wag ka na mag aalala, ayos na ako. Papasok na nga ako pagtapos nito... kalimutan na natin to, think of better things Staks.
Stacey: Yes Jho, think of better things. Oh, mauna na ako ha?
Jhoanna: Staks? Pwede favor?
Stacey: Kahit ano Jho.
Jhoanna: Pwede ba kita yakapin? Kahit last na.. hindi na kuta guguluhin ulit.Lumapit si Stacey at niyakap si Jhoanna ng mahigpit... bumulong ito sa dalaga.
Stacey: Mahal kita... Jho.
Jhoanna: Staks.Umalis si Stacey sa pagkakayakap at hinalikan ang pisngi ng dalaga... nakapikit si Jhoanna at tumalikod na si Stacey.
Nagpunas ng luha si Stacey at nagpaalam na siya sa dalaga at tumalikod na...
Jhoanna: Staks?
Stacey: Jho?
Jhoanna: Mahal din kita, see you around.. Stacey.Napangiti si Stacey...
Stacey: See you around, Jho.
![](https://img.wattpad.com/cover/374868189-288-k644344.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?