4.

356 14 1
                                    

Kasalukuyang naka-upo si Maloi at nakatanaw sa bintana ng classroom na pinagtratrabahuhan niya, hindi niya namalayan na pumasok na si Aiah.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?"

dahilan para mapabalikwas si Maloi sa inuupuan dahil sa gulat nito.

"Ahh, wala po ma'm. Iniisip ko lang, bakit kaya di nalang ako pinanganak na mayaman"

Sagot ni Maloi at siya namang ngiti ni Aiah, umupo ito sa table na katapat ng inuupuan ni Maloi at tumingin din sa bintana.

Aiah: Hindi man tayo pinanganak na pantay pantay, gusto ko malaman mo na iisa lamang ang hangarin natin lahat. Ang makasurvive, alam mo Loi pera ang nagpapaikot sa mundo pero ito din ang sumisira ng mga relasyon kung hindi gagamitin ng maayos.
Maloi: Sana makahanap na po ako ng unibersidad na pwede ako makapasok, yun nalang ang tanging hiling ko.

Ngumiti si Aiah sa dalaga at parehas silang tumanaw sa bintana habang pinapanood ang pag lubog ng araw.

Samantala, isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mikha sa lalaking kaibigan na si Shaun. Dahilan para mawalan ito ng malay, pinunasan ni Mikha ang dugo sa labi at tumingin kay Aubrey na sira-sira ang damit.

Hinubad ni Mikha ang kanyang Coat at nilagay sa balikat ng dalaga, ramdam ni Mikha ang panginginig ng katawan nito.

Mikha: Sa susunod na makita ko pa kayong magkasama, ako na ang magagalit saiyo.Hindi ka ba aware na alam niyang patay na patay ka sakanya kaya yan ganyan?

Tumango si Aubrey at pinunasan ang luha.

Mikha: Isaplot mo sa sarili mo yang coat, sumunod ka sakin. Ihahatid kita sainyo.
Aubrey: S.. sorry.
Mikha: Wag ka na magsalita, baka magising pa yung kutong lupa na yan.

Nang mahatid ni Mikha ang dalaga ay iniinda pa din niya ang sugat sa labi. Papunta sana siya CR nang madinig niyang humihingi ng tulong si Aubrey, hindi siya nagdalawang isip na pumasok at nakita niya si Shaun na balak pagsamantalahan ang dalaga. Kaibigan ni Mikha si Shaun simula pagka bata at mas tuso ito sakanya ngunit alam ni Mikha ang kalokohan ng kaibigan kaya nag-aalala siya para sa nobya nito na si Aubrey. Hindi na napigilian ni Mikha ang sarili at nasuntok niya ang kaibigan ngunit bago pa man iyon, siya ang unang napuruhan ni Shaun pero, nakabawi lamang siya.

Nang makarating sa kakainan ay inayos niya ang kanyang polo at pumasok, namatamaan agad siya nila Gwen, Jhoanna at Colet.

Colet: Anong nangyari sa mukha mo?
Gwen: Sino nanaman ang kailangan ko kausapin para pagtakpan yan?
Mikha: Wala, wala kayo need kausapin.
Colet: Hindi ka nga makapaglakad ng maayos! Halika mag pa ospital ka!
Mikha: Hindi na! Tara na sa pina reserve natin na restaurant, ayos lang ako.

Naun ana maglakad si Mikha at nagtinginan lamang ang tatlo kalaunan ay naglakad nalang din pasunod kay Mikha.

Habang kumakain sila ay naguusap si Jhoanna at Gwen tungkol sa bansa at sa plataporma ng ama ni Jhoanna, habang si Mikha ay tahimik na kumakain si Colet naman ay napansin ang kaibigan.

Colet: Hindi mo ba talaga sasabihin ano nangyari diyan?
Mikha: Wala lang to, may tinuruan lang ako ng leksyon.
Colet: Napapadalas ka makipag basag ulo, kahit nung nasa states ako gawain mo na yan.
Mikha: Hindi na mauulit.

Gwen: Siya nga pala, pagtapos nito.. samahan ninyo ako, bibili ako ng bagong bag.

Tumango ang tatlo at nagpatuloy sa pagkain.

Kinabukasan maagang nagising si Maloi dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto, binuksan niya ang pinto at nakita ang pamilya na tumatalon sa tuwa.

Maloi: Ma.. pa, ang aga aga.. ang ingay po ninyo, ano po ba meron?

Tanong ni Maloi habang nahikab.

Marco: ATE!! Pasok ka na sa AUCKERMAN UNIVERSITY.

Napamulat si Maloi at agad-agad lumapit sa magulang at kinuha ang papel, napa hiyaw ito sa tuwa at niyakap ang pamilya.

Nang araw na iyon, nagpunta siya sa trabaho na may dalang cake at sarili niyang baked na cookies. Nakangiti siyang sinalubong ni Aiah.

Aiah: Ang aga mo ah?
Maloi: Mam, para sayo po ito... mam salamat po, pasok ako sa Auckerman University at nakita ko full scholarship po!

Napangiti si Aiah at niyakap si Maloi na hindi makapaniwala na siya ay makakapag aral sa mataas at tanyag na paaralan.

Aiah: Natutuwa ako ng sobra para sayo, sasabihan ko ang mga staff kakain tayo mamaya, wag ka mag-alala libre ko! At... bibili tayo ng gamit mo pati uniporme mo!
Maloi: Aba, sige mam! Walang tumatanggi sa grasya!

Ngiti ni Maloi at siyang galak naman ni Aiah.

Nang matapos ang araw ay maagang umalis sila Aiah at ang mga kasamahan upang i-celebrate ang pagkapasok ni Maloi sa Unibersidad.

Si Colet naman ay pumunta sa paaralan ni Aiah ngunit nagtaka na wala na ang dalaga, sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi naman ito nasagot kaya umuwi na lamang siya.

Pagkauwi ay sinalubong siya ni Henry na nag-bow sakanya bilang tanda ng respeto.

Henry: Pinapatawag po kayo ni Master.

Agad sumunod si Colet at nakita ang kanyang lolo na nag lalaro ng chess sa loob ng kwarto nito. Umupo si Colet sa tapat ng matanda at nakipaglaro.

Fred: Saan ka galing?
Colet: Kinita ko po sila Mikha.
Fred: Pinabilhan kita ng mga bagong damit mga coats at bagong sapatos galing mismo sa italya, magagamit mo ito sa pasukan next week.
Colet: Salamat po, pero.. hindi po ba ako mag ununiform?

Napangiti ang matanda sa apo.

Fred: Hindi ba nasabi nila Gwen sayo? Hindi sila nagsusuot ng uniporme, sila ang tanging naka coat at naka formal sa unibersidad. Pwede naman na magsuot ka kaso, ikaw lamang ang naka ganon sainyong apat.
Colet: Hindi ko po alam na ganon pala, buti nalang sinabi ninyo.
Fred: Kilalang kilala ang tatlo na iyon sa eskwelahan, may sariling parking space din ang mga iyon.
Colet: Papito, anong huling binili ninyo? Bakit nadinig ko hindi daw pwede dito ilagay sa bahay?
Fred: Ah, helicopter.. bumili ako ng helicopter.

Ngumiti si Fred at napailing naman si Colet, alam niyang wala na magawa sa pera nito ang matanda.

Colet: Checkmate!

Napatawa si Fred sa galing ng apo mag chess at pumalakpak, sabay uminom ng wine.

Fred: Hindi ka pa din nagbabago, magaling ka padin.

Nagtungo si Gwen sa kanyang pinupuntahan na Bar at umupo sa usual VIP lounge, habang nagiintay ng order ay... nakita niya si Sheena ang waitress na nagseserve sakanila ni Jhoanna pero nakita niya na parang binabastos ito ng isang customer. Sinubukan ni Gwen na wag pansinin ngunit, kalaunan ay hindi na siya nakapagtimpi.. lumapit siya sa customer at binato ng pera ito.

Gwen: Leave her alone! use that money, and never come back.

Nagulat ang lalaki sa inasal ni Gwen tatayo siya upang sana ay saktan si Gwen ngunit pinigilan siya ng kasamahan niya at may binulong dito, napa atras ang lalaki at humingi ng pasensya kay Gwen at Sheena sabay umalis.

Tumingin naman si Gwen kay Sheena.

Gwen: Vip table number 8, paki serve ako ng wine.

Sabay naglakad palayo at napakamot nalang sa ulo si Sheena na walang nagawa kundi kumuha ng wine at i-serve kay Gwen.

Nakatulala si Maloi sa kwarto habang pinagmamasdan ang mga gamit at uniporme papasok, hindi padin siya makapaniwala na nakapasok siya sa isang sikat na Unibersidad. Umupo ito sa kanyang study table at nag search ukol sa Universidad.

"Auckerman University, founded in 1997 by Frederick Auckerman (current owner), is one of the most prominent Universities in the country, with over 5,000 students from different countries. They are known for their exceptional teaching method and world-class service to students. They are awarded as one of the best and most expensive Universities. The Auckerman University will soon be inherited by the one and only heiress of the Auckerman family, Colet Auckerman, the only granddaughter of Frederick Auckerman. The university also partners with known companies that help students build their careers for the future. "

Nanlaki ang mata ni Malo isa nabasa ngunit, ganoon pa man ay excited na ito. Lalo na at mahirap makapasok sa Unibersidad na ito. Pumasok si Marco sa kwarto ng kapatid.

Marco: Ate.

Bumunot ito ng pera sa kanyang bulsa.

Marco: Ate, eto ang pera na naipon ko sa mga baon na binibigay ni mama at papa sa'kin. Ibili mo ito ng bagong sapatos mo. Nakita ko na may bago ka ng bag, uniporme ngunit sira pa din ang sapatos mo sa isang sikat na unibersidad ka magaaral dapat ay bago ang mga suot mo.

Nahabag si Maloi sa ginawa ng kapati at ayaw sana tanggapin ang pera ngunit nag pumilit si Marco, tama naman ang kapatid wala pa siyang bagong sapatos. Sumahod man siya sa trabaho ay dumidiretso din sa gastusin sa bahay dahil hindi sumasapat ang pagbebenta ng isda ng pamilya.

Maloi: Ayoko sana tanggapin pero, mukhang tama ka.
Marco: Huwag ka na maarte!
Maloi: Hoy! Hindi ako maarte!
Marco: Basta ate, magtapos ka para hindi na tayo mahirapan pa sa buhay.

Lumapit si Malo isa kapatid at niyakap ito.

Maloi: Pangako, pagbubutihin ko ito.. marco! Salamat dito sa binigay mo!
Marco: Ipangako mo yan ate!
Maloi: Pangako nga eh! Ulit ulit!

Ngumiti ang kapatid at niyakap ulit ni Maloi ito.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon