15

320 14 8
                                    

Tumigil sa bahay nila Sheena si Gwen at inihatid ito.

Sheena: Pasok ka muna saglit, mag mano ka kay mama.
Gwen: Ha?
Sheena: Don't tell me di ka marunong mag bless?

Napatitig naman si Gwen na wala na nagawa kundi sumunod kay Sheena. Pumasok sila sa loob, nakita ni Gwen ang mga pinadala niyang pagkain at naabutan ang ginang na kumakain.

Ria: Gwen, ikaw pala! Nako, Salamat sa mga pinadala mo ang sasarap.

Nagmano si Sheena sa ina at ganon din naman si Gwen. Umupo ito habang nagpaalam si Sheena na magbibihis.

Ria: Ang sarap ng mga ito, pang ilang araw na namin ulam ito mag-ina!
Gwen: Pwede po ako magpadala pa.
Ria: Nako, hindi na sobra na ito tsaka karamihan dito bawal din sakin, ipapabaon ko lang kay Sheena to. Tumitikim tikim lang ako!
Gwen: Bawal? Bakit po bawal?
Ria: May.. sakit ako iha, may cancer ako breast cancer... kaya maagang nagbanat ng buto si Sheena para maitaguyod ang sarili niya. Umaasa na lamang ako sa pension ng mga magulang ko na namayapa kaya nairaraos ko si Sheena at ang pang araw araw namin.

Nagulat si Gwen sa naging rebelasyon ng ginang, natapos na magbihis si Sheena at nagpaalam nadin si Gwen. Bago siya umalis ay nagusap pa sila ni Sheena.

Gwen: Sheena, may sakit pala mommy mo?
Sheena: Nasabi niya? Oo, breast cancer.. malubha na nga pero sa awa ng Diyos nakakapag monthly check up naman.
Gwen: Pero nag aaral ka.
Sheena: Wala naman akong choice, bata palang ako wala na akong tatay, parehas namatay ang mga lolo at lola ko kaya samin napunta ang pension nila. Kung di ako kikilos at magsasakripisyo, mawawala ang lahat samin... sakin, lalo na si mama.

Tumango si Gwen at nagpaalam na sa dalaga, tumigil siya sa tanyag na ospital nila Colet kung saan dumiretso siya para mag inquire sa magiging gamutan ng Ina ni Sheena. Bagamat hindi pa lubos na magkakilala ay magaan ang loob ni Gwen sa mag-ina, iniisip niya na kung walang saysay ang buhay niya pwes kay Sheena at para sa Ina nito ay meron dahil tinanggap siya nito ng malugod sa munti at payak nitong tahanan. Bagay na hindi niya nararamdaman sa mga magulang na walang inisip kundi isa siyang matigas na ulo na anak at hindi nasunod sakanila.

Doc Trevor: Gwen, heard you were looking for me?
Gwen: Yes, i need you to treat someone. Walang problema sa magiging maintenance or gamutan, i'll give you the address and you can visit her personally.

Ngumiti ang Doctor at nagusap sila ni Gwen.

Halos hindi magkanda mayaw si Aiah, nagiiyakan ang mga estudyante niya at napapahawak na siya sa noo niya.

"God, tulong" ani nito sa sarili habang pinapakalma ang mga bata. Biglang kumatok si Mikha sa pinto ng classroom, pinapasok naman siya ni Aiah.

Mikha: Anong nangyayari?
Aiah: First day ng class ulit nila after ilang araw na wala, eto.. umiiyak hinahanap mga magulang umiyak yung isa, nagsunod sunod na.

Lumapit si Mikha sa isang bata at umupo sa harap nito.

Mikha: Hi baby, why are you crying

" I want my mom" sagot nito kay Mikha.

Nakaisip ng idea si Mikha, lumabas ito at kinuha ang bagong bili na gitara, umupo siya sa gitna ng mga bata.

Mikha: Okay, i will play a song.. but, i need you all to stop crying.

Nagpunas at tumigil ang luha ng mga maliliit na bata at napa ngiti si Mikha, nagsimula na itong tumugtog habang si Aiah ay nakahinga na ng maluwag.

"Miss red hair, can you play twinkle twinkle?"

Napangiti naman si Mikha at nagsimulang tugtugin ang request ng paslit.

Matapos ang klase, inabutan ni Aiah ng Kape si Mikha at sila na lamang dalawa sa classroom.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon