20 (JHOCEY LUBOG)

197 9 3
                                    

Matapos ang isang linggo ay bumubuti-buti na ang kalagayan ng Ina ni Sheena, matiyaga pa din itong binabantayan ng dalaga, naghahalin-hinan sila ni Gwen, kapag di pwede si Gwen ay nagpapadala ito ng Guards para sa ginang.

Pumasok si Jhoanna sa Classroom nilang apat, kung saan naka-upo at nagkwekwentuhan sila Gwen, Colet at Mikha.

Jhoanna: Guys.

Napatigil ang tatlo at tumingin kay Jhoanna.

Mikha: Jho, bakit?
Jhoanna: I need your help.
Colet: About saan? May ipapagawa ka ba? Sure ako di yan about sa pera.
Gwen: Napa trouble ka? Sabihan mo'ko sinong dapat kausapin para maharang ko agad makalabas sa media.
Jhoanna: HINDI! Mga piskit kayo! Ano kasi....
Colet: Ano?
Jhoanna: Gusto ko tanungin si Stacey kung pwede ko ba siya ligawan.

Napatahimik ang tatlo... sabay sabay silang tumawa ng malakas at gulat naman si Jhoanna sa reaction ng mga ito.

Mikha: Gago ka Colet, ano? Send 10k!
Gwen: Potek.. bading ka pala talaga?
Colet: Pucha! Sabi ko pa naman phase lang yan.
Jhoanna: Pinag pustahan ninyo ako?!
Gwen: Kalma, wala lang kami magawa sa buhay.
Jhoanna: Anyway, kayo ang mga nakaka-kuha ng girls lalo ka na Gwen at Mikha.. kailangan ko ng tulong ninyo. Lalo na galit sakin si Stacey.
Mikha: Galit? Bakit galit?
Jhoanna: Ang baho daw ng pabango ko! Tapos, gusto niya makita ako pero pag kasama niya ako gusto niya di ko siya titignan!
Mikha: Parang pinaglilihihan ka lang ah!

Napatawa naman ang tatlo.

Gwen: Sige, tutulungan ka namin kailan mo ba balak?
Jhoanna: Mamayang gabi.
Colet: Game!

Samantala, asa CR si Maloi para magpalit ng damit nang lumabas sa cubicle si Stacey, namumutla ito.

Maloi: Stacey? Ayos ka lang?
Stacey: H..ha? ayos lang!
Maloi: Namumutla ka, may problema ka ba?
Stacey: Nahihilo ako pero..ayos lang ako! Mauuna na ako ha?

Hindi na nahabol ni Maloi si Stacey dahil nagmamadali itong umalis, pumasok siya sa cubicle kung saan galing si Stacey at pinatong ang bag niya sa patungan, nang kuhain niya sa bulsa ang cellphone niya ay napasama naman ang resibo ng mga libro na hiniram niya sa library. Nakita niyang na shoot ito sa basura, kinuha niya ito ng maingat at pagkakuha sa resibo ay nasa ilalim nito ang isang pregnancy test.... Biglang kinabahan si Maloi.

Naglalakad si Stacey nang makasalubong niya si Mikha. Kumaway ang kaibigan dito, dahil si Mikha ang magiging tulay para magsabi kay Stacey na pinapatawag siya ni Jhoanna hindi pa man nakakalapit si Mikha ay agad nahimatay si Stacey. Agad tumakbo si Mikha at lumabas din ng CR si Maloi at tumakbo papalapit sa dalaga.

Isinugod nila si Stacey sa clinic, kung saan sinabi ng Nurse na baka siya ay over fatigue lang. Mahimbing na natutulog si Stacey at nagiintay sa labas si Maloi at Mikha.

Mikha: Kawawa naman ang bff ko, malamang kaka puyat niya yan.
Maloi: Mikha, sa tingin mo ba tama yung findings ng nurse?
Mikha: Oo naman, nurse na nagsabi kaya wag ka na mag alala. Alam mo, mamayang gabi pa naman manliligaw na si Jhoanna kay Stacey. Tatanungin niya na si Staks if pwede manligaw.
Maloi: HA?
Mikha: Nakakagulat diba? Pero sa hinaba-haba sila lang pala—
Maloi: Mikha, hindi pwede!
Mikha: Bakit?
Maloi: Basta! Masasaktan si Jhoanna
Mikha: Anong sinasabi mo?
Maloi: Hindi ako sigurado, pero.. basta!

Pumasok na si Maloi sa clinic at naiwan si Mikha na napakamot nalang sa ulo sa sinabi ng dalaga.

Kinagabihan bago umuwi, magkasama si Mikha, Stacey at Maloi. Dinala sila ni Mikha sa fountain ng school, nagtataka si Stacey bakit madilim.

Nang makarating sa gitna ng fountain, nagbukas ang mga ilaw at doon nakita niya si Jhoanna na may hawak na bulaklak. Iniwan na nila Mikha at Maloi ang dalawa, agad silang pumunta sa di kalayuan kung saan nagiintay sina Gwen at Colet. Medyo malayo sila ngunit tago pero nadidinig pa din nila ang dalawa.

Stacey: Ano...to, jho?
Jhoanna: Para sa babaeng kalog na pinapatawa ako noon pa man, una kitang makita pa lang alam ko na gusto na kita. Pinagdarasal ko na sana mapa-sakin ka pero hindi sumang-ayon ang tadhana kaya nagintay pa ako ng maka-ilang beses. Ngayon, alam ko na ito na ang tamang panahon... Stacey, gusto kita... kung papayag ka liligawan sana kita.
Stacey: Jho..

Umiiyak si Stacey at napangiti naman si Jhoanna.

Jhoanna: Napaka-iyakin mo naman! Parang tinatanong ka lang.
Stacey: Jho..
Jhoanna: Staks, bakit?
Stacey: Hindi pwede Jho.

Nagtinginan ang apat sa nadinig nila.

Jhoanna: Anong hindi pwede? H..hindi mo ba ako gusto? Kaya nga liligawan kita Staks eh.
Stacey: Hindi, hindi sa ganon.
Jhoanna: Eh ano?
Stacey: 2 weeks...
Jhoanna: 2 weeks?
Stacey: 2 weeks na akong buntis Jho.

Nabitawan ni Jhoanna ang bulaklak na hawak niya.

Stacey: Kaya pala grabe mood swings ko, pinaglilihihan na pala kita.. Jho, I'm sorry, buntis ako magkaka-anak ako kay Shaun.
Jhoanna: O.. okay lang staks, huminahon ka.
Stacey: Hindi jho! Sira na ang pangarap ni mommy para sakin, sira na din ang pangarap ko. Jho, hindi ko pwedeng sagutin ka, kailangan ko ipagpaliban ang nararamadaman ko sayo. Jho, magiging nanay na ako.
Jhoanna: Ga... ganito nalang..tanggap.. tanggap ko yung bata staks.

Halos pumiyok si Jhoanna sa pagsasalita sa pagpigil ng luha pupunta na sana si Mikha sa direksyon ng dalawa ngunit hinawakan siya ni Colet para pigilan.

Stacey: Hindi mo to responsibilidad, kami ni Shaun ang gumawa nito kailangan.. siya ang kailangan ko. I'm sorry... jho, I'm sorry.

Umalis na si Stacey at natulala nalang si Jhoanna sa nangyari, lumabas ang apat at niyakap ni Gwen si Jhoanna.

Jhoanna: Mikhs.. sundan mo si Stacey.. please.

Tumango si Mikha at agad naman sinundan ni Mikha ang dalaga, habang si Maloi at Colet naman ay nakatulala dahil sa mga nangyari.

Sinamahan ni Gwen pauwi si Jhoanna habang si Colet at Maloi ay umuwi na dahil pinauwi na din sila ni Gwen. Habang nag da-drive ay tahimik lamang ang dalawa walang kumikibo dahil alam nila ang bigat ng nangyari.

Kinabukasan, nagising si Colet sa isang tawag kay Gwen at nagtungo sila ni Maloi sa ospital.. naabutan nila ang mga guards sa labas ng room ni Jhoanna pagpasok nila ay nagwawala ang dalaga at pilit na pinapakalma ni Mikha at Gwen.

Jhoanna: Alisin ninyo ako dito! Gusto ko makita si Stacey... please! Gusto ko siya makita.
Mikha: Jho... please, kailangan mo magpagaling.
Jhoanna: Kailangan ko si Stacey..

Pilit niyang inaalis ang swero dahilan para magdugo ang kamay nito.

Colet: JHOANNA!!

Sumigaw si Colet at napatahimik si Jhoanna, kumalma ito at sumandal sa hospital bed niya.

Gwen: Cole, buti dumating ka asa importanteng lakad sa Davao ang Presidente pati ang first lady... umuwi na ako pagkahatid sakanya dahil kaya na daw niya mag-isa.. pero maya-maya tinatawagan ako ng mga maid, uminom daw ng shampoo si Jho.
Colet: Gago ka ba Jho?
Jhoanna: Gago na kung gago.. si Stacey... kailangan ko siya makita.
Mikha: Jho, maselan ang pagbubuntis ni Stacey naka bed-rest siya dahil suka siya ng suka kahapon at di din kami nakapagusap.
Jhoanna: Hindi niyo naiintidihan eh.

Lumapit si Colet sa kaibigan.

Colet: Jho, naalala mo ba nung mga bata pa tayo.. madalas tayo mag soccer tapos ikaw lagi kang nasusugatan kaya sa ating apat ikaw ang pinaka-lampa. Naalala mo nung halos umiyak ka sa sakit ng sugat mo. Pero pag-uwi mo kailangan hindi mo maipakita na nasaktan ka? Pero nung kasama mo kami sa field halos umiyak ka at di namin alam paano ka patahanin. Sabi ko sa sarili ko nun, kahit kailan hindi ka naming papabayaan kasi samin mo pinapakita na mahina ka talaga.. Jho, nung araw na yun gumawa tayo ng way para matakpan yung sugat mo para maitago kay tito Juancho kasi alam mo mapapagalitan ka. Ngayon Jho, gawin ulit natin hayaan mo na tulungan ka namin sa nararamdaman mo kasi mukhang malalim ang sugat mo eh pero diba, gumaling din yan sa mahabang panahon? Habang di gumagaling palagi tayo nag-iisip paano mo itatago kay tito. Naka-antabay padin kami Jho, gagawa padin ng way ang mga ate para mawala yung sakit para maitago mo kina tito, umiyak ka lang samin kung gusto mo pero wag mo itatago kasi masakit talaga eh.
Jhoanna: H.. hindi ninyo ako iiwan?
Colet: Hindi Jho, I'm sorry kung umalis ako noong mga bata tayo pero andito na ako, Jho... wag ka mawala Jho kasi imaginine mo nalang kung paano sisisihin ni Stacey ang sarili niya kapag nawala ka... Mahal kita Jho, hindi ko alam kung ano yung salita na yun pero alam ko mahal kita kasi ayoko na nasasaktan ka kasi mas nasasaktan ako.

Hindi napansin ni Maloi na lumuluha na siya sa mga sinabi ni Colet at niyakap ni Colet si Jhoanna, ganon din naman si Gwen at Mikha.

Nang maikalma si Jhoanna, nagtungo si Mikha kay Stacey para balitaan ang dalaga sa ginawa ni Jhoanna.

Stacey: Ayos na ba siya? Please, tell me she's okay.
Mikha: Kalmado na, staks.. alam na ba ni tita?
Stacey: Oo, kagabi lang... hindi niya ako kinikibo pero hinahayaan niya ako gumalaw at kumain.
Mikha: Si Shaun?
Stacey: Hindi ko alam kung sasabihin ko, parang wala naman balak maging Ama si Shaun lalo na patapon ang buhay niya. Ano nalang sasabihin ni Mommy? Yung tatay ng anak ko naka-kulong dahil bully?
Mikha: Ano balak mo?
Stacey: Magaaral ako hanggat di pa Malaki ang tiyan ko.. kapag lumaki na need ko na mag-stop. Babalik nalang ako kapag lumaki na siguro 'tong bata sa sinapupunan ko.
Mikha: Ano ba gusto mo boy or girl?
Stacey: Girl sana... ipapangalan ko kasi kay Jhoanna, well not really... pero isusunod ko sa pangalan niya.
Mikha: Andito lang ako staks.
Stacey: Salamat Mikhs. Pwede favor?
Mikha: Ano yun?
Stacey: Wag mo hayaan na lumapit sakin si Jho, nasasaktan ako kapag nakikita ko siya nagagalit ako sa sarili ko eh. Pero andito na 'to Mikha.. kailangan ko na panindigan.. tsaka isa pa, pwedeng magpabili ng pagkain? Mangga na may Mayonnaise sana.
Mikha: Yung una magagawa ko, yung pangalawa di ko sure.
Stacey: SIGE NA! PARA SA INAANAK MO NAMAN!
Mikha: Ayan, naka kuha ka ng panakot sakin.

Tumawa naman si Stacey at ganon din si Mikha.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon