Last chapter

199 9 0
                                    

Matapos ang ilang taon, ganap na pamilyado na at may mga anak na si Gwen at Sheena, Mikha at Aiah at si Maloi at Colet.

Lunes, at pasukan ng mga bata sa kindergarten maagang gumising si Maloi na isa ng ganap na HR head at pinaghandaan ang anak na si Maliah Yves ng baon dahil ilang oras naman ay mag tratrabaho siya. Nakapag desisyon si Maloi matapos ang kasal nila ni Colet na bumalik na sa Manila at doon ay nanirahan sa Mansyon nila Colet.

Abala siya sa paghahanda ng baon nang kausapin siya ni Rosita.

Rosita: Ginising ko na po si Maliah, pinapaliguan na po siya ni ng kanyang yaya.
Maloi: Salamat po!

Katabi ng Mansyon nila Maloi at Colet, nakatira si Gwen at Sheena at ang anak na si Adam Miguelito. Napagdesisyonan nilang lumapit lamang ng tirahan kina Colet at Maloi.

Ganoon din si Mikha at Aiah na ilang hakbang lamang ay Mansyon naman nila ang makikita malapit sa Mansyon nila Colet at Gwen kasamang naninirahan ang anak na si Austin Caleb.

Habang si Jhoanna at Lindtsey lamang ang nahiwalay dahil ang dalawa ay nasa isang Condo at malayo pa sa pag-papakasal gawa nang sila ay parehas pa na ineenjoy ang buhay mag nobya.

Sa Mansyon nila Mikha at Aiah, parehas gumising ang mag asawa at inalalayan ang anak na papasok.

Aiah: Hon, si Austin ha! Baka naman panay kotse na naman nilagay mo sa bag?
Mikha: Hindi ah! Judger ka hon!
Austin: Mommy, can I bring my toys to the school?
Mikha: Mommy said no, but don't worry we'll play later. Okay?
Austin: Okay, but we will ride in the Ferrari... right, mom?
Mikha: Yes, we just have to wait for Aunt Gwen and Aunt Colet.
Aiah: Ferrari? Ayaw mo ba na yung van nalang gamitin? Masyadong mabilis yung car na yun,
Mikha: I'll drive carefully hon, don't worry besides Austin love that car! And he will get one of that once he is big enough to drive his own car.

Ngumiti ang bata at hinawakan na ang kamay ni Mikha lumabas na sila ng Mansyon para antayin ang mga kaibigan at nagpaalam na si Mikha sa asawa.

Habang sa mansion naman nila Gwen at Sheena.

Adam: Mama, I think.. my tummy hurts?

Umarte ang anak na parang nasasaktan at natawa si Sheena.

Ngumiti si Sheena sa bata, alam niyang nagdadahilan lamang ang bata para hindi pumasok.

Sheena: Baby, lahat ng mama-mana mo sakin.. ka OA-n pa! you will meet a lot of friends today! You should be excited, promise once you are home you can play as long as you want! But... no ipad okay? Lagot ka sakin kapag kinuntsaba mo na naman si yaya mo na payagan ka mag-ipad.
Adam: Promise, mama?
Sheena: Yes!

Sakto bumaba naman si Gwen na naka uniporme dahil kailangan niya pumunta sa kampo.

Gwen: Ready na ako, asa labas na sila Mikha sabay-sabay namin ihahatid mga bata sa school.
Sheena: Oh, mama is ready na! be good adam ha!
Gwen: Adam, be good ha! Wag mananapak!
Adam: Yes Mam!

Tumango ang bata at hinawakan ang kamay ni Gwen at lumabas na sila nakita nila si Mikha na inaayos ang kotse, inistart na din ni Gwen ang kanyang SUV na gagamitin para ihatid ang anak.

Habang sa Mansyon naman nila Maloi at Colet, nakapila ang maid dala-dala ang iba't ibang sapatos na itim pamasok na galing pa sa iba't ibang bansa.

Iprinisinta nila ito sa batang si Maliah upang maka pili ito ng susuotin.

Maloi: Maliah, what do you want to wear? You choose anak.

Nag-isip ang bata at tinuro ang isang sapatos na itim na may disensyo na ribbon.

Maloi: Sige, yung hindi niya napili pwede ninyo na ibalik sa lalagyanan.

Sinuot ng katulong ang sapatos na napili nito sa bata na si Maliah at inayos naman ni Maloi ang buhok nito.

Colet: Matagal pa ba si Malia, yab? Nasa labas na sila Mikha at Gwen pinapa handa ko nadin ang kotse.
Maloi: Mag-intay sila! Nag-iisang babae ang anak natin sa grupo ninyo kaya dapat special at maganda ang baby ko!
Maliah: Nanay, kelan po pupunta si tita jho?
Maloi: Busy pa siya anak, bakit?
Maliah: Nag promise po siya na bibilhan niya ako ng sisiw.
Colet: Anak ng! kung ano-ano nalang talaga 'to si Jhoanna eh!
Maloi: Nako anak, kapag bumisita dito ipaalala mo nalang. Tsaka, anak bakit sisiw pa? Ayaw mo turtle?

Umiling lamang ang bata.

Lumapit si Henry at nag bow kina Maloi at Colet.

Henry: Handa na po ang sasakyan na sasakyan ninyo young master. Ipinagutos ko na din po na dalhin ang baon ni little master sa sasakyan, nakasunod na din po ang mga body guards na nirequest ninyo na mag coconvoy sainyo nila Gwen, at Mikha papunta sa school ng mga bata.

Colet: Salamat, Henry. Halika na Maliah mag paalam na sa nanay.

Inalalayan ng katulong ang bata na isuot ang kanyang bag at humalik ito sa pisngi ng ina na si Maloi.

Maloi: Be good anak, ikaw din! Be good!

Turo nito kay Colet at humalik si Colet sa pisngi ng asawa.

Colet: Oo naman! Sige na, I love you. Wag mo kalimutan na ipasundo si Maliah kasama ang mga bodyguards ha, ayokong naiiwan mag-isa ang anak ko importante safety niya.

Ngumiti si Maloi sa pagiging protective ni Colet, lumabas na ang kanyang mag-ina.

Pagka labas nila Colet at Maliah, kumaway ito kina Gwen at Adam, Mikha at Austin. Sumakay na sila sa kani-kanilang kotse at inihatid na ang mga anak sa eskwelahan.

Sina Maliah, Austin at Adam ang bagong mga tagapag-mana ng mga karangyaan na mayroon sila.

Sila ang susunod na henerasyon ng G4.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon