23

298 13 10
                                    

Nakita ni Jhoanna si Stacey na papasok ng classroom nito, agad siyang nagtago para hindi makita ng dalaga.

Pumunta si Jhoanna sa tagong lugar ng University, nagiintay sakanya si Hoshi.

Hoshi: Pres, may papagawa ka?
Jhoanna: Yep, pero.. hindi naman ganon kahirap siguro.
Hoshi: Kayang-kaya ko yan ni mahirap man o hindi, ano ba yun?
Jhoanna: Alamin mo pregnancy cravings ni Stacey.
Hoshi: Buntis siya?!
Jhoanna: Oo, walang makakaalam dapat ha! Yung girlfriend mo.. kaibigan siya ni Stacey kaya mas madali.
Hoshi: Okay pres, makakaasa ka!
Jhoanna: Bibigay ko bayad sayo mamaya, transfer ko nalang.
Hoshi: Salamat pres.

Alam ni Jhoanna na hindi niya matitiis ang dalaga lalo na at nagdadalang tao ito. Gusto pa din niyang tulungan ang dalaga kahit di siya lumalapit dito.

Dahan-dahan na bumaba si Colet ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto ni Henry samantala, bitbit naman ni Maloi ang bag niya. Hinatid siya ni Maloi sa classroom nila.

Maloi: Antayin mo'ko dito mamaya, sabay lang matatapos class natin.
Colet: Sige, salamat.

Pagpasok ni Colet ay naabutan niya si Jhoanna at Mikha.

Colet: San si Gwen?
Mikha: Hindi daw papasok, ano kamusta lagay ng kamay mo?
Colet: Eto, sementado na.
Jhoanna: Weird ng mansyon ninyo, sa dinami dami ng maids niyo nasaktuhan pa na nung may naka tapon ng tubig tsaka ka nadulas.

Napatahimik na lamang si Colet at umupo na.

Mikha: Cole, aalis kame ni Maloi sa Friday ha. Friday night.
Colet: Ah.. sige lang!

Ngumiti ang kaibigan at napangiti na lamang din si Colet.

Sa ospital nila Colet ay magkasamang sinalubong ni Gwen at Sheena ang lolo ni Gwen.

Sumaludo ang mga army nang makita ang Lieutenant at ganon din naman ito.

Gab: Gwen, pinasundo ko na mula sa Davao ang Doctor na pwedeng tumingin sa nanay ng kaibigan mo.
Gwen: Salamat po Lo.
Sheena: Maraming Salamat po sir!
Gwen: Lo, pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang.

Tumango ang matanda at nag excuse si Gwen kay Sheena.

Gwen: Lolo, thank you po sa pag tupad sa request ko.
Gab: Walang anuman apo.
Gwen: Lo, bilang... kapalit gusto ko po sabihin na...

Napalunok si Gwen habang nagiintay naman ang matanda sa sasabihin ni Gwen.

Gwen: Decided na po ako, I will join the army.

Ngumiti ang Lolo ni Gwen at hinawakan ang balikat ng apo.

Gab: Sabi ko na nga ba, mapapa-oo din kita.

Samantalang si Maloi ay antok na antok sa klase niya dahil magdamag niyang binantayan si Colet at hirap itong makatulog ng maayos dahil sa pamamaga ng kamay.

Naalala tuloy niya noong tinanong niya si Henry kung sino ang nakatapon ng tubig ay ang sabi nito ay wala daw umaamin at... hindi na record ng CCTV. Nahihiya si Maloi kay Mikha kaya nag promise siya dito na sabay sila kakain.

Nang mag-lunch time, agad pumunta si Maloi sa kitaan na sinabi niya kay Mikha. Di katagalan, dumating si Mikha.

Mikha: Hi! Sorry, napagintay ba kita ng matagal?
Maloi: Ay hindi, sakto lang! Ano, tara?
Mikha: Sige. San ba tayo pupunta pala?
Maloi: Basta.

Dinala ni Maloi sa karinderia si Mikha, kung saan ay panay ang tingin ng dalaga sa paligid. Natatawa naman si Maloi dahil alam niyang hindi sanay ang dalaga dito, umorder si Maloi ng barbecue, Liempo at Caldereta si Mikha naman ay Shanghai at Adobo ang inorder. Magbabayad na sana si Maloi ngunit pinigilan siya ni Mikha.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon