11.

408 20 19
                                    

Third person's POV:

Kasalukuyang binubugbog ni Mikha si Shaun, pinapalibutan sila ng mga sampung bodyguard ni Mikha at habang si Gwen ay nagyoyosi at pinapanood si Mikha.

Mikha: That's what you get for hurting my best friend!

Tinapon ni Gwen ang sigarilyo at lumapit kay Mikha.

Gwen: Mikhs, tama na yan. Kayo... wag lang kayo tumayo diyan damputin niyo na 'to.

Utos ni Gwen sa mga bodyguard.

Lumapit ang mga bodyguard at dinampot si Shaun, naglabas naman ng yosi si Mikha.

Gwen: Mikhs, kapag nalaman ni Colet to lagot tayo.
Mikha: Thank you, I know this is too much to ask.
Gwen: Oo, violence is never the answer. pero, if it satisfies you, I'll give you a one-time pass.
Mikha: I know, I will always be grateful for you.

Pagtapos ay umalis na sila at Mikha at Gwen at dumiretso sa Hospital na pagmamay-ari nila Colet, binayaran at kinausap ni Gwen ang Nurses na gagamot kay Shaun upang di lumabas ang nangyari at makaabot kay Colet.

Samantala, sa Mansyon at nag go-golf si Colet nang dumating si Jhoanna.

Colet: Laro tayo?
Jhoanna: Wala ako sa mood.
Colet: Why?
Jhoanna: Wala, daddy issues.
Colet: That and your never-ending dysfunctional problem sa mga pamilya ninyo.
Jhoanna: Anyway, magbibirthday na si Mikha ah.
Colet: Yes, nagpa reserve dad niya sa Hotel namin at don gaganapin.
Jhoanna: Ha? Kala ko ayaw ni Mikha mag celebrate this year?
Colet: Baka nagbago isip.

Pagkapalo sa bola ay lumapit na si Colet kay Jhoanna at umupo, maya-maya ay dumating na din si Maloi na kasunod ng isang Maid.

Maid: Mam, andito na po ang kaibigan ninyo.
Maloi: WOAH! Sainyo 'to?
Colet: Bakit?
Maloi: Ang laki? Kasing laki na yata to ng Malacanang ah!
Jhoanna: Alam mo, Oo! Magkasing laki nga ang bahay nila Colet at ang Malacanang.. si Colet ang mag mamana nito lahat!
Maloi: WOW! Grabe, ang yaman mo.
Colet: Umupo ka na isda, hindi naman sakin 'to sa lolo ko to at siya lang ang mayaman. Naambunan lang ako.
Maloi: May pagkain ba kayo?
Colet: Magsabi ka lang sa maid kung anong gusto mo.
Maloi: As in kahit ano?
Colet: Yep.
Maloi: Kahit lechon?
Colet: Kahit ano nga eh.

Hindi katagalan ay dumating si Gwen at si Mikha, agad silang nagtungo sa Entertainment room at nanood ng Sine sa magarbo at malaking sinehan nila Colet sa bahay. Magkatabi si Gwen at Jhoanna at sa likod nila ay sila Mikha at Colet na pinapagitnaan ni Maloi.

Sa sobrang haba ng palabas ay nakakatulog si Mikha at napasandal ito sa balikat ni Maloi, bagay na hindi naman pinalagan ni Maloi.

Nang matapos, agad silang kumain at nagsalo-salo sa open area ng bahay nila Colet kung saan isang Buffet ang nagaabang sakanila.

Maloi: Buhay na buhay ako sa bahay ninyo mokong!
Colet: Ha? Sinong tinawag mo na mokong?
Maloi: Ikaw!

Nagtawanan naman sila Gwen, Mikha at Jhoanna. Samantala, nilabas ni Mikha ang isang paper bag.

Mikha: Loi, I want you to use this phone.. I bought this for you and naka-plan yan ako na bahala magbayad.. siguro naman wala ka ng choice para hindi makapag reply.
Maloi: Pero, okay naman phone ko ah?
Colet: Kulet! May phone ka nga may load ka ba?

Umirap si Maloi at kinuha ang cellphone nagpasalamat din ito kay Mikha. Pagtapos kumain ay hinatid ni Mikha si Maloi, pababa na sana si Maloi nang mapansin na parang nasasaktan ang reaksyon ni Mikha at napansin niya na namamaga ang kamay nito.

Mikha: What?
Maloi: Hindi ka muna dapat nag da-drive.. halika pumasok ka, gagamutin ko yan.

Wala nang nagawa si Mikha at pumasok sa bahay nila Maloi maliit lang ito ngunit malinis, kumuha si Maloi ng Yelo at band-aid at bagong bandage at pina upo niya si Mikha. Ginagamot niya ang kamay ng dalaga at napapangiti si Mikha sa ginagawa ng dalagang pag-aalala sakanya.

Nang magamot ay lumabas na si Mikha at hinatid siya ni Maloi.

Mikha: Thank you!
Maloi: Okay lang yun, magdadala ako ng gamot bukas kailangan niyan ma ensure na maayos na nalalapatan ng gamot at yelo. Magang maga eh.

Ngumiti lamang si Mikha at nagulat naman si Maloi dahil niyakap siya ni Mikha.

Mikha: Thank you.... For taking good care of me.
Maloi: Para naman iba to si girlfriend!

Biro ni Maloi at sabay ngiti naman ni Mikha.

Kinabukasan P.E subject ni Maloi at iniwan niya ang bag sa locker, nang matapos ang activity nila ay bumalik siyat at nagulat noong makita na bukas ang locker at sira-sira ang bag na bigay ni Colet. Tumingin siya sa paligid ngunit wala naman may pake sa sakanya, nalungkot si Maloi dahil ka-una unahang bag sana niya ito na mamahalin. Ganon pa man, kahit sira-sira ay ginamit pa din ito ni Maloi.

Naglalakad papunta sa next subject niya si Maloi at malungkot pa din siya sa sinapit ng bag niya. Biglang nakita niya si Colet.

Colet: Isda
Maloi: Wag ngayon Colet
Colet: Teka, anong nangyari sa bag mo?
Maloi: Hay, di ko alam. Nag P.E lang ako pagpasok ko bukas ang locker ko at sira ang bag na bigay mo.
Colet: Eh bakit hindi mo pa yan itapon?
Maloi: Baka mapagawa pa 'to sayang, first bag ko to na mamahalin.. sige na! alis nako baka malate ako.

Naunang naglakad si Maloi at sinundan ito ni Colet ng tingin, papunta na sana siya sa CR nang may madinig siyang nag-uusap na estudyante kung saan ang topic ay ang pagkasira ng bag ni Maloi. Nakita niya ang dalawang babae at si Stacey na naguusap pero hindi siya nagpakita dito. Don niya nalaman na si Stacey ang nag-utos na ipasira ang bag ni Maloi.

Habang nasa klase si Maloi pumasok sila Stacey at ang mga babae, dahil magkaklase sila sa subject na iyon. Nakapalumbaba lamang si Maloi at walang gana nang dumating ang guro ay nagsimula na silang magklase, sa kalagitnaan ng klase ay may isang lalaki na dumating at kinausap ang guro, agad naman tumango ang Guro at nag bow nang pumasok si Colet at Mikha dala-dala ang madaming paper bag.

Pumunta ang mga ito sa harap ni Maloi at binaba ang sampung paperbag.

Maloi: Huh, anong nangyayari?
Mikha: Colet told me your bag got ripped almost into pieces, kaya ito bumili kami ng replacement.. we can't choose which one you will like, so we bought you everything na pwede mo magustuhan. Kahit araw-araw ka pa magpalit ng bag.

Nakatingin ang lahat kay Maloi ngayon at nagsalita si Colet.

Colet: Hey, listen! We don't tolerate bullies here.. sa nagsira ng bag.. I know you, magkita tayo sa room namin sa building namin kung ayaw ninyo mawala ng tuluyan sa Auckerman U. Kapag hindi kayo nagpakita, expect for the worst.

Halos lahat ng estudyante ay nagtinginan at si Stacey ay umiiwas naman ng tingin.

Mikha: We will go now, kapag may kailangan ka just message me.

Tumango naman si Maloi at umalis na sila Colet at Mikha. Nang araw na iyon ay maagang umalis si Stacey at hindi na tinapos ang next class.

Samantala, nakaupo sa classroom sina Colet, Mikha, Gwen at Jhoanna nang biglang may dalawang babae na nakayuko ang pumasok.

Colet: Right, If I guessed it right.. kayo yung sumira ng bag ni Maloi? Akala ba ninyo hindi ko malalaman?
Ria: Wag po ninyo kami patalsikin sa school, napagutusan lang po kami!
Mikha: Nino?
Ria: Ni Stacey po.

Halos hindi naman makapaniwala si Mikha sa nadinig niya. Pinaalis ni Colet ang dalawang estudyante at bilang kaparusahan mag wawalis sila sa campus after ng klase nila for 3 months.

Mikha: I can't believe na ginawa niya yon...
Colet: I told you, kaya nga hindi na ako sang-ayon sa plano mo. Stacey already said sorry na maybe you should quit the pretending yung fake girlfriend scenario. Sa ginawa niya kanina isn't that a proof na talagang nagseselos siya?
Gwen: Tama si Colet, bago pa maging problema to, itigil mo na.
Mikha: Pero... pano kung ayoko na ng fake girlfriend?
Colet: You should call it off, na! Just tell Maloi and give her 50,000.
Mikha: No, what I mean is.. what if, gusto ko na totohanin. Ayoko na siya maging fake girlfriend.. gusto ko na totohanin.

Nagtinginan si Gwen at Colet na nagulat sa sinabi ni Mikha habang napatigil naman si Jhoanna sa pagbabasa.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon