19.

309 13 20
                                    

Tumigil ang kotse ni Gwen sa isang sementeryo, lumabas siya dala-dala ang isang bulaklak. Hinanap saglit ni Gwen ang lapida at nang mahanap ay lumapit si Gwen dito, binaba niya ang bulaklak at nagsindi ng kandila.

"In loving memory of Angelo "Gello" Jezner"

2012 nang pumasok ang kapatid ni Gwen sa Army bilang nag-iisang anak na lalaki, siya ang inaasahan ng magulang na susunod sa yapak ng kanilang Lolo Gab. Bagamat laking Lolo ang kapatid, nang iuwi si Gwen dito sa Pinas ay agad nagkasundo ang dalawa. Kapag ayaw ni Gwen kumain ay mapipilit siya ng kanyang kuya Gello para lang sumubo kahit kaunti, naging isang malaking pagsubok kay Gwen nang pumasok ang kuya niya sa Army. Bagamat masama sa loob niya ay sinupportahan niya ang kapatid, 2015 tatlong taon na sa serbisyo ang kuya niya noong huli silang magkausap sa telepono.

Gello: May kailangan lang akong tapusin gwenny, pagtapos ay uuwi na si kuya.

Ang tanging naalala ni Gwen na pangako ng kapatid, ngunit kinaumagahan ay wala padin ang kapatid. Buong araw nagintay si Gwen, hanggang sa nakatulog na siya noong kinagabihan. Habang natutulog ay ginising siya ng Ina at kahit nakapang tulog pa ay umalis sila. Sa Morgue na naabutan ni Gwen ang kapatid na wala ng buhay, nabaril ito habang nakikipagsagupaan sa mga armadong kalaban.

Simula noon, naging iba na ang pakikitungo ng Ama ni Gwen sa lahat. Naging mainitin ang ulo at nagfocus na lamang sa business. Naging mahirap kay Gwen ang lahat dahil siya nalang ang nagiisang anak at siya lagi ang napagbubuntungan at hindi naman siya magawang maipagtanggol ng Ina dahil takot din ito sa asawa. Nang magbusiness si Gwen ay sinupportahan naman siya ng ama, kala niya doon na magsisimula maganda nilang pagsasama ngunit nagkamali siya dahil mas lalong gumaspang ang ugali ng ama, kaya nagdesisyon si Gwen na umalis ng mansyon. Mas lalong nasaktan si Gwen nang hindi sumama sakanya ang Ina.

Gwen: Kuya, ang swerte mo. Hindi mo na kailangan malungkot pa dahil diyan sa langit ay masaya ka lang. Pasensya ka na at ngayon lang ako naka dalaw, may ipagdadasal sana ako sayo... ibulong mo naman sa nakakaitaas ang kagalingan ng Ina ni Sheena. Gagawin ko ang lahat para gumaling siya pangako na magbabagong buhay ako basta gumaling siya. Walang kwenta ang buhay ko, pinapaikot ng pera at mga babae pero nang makilala ko siya.. sila ni Sheena ay nagkasaysay wag mo hayaan na mawalan ulit ako ng kakampi at maranasan ko ang dating naranasan ko sa pagkawala mo.

Umalis si Gwen pagtapos magdasal.

Samantala, si Colet at naman ay tahimik na kumakain kasalo ang kanyang lolo.

Fred: Death anniversary ng mga magulang mo ngayon, hindi ka ba bibisita?
Colet: Hindi po.
Fred: Ni minsan paguwi mo hindi ko yata nabibisita ang mga magulang mo.
Colet: Kapag kaya ko na po, ako mismo ang bibisita.

Habang Tahimik na nakaupo si Sheena sa tapat ng kwarto ng kanyang ina, nang dumating si Gwen, Jhoanna at si Mikha.

Napatayo ang dalaga dahil nagulat siya sa pagdating ng kilalang grupo.

Mikha: How is she doing?
Sheena: O-okay naman po, unconscious pa din
Gwen: Is she being monitored from time to time?
Sheena: Oo, may mga nurse na nagchecheck palagi.
Jhoanna: Ipagdarasal ko ang Ina mo.
Sheena: S..salamat.

Pumunta sa hideout si Colet at naabutan niya ang tatlo na nagiinom.

Colet: Kamusta ang nanay ni sheena?
Gwen: Ganon pa din
Mikha: Wag ka mag alala, magigising din siya
Gwen: Its must be scary for her.. for Sheena.. to be alone and to feel alone, ayokong isipin ang mga negative things but somethings pushing me to think about it dahil siguro nawalan na ako ng kapatid dati pa man. I can't help not to think about it.
Mikha: May magaling na doctor si Dad sa China gusto mo ba ipadala natin ang mommy niya don?
Jhoanna: Walang problema sa flight, madali ko siya mailulusot gamit ang private plane. Kailangan ko lang ng approval nj papa.
Colet: Risky, isa pa ayokong isipin ng tatay mo Jho na pinapakinabangan ka lang namin dahil anak ka ng presidente. I talked to the Doctors na sinabi ko na i-monitor yung mom ni Shee from time to time.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon