Nagising si Colet sa isang ingay sa kanyang kwarto, nadinig niya ang tatlong matalik na kaibigan na pumasok sa kwarto niya.
Gwen: Gising na mahal na reyna!
Tumabi naman si Jhoanna sakanya at inalis ang kumot niya.
Colet: Ano ba! Ang aga-aga!
Jhoanna: Magayos kana, bumili si Mikha ng Yatch aalis tayo!
Nabigla naman si Colet ngunit ngumiti, kailangan niya ito. Sa dinami-dami ng mga nangyari ay mainam na magbakasyon muna siya. Nag-ayos na si Colet at nagsimula na silang bumyahe lulan ng isang malaking Van magkakasama sila Colet, Jhoanna, Gwen, Mikha, Maloi at si Sheena.
Nnag makarating sa daungan ng mga barko ay sumakay sila sa yatch na pagmamay-ari ni Mikha. Masaya ang lahat at maganda ang araw, binuksan ni Gwen ang isang wine dahilan para mas lalong ngumiti ang lahat at mag-saya.
Jhoanna: I wish.. na, kahit matapos na ang college life natin at kahit ano man ang maging profession natin ay palagi pa din tayong magkakasama at magkaibigan. Lalo na, si Gwen mag PMA na!
Gwen: Cheers to us.. for the past few months ang daming nangyari pero nanatili tayong matatag.
Itinaas ng lahat ang kanilang glass wine at pinagsaluhan ang wine. Nang magkanya-kanyang usap ang lahat, si Colet ay nasa isang tabi lamang at minamasid ang kapaligiran. Nakita niya si Mikha at Maloi na magkayakap, ngumiti ito ng malungkot ngunit huminga lang ng malalim.
Gwen: Sakit no?
Colet: Huh?
Umupo si Gwen sa tabi niya at inabutan siya ng beer.
Gwen: Masakit makita na may mahal na iba ang taong gusto mo.
Colet: Pero at least masaya siya, yun ang importante.
Gwen: Bilib ako sayo, dapat lang talaga na ikaw ang leader ng grupo.
Colet: Mukhang nagkakasundo si Sheena at Jhoanna ah?
Gwen: Oo, kanina pa sila naguusap kaya hinahayaan ko lamang.. Colet, usap-usapan ngayon na malapit na ipamana ng lolo mo saiyo ang mga ari-arian ninyo.
Colet: Alam ko, pero nag usap na kami ni lolo tungkol diyan na hindi pa ako handa. Gusto ko muna i-enjoy ang pag aaral ko sooner or later alam ko naman eh. Alam ko naman na ako din ang aasahan niya.
Gwen: Alam ko na kayang kaya mo yan Colet.
Ngumiti ang kaibigan sakanya at nag cheers sila. Nang makarating sa isang isla nagpa handa ng accommodation si Mikha at nang kinagabihan ay masaya silang naginuman. Masaya nilang tinatanaw ang langit habang kumakanta si Jhoanna gamit ang gitara.
Nang mapagod ang lahat ay nagtungo sila sa kanilang sari-sariling kwarto, ngunit hindi makatulog si Colet kaya nagpunta siya sa bar kalapit ng kanilang hotel. Nagulat siya dahil may tumabi sakanya.
Maloi: Hindi ka din makatulog?
Colet: Ikaw pala, asan si Mikha?
Maloi: Pagod na.. mukhang tumba at madaming nainom.
Colet: Hindi ako makatulog.
Maloi: Hindi pa sapat yung alak kanina?
Umiling si Colet at ngumiti naman si Maloi.
Colet: Loi, nakikita mo ba ang sarili mo na papakasalan si Mikha?
Maloi: Ha? Bakit naman napunta diyan ang usapan? Kakasimula lang ng relasyon naming hindi ba masiyadong maaga pa?
Colet: Eh diba, we're dating to marry? Anong sense ng relasyon kung hindi magtatagal? Hindi na tayo mga bata Loi. Kailangan din natin ng may taong kasama natin sa pagtanda.
Maloi: Eh ikaw? Wala ka bang balak magkaron ng makakasama sa pagtanda?
Napalunok si Colet at uminom ng beer.
Colet: Meron.
Maloi: Talaga? S..sino?
Colet: Di na importante, hindi naman magiging kami. Naunahan ako.
Maloi: Minsan ba naisip mo.. kung di ka naunahan, kayo na kaya ngayon?
Colet: Depende, hindi ko hawak ang mundo. Isa pa, kaibigan ko si Mikha na matalik. I can't break her heart.
Maloi: Kaya ba ikaw nalang palagi ang nagpaparaya?
Colet: Ikakasira lang namin kapag pinaglaban ko ang kagustuhan ko.
Maloi: So... pinipili mo ang pagkakaibigan kesa sa pagibig?
Tumingin si Colet sa mga mata ni Maloi.
Colet: Oo, oo ang sagot ko Maloi.
Napatahimik si Maloi sandali.
Maloi: Colet, eto.. this is coming from a place of love ha? Sana in the future makahanap ka ng tao na magpapahalaga sayo, kasi gago ka lang pero mabait ka at maalagain. Mukha ka lang maangas pero talagang soft hearted ka.
Colet: Depende, may isa pa ba na katulad mo?
Maloi: H..ha?
Colet: Maloi.
Binaba ni Colet ang beer at humarap kay Maloi.
Colet: Ikaw ang tinutukoy ko na gusto ko, nung una pa lamang na kinalaban mo ako dahil sa pag trato ko kay Chie. Alam ko na gusto na kita, pinahanga mo ako ng lubusan akala ko hindi magiging totoo ang sainyo ni Mikha pero.. doon ako nagkamali. Naunahan niya ako eh.
Maloi: Colet..
Tumulo ang luha ni Colet habang umaamin sa dalaga.
Colet: Gusto kita, gustong gusto pero.. ayokong saktan si Mikha sa aming lahat siya ang pinaka naghahanap ng makakasama. Pare-parehas kaming lumaki na may ka-kulangan samin kaya kami ang nagpupuno noon sa isa't isa. Hindi ko kayang saktan si Mikha.
Maloi: kaya... kaya ba kahit masakit sayo, hahayaan mo nalang?
Colet: Mahal mo naman siya diba? Yun ang mahalaga, hindi ko kayang mawalay ka sakin kaya ginawa ko ang lahat para mapa lapit sayo. Naramdaman ko na ikaw na talaga ang tinitibok ng puso ko noong masaktan ako kay Aiah. First love ko yun pero, para akong lumaya sakanya nang magkagulo ang lahat.. ikaw na ang iniisip ko, kapag nakikita ko siya ikaw na din ang iniimagine ko na sana ay nasa harap ko. Balak ko sana magintay sayo pero.. may tumapos na ng kwento na balak ko pa sana simulant kasama ka.
Napaluha si Maloi sa confession ni Colet, hinawakan niya ang pisngi ng dalaga.
Unti-unting lumapit ang mga mukha nila nang biglang...
Mikha: COLET?
Napatigil ang dalawa at napatingin sa direksyon ni Mikha na halos nagulat sa nakita.
Bumaba ng upuan si Colet at ganon din si Maloi, lumapit agad ang dalaga kay Mikha.
Maloi: Love, makinig ka muna.
Mikha: Tumabi ka!
Colet: Mikha..
Mikha: KAYA PALA! KAYA PALA LAGI MO SIYANG TINUTULUNGAN! KAYA PALA LAGI KA NA ANJAN PARA SAKANYA? PANO MO NAGAWA TO? BESTFRIENDS TAYO COLE!
Colet: No, listen first Mikha!
Hindi nakinig si Mikha at inambahan ng suntok si Colet, pilit siyang pinipigilan ni Maloi at ng mga staff ng bar ngunit hindi mapigilan ang dalaga na nasa itaas ni Colet at walang awang sinusuntok si Colet. Maya-maya, tumatakbo na papalapit si Jhoanna at Gwen para umawat sa kaibigan, nahatak ni Jhoanna si Mikha at hawak hawak ito ngayon ni Maloi habang si Gwen ay inalalayan si Colet na duguan ang ilong at labi.
Mikha: TRAITOR!
Tumayo si Colet at pinunasan ang labi at tumingin ng matalim kay Mikha.
Colet: H.. hindi kita papatulan. Pero eto lang ang sasabihin ko sayo Mikha.. matagal na kitang pinagbibigyan, dahil sa ating apat ikaw ang pinaka uhaw sa pagmamahal at atensyon. Aiah? Now.. Maloi, naunahan mo ako pero wala ka nadinig sakin. Kayang kaya ko agawin si Maloi sayo kung gusto ko pero I respect you and your feelings. Palagi kitang hinahayaan, hindi kita kahit kailanman pinigilan sa mga walang kwenta mong plano! Inintindi kita! Bilang nakakatanda sayo. Yung nakita mo... yung nasaksihan mo, wala lang yun inaamin ko na pagkakamali ang muntik ko na mahalikan si Maloi pero nagpapaalam na ako sakanya, ayoko na kahit kailan na ma-involve sa relasyon ninyo papabayaan ko na kayo. Kaya bago ka magalit, sana inalam mo muna! Pero sino ng aba ako? Sa tigas ng ulo mo malamang wala kang papakinggan!
Mikha: LIAR! WAG MO NA IMANIPULATE ANG NARARAMDAMAN KO!
Colet: Sabihin mo na kahit anong gusto mo sabihin, hindi kita pipigilan at aawayin. I am telling you the whole truth!
Mikha: Bullshit! I quit! Ayoko na sa grupo na to! Traitor!
Umalis si Mikha at hinila ang kamay ni Maloi papalayo, hindi naman siya napigilan ni Jhoanna. Huminga ng malalim si Colet at pinunasan ang labi.
Gwen: Let her cool down.
Colet: No, hayaan mo siya! Gusto niya umalis? Hayaan mo! teach her a lesson this time.
Jhoanna: Cole, yung sugat mo! Hindi ka pa ganon kagaling sa mga nakuha mo na pasa kay Raegan.
Colet: Wala lang to, malayo sa bituka.
Inakbayan ni Colet si Gwen at Jhoanna at ngumiti.
Colet: I've never experienced being myself until now, wala na akong kailangan itago para lang protektahan si Mikha at ang nararamdaman niya. Wag kayo mag-alala.. wala naman talaga akong balak guluhin sila etong usap naming ni Maloi wala lang to, umamin lang ako para lang matapos na ang lahat ng nararamdaman ko at maka-move on na ako.
Ngumiti si Jhoanna at Gwen at inalalayan si Colet.
Samantala, hinihila naman ni Mikha si Maloi at nang makapasok sila sa hotel room ay nagwala si Mikha at binato ang mga gamit. Naiwan si Malo isa pinto na takot na takot at umiiyak.
Maloi: M..mikha... tama na, please.
Mikha: I woke up... I didn't see you beside me only to find out na kasama mo ang bestfriend ko? Maloi, why?! Am I not enough.
Maloi: Mahal kita, ikaw ang girlfriend ko. Umamin lang si Colet ng tunay niyang nararamdaman pero pinaubaya niya na ako saiyo. Sa tingin mo ba, gagawa ako ng ikakasakit ng loob mo? Wala kang tiwala sakin?
Mikha: Wag mo ibahin! I am talking about what I saw earlier!
Maloi: Wala yun, I'm sorry.. nadala lang kami sa emotion pero we didn't kiss Mikha. Ikaw ang mahal ko!
Mikha: Kung mahal mo talaga ako, magreresign ka na sa work mo kay Colet! I'll find another job for you!
Maloi: Pero..
Mikha: WHAT? Aayaw ka?
Maloi: Kung yan ang gusto mo.
Nang kumalma si Mikha ay tahimik na ginamot ni Maloi ang namamaga na kamay nito.
Mikha: Gagong colet to.
Maloi: Mikha, totoo ba ang sinabi mo na aalis ka sa G4? Mikha, para na kayong magkakapatid ayoko na masira kayo dahil sakin lang.
Mikha: It's my decision, hindi ito dahil sayo lang. I can't let this slide!
Hindi na umalma si Maloi dahil nagpupuyos na naman ang nobya sa galit kapag naalala ang nangyari.
Naging tahimik ang kanilang byahe pabalik ng Manila gamit ang yatch ni Mikha..hindi nagpapansinan ang lahat at magkatabi si Maloi at Mikha habang asa likod nito si Jhoanna at Colet, magkatabi naman si Sheena at Gwen.
Sheena: Bal?
Gwen: Huh?
Sheena: Oo, ikaw!
Gwen: A—ano yon?
Sheena: Bakit ang tahimik? Anong meron?
Gwen: Ah, wala may nangyari lang kagabi di mo na alam kasi para kang mantika matulog, ang lakas mo pa maghilik!
Sheena: Huy? Hindi! Fake news!
Gwen: Oo kaya, ansakit sa ulo magkatabi pa tayo ng kama! Sa susunod dapat hiwalay ka eh o kaya kay Jho ka dapat itinabi!
Sheena: Luh?
Ngumiti si Gwen pati si Sheena. Nang makadaong sila ay agad silang sinalubong ni Henry at nag bow ito ng makita si Colet.
Colet: Henry, anong ginagawa mo dito?
Henry: Young master, may kailangan po kayong malaman dinala po kagabi sa ospital ang Master.
Colet: ANO?!
Agad agad sumama si Colet kay Henry, sasama din sana si Maloi ngunit pinigilan siya ni Mikha.
Nang makarating sa ospital si Colet ay agad niyang pinuntahan ang kanyang Lolo.
Colet: Papito! Anong nangyari?
Fred: Wala to, malayo sa bituka!
Colet: Ano nga nangyari?
Doctor Yasif: Inatake po sa puso ang Master mabuti nalang at naagapan natin.
Colet: Atake? What!
Fred: Wag ka na mag-alala, ayos ako!
Colet: Papito naman eh, kailan to? Sana tinawagan ninyo agad ako!
Henry: Pasensya na po young master, mahigpit po na pinagbilin ng master na ipaalam nalang sainyo kapag nakauwi na kayo.
Fred: Malayo ito sa bituka.
Colet: Pero malapit sa puso lo, same thing lang parehas delikado!
Fred: Matagal pa ako kukuhain, wag ka na mag-alala.
Nang masigurado na maayos ang kalagayan ng kanyang lolo na kailangan muna manatili sa ospital, umuwi muna sa mansion si Colet at naabutan niya ang kwarto ni Maloi na nakabukas.
Rosita: Young Master, nagpaalam po si Maloi kanina na magreresign na. Kasama niya po ang kaibigan ninyo para sunduin siya at sinabi po niya na pasensya na daw po at binalik po niya itong pera dahil sweldo po niya kahapon at iaabot ko palang sana.
Kinuha ni Colet ang envelope sa kamay ni Rosita at tumango sa katulong, nag bow si Rosita at tinignan ni Colet ang bakanteng kwarto ni Maloi at malungkot na sinarado ito at nagtungo sa kanyang sariling kwarto.
Samantala pag-uwi ni Jhoanna sa Malacanang ay naabutan niya si Gian.
Gian: Jho, musta?
Jhoanna: Uy, ikaw pala! Ayos lang ako.
Gian: How was your vacation?
Jhoanna: Quick pero masaya! Pero di ko alam kung masaya ba talaga, parang mas lalo lang ako naistress.
Gian: Bakit naman?
Jhoanna: Basta! Hay, Kamusta na kaya si Stacey.
Gian: Stacey? Eto ba yung kwinekwento mo sakin? About that, I found out san siya nakatira
Jhoanna: WHAT?
Gian: Sabi sayo, I have my ways! Imbes na mamiss mo, bakit di mo puntahan?
Jhoanna: Eh! Mas maganda na andon siya malayo at ayoko siya maistress.
Gian: daming arte!
Jhoanna: What do you mean?
Gian: Halika na!
Walang nagawa si Jho dahil hinila na siya ni Gian sa kotse para bumyahe papunta kay Stacey. Matapos ang halos anim na oras na biyahe, nakarating sila sa isang di kalakihan ngunit maayos na bahay.
Jhoanna: San na tayo?
Gian: Nueva Vizcaya
Sagot ni Gian at ngumiti kay Jhoanna.
Gian: Gusto mo ba siya makita? Bakit ka ba takot na takot? Eh parang kakamustahin mo lang naman?
Jhoanna: Eh papano ko naman gagawin yun? Alangan naman mag show-up ako sa door nila na parang "Hi, Kamusta ka?" jusko naman Gian!
Tumawa si Gian.
Gian: Baba ka na, sumunod ka sakin!
Jhoanna: Teka, anong gagawin mo!
Bumaba si Gian at ganon din naman si Jhoanna, kumatok si Gian sa pinto..
Jhoanna: Gian! Ano ba ginagawa mo, huy!Nang mabuksan ang pintuan, sinalubong si Gian ng isang matanda na babae ngunit malakas pa din.
Ka-Inyang: UTOY! Andito ka na!
Gian: Yaya Inyang!
Ka-inyang: Berto!! Bilisan mo, andito na ang alaga natin!
Berto: UTOY!!
Yumakap si Gian sa mga matatanda.
Gian: Siya nga pala, si Jhoanna po anak ng president at kaibigan ko po.
Berto: Kaibigan o nobya?
Gian: Mang berto naman! Alam mo naman kung ano ang nasa puso ko!
Ka-inyang: Nako! Wag mo pansinin yan si Berto, ito ba ang Unica hija ng Presidente? Aba at pagkakaganda pala!
Nagmano si Jhoanna at pumasok sila sa bahay, kahit litong lito ay umupo si jhoanna sa hapagkainan at nagsalita ang matanda.
Berto: Dati kaming tagapag-silbe ng pamilya ni Gian, ang asawa ko ay katulong samantalang ako ay driver. Ngunit matagal na iyon, bago pa man mag ibang bansa si Gian ay andon na kami ngunit nagretire nalang sa katandaan.
Napatango si Jhoanna at napatingin kay Gian na ngumiti pabalik kay Jhoanna, dahil ngayon ay maliwanag na sakanya lahat.
Ka-inyang: Asan na ba si Aubrey! Ay siya, bawal siya magpalipas ng gutom. Berto, kaunin mo na ang iyong apo at tawagin na.
Maya-maya lumabas ang dalaga na may kalakihan na ang tiyan...
Stacey: Lola, mukhang masarap ang--- ah!!!
Napahiyaw si Stacey nang makita si Jhoanna sa hapagkainan dahil sa gulat. at napangiti naman si Gian na napa peace sign nalang kay Jhoanna habang si Jhoanna ay pinipigil ang kanyang ngiti sa pagkagat ng kanyang labi.
Berto: Ano yon? Aubrey! Ayos ka lang ba?
Stacey: A..h ano po, ayos lang!
Ka-inyang: Ay siya! Aywan ko ba sayo, halika na umupo na at tayo'y may bisita.
Ngumiti si Jhoanna sa dalaga at gulat padin si Stacey.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?