34

280 13 0
                                    

Madaming tao ang nasa Hotel ngayon nila Colet dahil sa kaarawan ng dalaga, naka supporta ang kanyang lolo Fred kahit na kalalabas lamang ng ospital. Isang malaking selebrasyon ang birthday ni Colet bukod sa mga kilala at malalaking personalidad ay andoon din ang mga kilalang businessman galing sa iba't ibang bansa.

Kasalukuyang nag-uusap ang tatlo ngayon habang umiinom ng wine, sina Gwen, Jho at Colet.

Jhoanna: I think she's not coming, sayang ma eenlist na sa PMA si Gwen bukas.
Gwen: Hayyyy, hayaan mo na Jho, let Mikha do her own thing. From what I've heard a proposal is being planned.
Jhoanna: What?!
Gwen: Yup! Heard it right, ipapakasal na sila ni Maloi
Jhoanna: That's fast.
Colet: Let them, gusto ko nalang silang pabayaan sa totoo lang iniiba ko na ang isip ko ngayon. I want to continue sa ibang bagay.
Gwen: That's good
Colet: Hey, take care of yourself ha!
Gwen: I will, I'll be gone for a long time. Please, walang gagawa ng katangahan ha?
Jhoanna: Okay, feeling ko that statement is meant for me!
Colet: If it fits the shoe.

Tumawa ang tatlo at uminom na sila ng wine.

Jhoanna: Happy birthday Cole!
Gwen: Yep, I know this is not the best birthday ever pero, I'm happy na you're still looking for positive things.
Colet: Salamat!

Pumunta na sa stage si Colet para magbigay ng birthday speech.

Colet: Salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi, sa mga taong nag spare ng oras nila para sakin... sa mga tao na wala dito pero alam ko na inaalala ako... salamat sainyo, ang hiling ko lang ay longer life at good health para sa aking lolo ang aking nag-iisang pamilya at kakampi sa buhay. At sana, maging masaya ang lahat..

Nagpalakpakan ang lahat ng bisita at siya naming ngiti ni Colet sa mga ito.

Pumunta sa Piano si Jhoanna at nag-alay ng isang kanta para sa kaibigan.

Gwen: Sure ka, okay ka lang?
Tanong ni Gwen sa kaibigan na nakikinig sa kanta ni Jhoanna, uminom ito ng wine bago ngumiti.

Colet: Hindi... pero, eto na yung buhay na meron ako. Mikha is really taking her relationship to another level ay Maloi. Acceptance is the key, I think.
Gwen: I'm sure you will find someone na fit for you.
Colet: Sana, sana hindi pa huli para sa akin.

Ngumiti si Colet sa kaibigan.

Sa kabilang dako..

Maloi: Yes.

Nagpalakpakan ang mga bisita, sinuot na ni Mikha ang singsing kay Maloi at tumayo ito sa pagkakaluhod at niyakap ang nobya.

Mikha: You just made me the happiest girl on earth!

Ngumiti si Maloi sa nobya at yumakap, alam niya na eto na ang nararapat gawin. Kahit na pakiramdam niya ay hindi ngunit, wala na siyang magagawa dahil eto na ang itinadhana sakanya, ang ikasal kay Mikha. Masaya silang sinalubong ng mga magulang ni Maloi at ng Ama ni Mikha.

Nang matapos ang selebrasyon ni Colet ng kaarawan ay nagtungo agad ito sa Mansyon para umuwi, ngunit tinawag ito ng kanyang lolo.

Fred: Apo, masaya ka ba sa selebrasyon mo?
Colet: Yes lo, thank you!
Fred: May ibibigay pala ako saiyo
Colet: Ha? Diba we agreed na no fancy gifts? Just your presence.
Fred: Hindi sakin galing.
Iniabot ni Fred ang isang box na kulay green, binuksan ito ng apo at naglalaman ng isang bracelet na may initial na C.A na may katabi na butterfly.

Fred: Inipon niya yan sa mga pasahod sakanya, sabi ko baka hindi mo tanggapin pero gusto niyang ibigay sayo. Yan daw ang pinaka-unang mahal na binili niya. Sa mga sahod niya hindi siya bumili ng mamahaling bagay para sakanya bagkus ay binigay niya para saiyo.
Colet: Lo..
Fred: Balita na din na ngayong gabi ay na-engaged na siya kay Mikha. Mukhang seryoso si Mikha sakanya.
Colet: Wala naman na po ako magagawa, kundi maging masaya para sa kanila.
Fred: Apo, alam ko na mahirap para sayo na makita na unti-unting mawala ang taong mahal mo pero basta hindi ka nawawala sa sarili mo... panalo ka pa din, dadating ang pag-ibig kapag para saiyo na.
Colet: Thanks, lo!

Niyakap ni Colet ang matanda at ganoon din naman ito.

Kinabukasan, bumaba na ng kotse si Gwen at ang mga magulang nito.

Risa: Anak, mag-iingat ka ha?
William: Kapag nagkaproblema magsabi ka agad
Gwen: Mom, dad.. ayos lang po ako, wala po kayo dapat ipag-alala at maayos akong makakabalik sainyo.
Risa: Dapat lang!

Nagpaalam na ang mga magulang ni Gwen sakanya, at biglang dumating ang tatlong kaibigan.

Colet: You think aalis ka nalang ng hindi nagpapaalam samin?
Gwen: Guys!

Lumaki ang ngiti ni Gwen na makita si Colet at Jho at nasa likod naman si Mikha.
Jhoanna: Gwen, mag-iingat ka!
Mikha: Gwen, sino nalang mag sasave sakin ngayon? Mag-iingat ka don!
Gwen: Kaya mo na yan Mikha, lalo na ngayon at ikakasal kana!
Mikha: Sana andito ka sa kasal namin
Gwen: Pipilitin ko.

Inaya ni Gwen sa group hug ang mga kaibigan nagtinginan si Mikha at Colet.

Gwen: Guys, isantabi ninyo muna yung mga galit this time kahit para sakin lang?

Ngumiti si Colet at niyakap ang kaibigan kasama si Mikha at Jhoanna, nang matapos ay nagulat sila dahil may isang boses na sumigaw.

"Bal!"

Paglingon nila, nakita nila si Sheena na tumatakbo nang makalapit ito kay Gwen ay hingal na hingal ito.

Gwen: Shee, bakit ka ba tumatakbo?
Sheena: Eh kasi, nagluto pa ako.. para sayo to!

Iniabot ni Sheena ang isang lunch box kay Gwen at kinuha naman ito ng dalaga.

Sheena: Favorite mo yan, nagpaturo pa ako kay mommy kahit na medyo hirap pa siya magsalita.
Gwen: You don't have to. But, thank you!
Sheena: Gwen, ingat ka sa loob and iintayin ka namin ni mommy pag labas mo sa training.
Gwen: Oo naman! Mag-aral ka na mabuti at ingatan mo si tita ha.
Sheena: Oo! Ako pa ba!
Gwen: Sige alis na ako, need ko na sumakay sa bus baka maiwanan ako.
Sheena: Wait!

Tumingkayad si Sheena at hinalikan sa pisngi ang dalaga, nagulat naman si Colet, Mikha at Jhoanna sa ginawa ng dalaga.

Sheena: Pabaon, para mas magmadali ka umuwi.

Namula si Gwen sa ginawa ng dalaga at napa ngiti.

Gwen: Wag na kaya ako tumuloy?

Pang-asar nito kay Sheena at ngumiti naman ang dalaga sakanya, nagpaalam na si Gwen at nagpasalamat sa mga kaibigan. Nang maka-sakay sa bus ay kumaway ulit ito sa mga kaibigan ganoon din naman ang mga ito, tinignan niyang maigi si Sheena na inspirasyon niya para bumalik ng maayos at buhay at para mapagbuti ang training sa loob ng kampo.

Nang makaalis si Gwen, nagpaalam na din si Sheena naiwan sina Jhoanna, Mikha at Colet.

Jhoanna: Mikhs, congratulations sa engagement mo!
Mikha: Salamat.
Colet: Congratulations, I may not sound sincere and happy for you but trust me, I am.
Mikha: Salamat, invited kayo sa kasal.
Jhoanna: Pupunta kami!
Mikha: Ikaw, pupunta ka ba Colet?
Colet: Oo naman, wala na sakin ito.. di ba iyon ang pauli-ulit ko na sinasabi sayo?
Mikha: Mabuti naman, mauuna na ako.
Jhoanna: Ingat ka!

Lumipas ang ilang buwan na tahimik na nagtatapos sa pag-aaral sila Jhoanna, Mikha at Colet habang si Gwen ay nagtra-training sa Kampo. Sumusulat ito sa kanila kaya hindi sila gaanong nag-aalala dito.
Habang si Maloi ay busy din mag-aral, kasabayan pa ng pag-aayos ng kasal nila ni Mikha.

Habang si Stacey ay kabuwanan na, ilang araw na lamang ay manganganak na ang dalaga. Tahimik itong nagwawalis sa bakuran nang...

Jhoanna: I'm back!!

Napatingin ito sa kanyang likod at lumaki ang ngiti nang makita si Jhoanna na may mga dalang pagkain.

Kasalukuyan nilang inaayos ang mga pinamili ni Jhoanna sa lamesa.

Stacey: Ang tagal mo, akala ko hindi ka na babalik.
Jhoanna: Pwede ba naman yun? Diba sabi ko babalik ako?
Stacey: Oo nga, pero kala ko sa sobrang tagal di ka na babalik. Kabuwanan ko na, anytime pwede na ako manganak.
Jhoanna: Oo nga pala ano! May naisip ka na bang pangalan sa anak mo?
Stacey: Johanna.
Jhoanna: Ha?

Napatigil si Jhoanna sa pag-aayos ng mga pagkain.

Stacey: Johanna Lindtsey..
Jhoanna: J..ohanna?
Stacey: Actually, naiisip ko palang.. nahihiya ako magtanong sayo last time kung pwede ko sana kunin ang pangalan mo para ipangalan sa anak ko. Pero, since hindi ako nakapag-paalam sayo ginawa ko nalang na malapit ang pangalan niya sa pangalan mo.. kung okay lang sayo?
Jhoanna: Oo, oo naman!
Stacey: Salamat Jho... Jho?
Jhoanna: Hmm?
Stacey: I...
Jhoana: Staks?
Stacey: I...
Jhoanna: Okay ka lang?
Stacey: ARAAAYYYY!!

Nagulat si Jhoanna dahil pumutok na ang panubigan ni Stacey, nagmadali si Jhoanna at kinuha ang susi ng kanyang kotse. Sakto at wala pa naman ang dalawang matanda sa bahay dahil nasa bukid dahil tanghaling tapat pa lamang nuon, sa pagmamadali ni Jhoanna pagbukas niya ng kotse ay naisakay niya si Stacey sa upuan ng driver.

Stacey: JHO!! ANO BA!! MANGANGANAK NA AKO, AKO PA MAGDA-DRIVE?
Jhoanna: TEKA, HALA OO NGA! MALI MALI!

Inalalayan ni Jhoanna pababa si Stacey at isinakay ito sa passengers seat, kaso si Jhoanna ay umupo sa likuran na upuan dahil sa taranta.

Stacey: Jhoanna, ipapangako ko na mailabas ko lang si Johanna mababatukan kita! Bakit ka andiyan sa likod?! Sino mag da-drive!
Jhoanna: SHET! HALA OO NGA AKO NGA PALA!

Nang makaupo sa tamang upuan, sinumulan ka agad ni Jhoanna ang kotse at nag drive papuntang ospital. Pagkadating sa ospital ay ipinasok agad si Stacey sa operating room para manganak, hindi mapakali si Jhoanna wala na siyang pakielam kung may makakilala pa sakanya.

Hindi katagalan dumating ina ni Stacey na galing pa Maynila at ang mga lolo at lola nito, sabay-sabay silang nagaantay sa dalaga habang nagrorosaryo ang matanda.

Nang matapos ay napa tayo sila, isang malusog na baby girl ang isinilang ni Stacey na ikinatuwa nilang lahat. Nang mailipat sa isang maayos na kwarto si Stacey ay agad nila itong pinuntahan, nilapitan agad ng Ina at ng mga lolo at lola ni Stacey ang dalaga at ang bata na bagong silang habang si Jhoanna ay nasa isang tabi lamang.

Stacey: Jho, gusto mo makita si baby?
Jhoanna: O.. okay lang ba?
Stacey: Oo naman.

Lumapit si Jhoanna at tinignan ang baby, iniabot sakanya ito ni Stacey. Halos maiyak si Jhoanna nang makita ang sanggol na sinunod sa pangalan niya, kamukha din ito ni Stacey.

Jhoanna: Welcome baby, Johanna!
Stacey: Ang laki niya, di ko alam pano ko kinaya yan!
Jhoanna: Kamukha mo siya.

Ngumiti naman si Stacey sakanya at ganoon din naman ito.

Samantala, tinitignan ni Maloi ang mga invitation para sa kasal nila ni Mikha nang pumasok sa kwarto ang kanyang Ina.

Mariel: Busy ka ba anak?
Maloi: Hindi naman ma, tuloy po kayo.

Pumasok ang ina nang tuluyan sa kwarto at umupo sa kama kung saan medyo magulo dahil sa invitation. Kasalukuyan silang nakatira sa puder ng mga Beaufort hanggang sa makasal si Maloi at Mikha.

Mariel: Nalalapit na ang pag-iisang dibdib ninyo ni Mikha.
Maloi: Oo nga po eh.
Mariel: Anak, mahal mo ba si Mikha?
Maloi: Ma? Ano ba naman tanong yan?
Mariel: Nagtatanong lang ako, oo at hindi lamang ang sagot
Maloi: Oo naman ma
Mariel: Masaya ka sa desisyon mo na ito?
Maloi: Ma, bakit ka ba ganyan magtanong?
Mariel: Anak, ilang buwan ang preperasyon sa kasal ni isang beses hindi kita nakitang ngumiti... yung katulad ng dati. Alam ko masaya ka pero yung ngiti mo, parang hindi katulad ng dati, may bumabagabag ba sayo anak?
Maloi: Ma... wala po.
Mariel: Kung ginagawa mo ito para sa amin, gusto ko sabihin na hindi ang ganitong pag-ahon sa kahirapan ang gusto ko. Dahil gusto ko pa din na sumaya ka at maging maayos ang buhay mo kasama ang taong mahal mo talaga. Tinanong kita dati, sabi mo gusto mo ng payak na pamumuhay lamang itong pinasok mo, iba to ha? Hindi basta basta ang pamilya na pinasukan mo.
Maloi: Alam ko po yun ma, alam ko din po itong pinasok ko.
Mariel: Sigurado ka ha? Ayoko na gumawa ka ng desisyon na sa tingin mo tama. Minsan kasi anak, yung minsan nating tama... eh hindi sumasang ayon sa kagustuhan natin. Ayokong habang buhay mo pagsisihan ito.
Maloi: Ma, mahal ko po si Mikha.. sa totoo lang, hindi ko din po alam kung kakayanin ko ang buhay may asawa pero pwede ko naman po subukan.
Mariel: Hindi to free trial anak, na kapag ayaw mo na, eh pwede ka umalis ha? Maging totoo ka sana sa sarili mo anak yun ang hiling ko. Hindi ako tutol sainyo masaya ako na may makakasama ka na habang buhay pero hindi mapalagay ang loob ko kapag nakikita ko ang mga mata mo, parang hindi na katulad ng dati. Basta, andito lang kami ng tatay mo.. hindi ka naming papabayaan kaya sana alam mo talaga nag pinapasok mo.

Ngumiti ang ina ni Maloi sakanya at tumayo na para lumabas ng kwarto, tinignan ni Maloi ang invitation sa kanyang kamay... habang iniisip ang mga sinasabi ng ina. Hindi niya mapigilang maluha

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon