Colet: To summarize then, let me just run through what we've agreed here.
Kasalukuyang nag memeeting si Colet kasama ang mga stakeholder. Simula pa noong isang taon siya na ang nag-mamanage ng business nila pagka-graduate ay nag train agad siya para sa CEO position at nagtrabaho ng maigi para maka-bawi sa kanyang lolo Fred na sa edad na 80 ay malakas pa din ngunit mas pinili nalang na magpahinga sa Mansiyon.
Matapos ang meeting, tumayo si Colet at tinawag ang secretary na si Nina.
Nina: Ma'm, as you requested yesterday. Clear na po ang meeting niyo for 3pm and nai-re-sched na po for Monday.
Colet: Salamat Nina, I have to drive 3 hours pa kasi at Friday ngayon. Uuwi ako sa Batangas eh.
Nina: No worries po. Ingat po kayo!
Ngumiti si Colet at inayos ang kanyang mga papeles, bago pa man siya umalis ay dumaan siya sa Mansyon kung saan nakita niya si Henry na pinagsisilbihan si Fred.
Fred: Oh, buti napa daan ka pa apo?
Nag-bless si Colet sa lolo fred niya.
Colet: Just wanted to ensure that everything is okay here, byahe na ako in a bit.
Fred: Hindi ka ba napapagod apo, Monday to Thursday andito ka sa Manila samantalang Friday up to Sunday nasa Batangas ka?
Colet: No, it's okay. I get to come home to Maloi so I guess, it's a win!
Fred: Sabagay, pag-ibig nga naman. Wala pa bang kasal?
Colet: Lo, hindi naman ako nagmamadali. Kaka-engage lang ni Aiah at Mikha while, Gwen and Sheena is already married. We're taking our time, besides si Jhoanna nga single pa hanggang ngayon!
Fred: Iyong kaibigan mo na iyon, wala ba balak mag nobyo or nobya?
Colet: Nako, ilang beses na naming yun inasar lo. Sa aming apat, siya nalang wala pang partner but I guess, she doesn't mind that at all. Masaya siyang ginugulo ni Sheena ang buhay niya kapag wala si Gwen for military mission.
Fred: Basta, take your own time hindi nga naman kasi simple ang buhay may asawa.
Colet: That's it! Kaya nga ako chill lang, plus Maloi loves her work so much. Driven sa career niya as of now as an HR kaya hinahayaan ko lang. I just don't want to force her tsaka napag-usapan na namin to. Kung gusto na ba niya and she politely said no naman dahil may kanya-kanya pa kaming responsibilities. I mean, I am the CEO of Auckerman Holdings and there's just a lot of responsibility na naka assign sakin but we'll see siguro isang taon pa.
Fred: Maabutan ko pa kaya yun?
Colet: Lo.
Seryosong tumingin si Colet sa matanda at napa-ngiti lamang si Fred sakanya.
Fred: Nagbibiro lang ako.
Colet: Hay nako, sige na. Aalis na ako, wag matigas ang ulo at ang mga bilin ng Doctor mo ah?
Fred: Yes, Mam CEO!
Napangiti ang dalaga at hinalikan ang ulo ng matanda at umalis na ng mansion para magdrive.
Samantala, sa isang payapa na lugar sa Lemery Batangas ay may isang hindi kalakihan ngunit Maganda na bahay kung saan maraming tanim ang bakuran nito, may pakwan, sili at kamatis tahimik na nag haharvest si Maloi na kaka-logout lamang sa kanyang trabaho.
Maloi: Okay.. ano kaya uunahin ko? Aba!! Mukhang malalaki ang ani ng pakwan ko ngayon ah!
Nagulat naman ito nang dumating si Marco na ngayon ay kolehiyo na at pinag-aaral ni Maloi, ang mga magulang at lola ni Maloi ay naiwan sa Manila si Marco naman ay nag-aaral sa Batangas State University at mas pinili na Samahan ang kanyang ate sa probinsya.
Marco: Ate! Kakauwi ko lang, may dala akong manok.
Maloi: Sige, mamaya na ako kakain iintayin ko ang ate Colet mo tsaka may niluto akong sinigang.
Marco: Ah, sinigang ba 'to? Bakit may mais?
Maloi: Ah basta! Sinigang yan, kumain ka nalang ikaw na nga pinaglutuan eh!
Marco: Luh, ang attitude.
Nagsimula nang mag harvest si Maloi ng mga Sili at matapos ay naligo at panay tingin sa oras, kahit gutom na ay hindi niya ito alintana. Inaantay niya ng matiyaga ang nobya na mangagaling pa sa Maynila dahil sasabayan niya itong kumain kahit ano pa ang mangyari.
Naka-idlip na si Maloi kaka-intay, ngunit nagising nang madinig ang kotse ni Colet agad itong tumayo at ininit ang ulam. Hindi katalagan pumasok si Colet na naka pang americana pa at may dalang bulaklak.
Sinalubong ito ni Maloi ng isang ngiti at agad niyakap ang nobya pagka pasok sa bahay.
Maloi: Flowers? Wala naman special occasion ah?
Colet: Bakit, kailangan ba may special occasion para bigyan kita ng bulaklak?
Maloi: OKAY, CEO!
Colet: Pa-yakap pa, namiss kita buong linggo eh.
Ngumiti si Maloi at niyakap ang nobya na alam niyang pagod at gutom na dahil sa haba ng byahe. Minsan ay naiisip ni Maloi na wag na ito pauwiin sa Batangas kapag weekends at magpahinga nalang ngunit ayaw naman pumayag ni Colet, dahil nami-miss siya nito palagi.
Nagsimula silang kumain at mag-usap sa nangyari sa buong linggo nila.
Maloi: Grabe nga uyab, apaka daming satsat nung empleyado na iyon! Mali naman niya!
Colet: Di ko gets bakit ka naging HR eh sa taray mo na yan, baka malimot mo pa protocol na dapat maging symphatetic sa mga empleyado.
Maloi: Hindi naman sa lahat no! tsaka hello? Ako na ito! Mabait kaya ako!
Colet: Sige, sabi mo eh, teka nga bakit may mais tong sinigang?
Maloi: Bakit? Bawal ba?
Colet: Weird lang.
Maloi: Masarap naman, kanina niyo pa kwinekwestiyon yang mais sa sinigang. Parang di kayo nasasarapan ah?
Colet: Hindi na pala natin kailangan ng toyo eh, andito na sa tabi ko yung isang litro!
Umirap si Maloi at napa-ngiti naman si Colet, binitiwan ang kutsara at tinidor at hinawakan sa bewang ang nobya.
Colet: Masarap naman, hindi ko naman sinabing pangit ang lasa dahil sa MAIS! OA mo talaga, weird lang na meron pero yan yung combo na di mo inaasahan na mag mamatch parang tayo lang, Maganda ako at ikaw, mabait.
Maloi: Hobby mo talagang uwian ako dito sa Batangas para inisin ano?
Colet: Joke lang, pinapa-ngiti lang kita! Thank you for cooking and waiting for me uyab.
Maloi: Wala naman akong choice! Tsaka isa pa, ikaw lang naman gusto kong ka bonding.
Colet: Ah so kung may choice, di ako pipiliin mo?
Maloi: Hmmm
Colet: Sige, subukan mo sumagot!
Maloi: HAHAHAH! Nakabawi rin sa pangb-bwisit mo!
Hinalikan ni Maloi sa pisngi si Colet na magkasalubong ang kilay.
Maloi: Gusto ko talaga bwisitin ka din pabalik.
Colet: Okay lang, basta ikaw.
Nang matapos sila Kumain ay naghugas si Maloi ng pinggan at nagsimula si Colet maligo at magbihis at nag set-up ng kanilang usual "Fridate" kung saan nanonood sila ng Netflix sa kwarto ni Maloi.
Nang matapos si Maloi maghugas ng pinggan ay siya naman ang naligo at tumabi kay Colet, kasalukuyan silang nanonood at magkahawak kamay. Nang biglang maramdaman ni Maloi na nakatingin lang sakanya si Colet at di nanonood.
Maloi: Uyab, sa TV ang tingin!
Colet: Never in my life have I been more sure.
Maloi: Pinagsasabi mo?
Colet: Wala, I just love you so much.
Hinalikan ni Colet ang kamay ng dalaga.
Maloi: Inlove na inlove ka pala talaga sakin ano? Sabi na eh, nagbunga yung pang kukulam ko sayo na mabaliw sakin dati.
Colet: Hindi na kailangan ng kulam, mas matindi pa sa kulam ang pagka inlove ko sayo!
Maloi: Uyab, thank you ha? Kasi kahit na asa tamang edad na tayo hinahayaan mo'ko na mapagtapos muna si Marco sa pag-aaral.
Colet: Oo naman, do you feel pressured ba dahil yung 2 sa grupo ay settled na? masaya naman tayo na ganito diba?
Maloi: Ikaw ba? Napre-pressure ka ba?
Colet: Honestly No, marriage is just to make it official lang naman na mag-asawa na kayo. Eh ever since naman asawa na din ang turing ko saiyo. Isa pa, we will get married naman talaga pero we can do it anytime. Hindi po nagmamadali uyab, para saiyo kahit 100 years pa!
Maloi: SIRA!
Colet: Meeting you at the University made me change my outlook sa buhay. Sanay ako na nagpapaubaya pero nang iparamdam mo sakin na gusto mo'ko ipaglaban naguluhan ako sa sarili ko kasi, for the first time may tao ako na cinoconsider na ipaglaban at baliwalain ang mga nakagawian ko na. Our college days were surely not a good memory to look into pero, yun yung mga naging way para ma-punta tayo dito.
Maloi: Kapag ba nabigyan ka ng powers na bumalik sa nakaraan, when we were in college hahayaan mo ba na maging kami ni Mikha?
Colet: Hmmm.. yes, kasi regardless kung mabago or hindi ang nakaraan one thing is for sure... ikaw lang ang mahal at mamahalin ko. Tsaka hindi na importante sino man nakatuluyan mo noon, asakin ka naman ngayon eh at sinisugurado ko na bumangga giba kapag may umepal sa love story natin!
Maloi: Aba, galing sumagot ah!
Colet: Pasado nga ako sayo eh!
Ngumiti si Maloi at humiga sa dibdib ng nobya, at niyakap naman ito ni Colet.
Maloi: Mabuti nalang, minahal mo din ako.
Colet: Mahal kita kahit ano at sino ka pa. Kahit na ilang beses mo ako pinipikon kapag nang bbwisit ka dahil miss mo ako at kahit gaano pa kagulo ang naging simula natin, ang importante nagtapos ako na ikaw ang kasama ko.
Maloi: Ang swerte ko sayo, for sure.. kapag nagka-anak man tayo sure ako, maswerte din siya sayo!
Colet: Mas maswerte ako because you saved me. A lot, hindi ko lang siguro napapahalata sayo pero wala naman ako dito kung hindi mo ako patuloy na iniintindi.
Maloi: Mahal talaga kita.
Colet: Mas mahal kitang talaga.
Ang buhay nila Maloi at Colet ay nagpatuloy, bilang CEO ng isang malaking company responsibilidad ni Colet na mapabuti at maitaguyod ng maayos ang nasimulan ng kanyang Lolo Fred. Inspirasyon niya sa bawat ginagawa ang Nobya na palaging naka supporta sakanya.
Sa isang event na aawardan ang mga magagaling na CEO ng bansa, magkahawak kamay si Maloi at Colet na pumunta sa table. Nagulat si Colet nang makita ang mga kaibigan at ang mga asawa nito na sina Sheena at Aiah.
Colet: ANDITO KAYO?!
Jhoanna: Siyempre, aawardan ka eh!
Maloi: Tinawag ko talaga sila Uyab, para mas lalo ka hindi kabahan.
Tumayo si Gwen, Mikha at Jhoanna at niyakap ang kaibigan. Nagsimula na ang programa at umupo na sila. Habang nag speech ang host, hinawakan ni Maloi ang kamay ng nobya na nanlalamig dahil sa kaba.
Maloi: Nanlalamig kamay mo, ayos ka lang?
Colet: Kabado pa din ako.
Maloi: Kaya mo yan! Andito lang kami, andito ako!
Colet: Ang ganda mo
Maloi: Sus, kinakabahan na nga naisingit pa!
Nang tawagin na sa stage si Colet ay tumayo na ito at nagpalakpakan ang mga kaibigan at si Maloi. Pumunta na sa stage si Colet at tinanggap ang award mula sa host.
Colet: Thank you for this award po, unang una po ay Magandang gabi sainyong lahat. Ako po si Colet Auckerman ang nag-iisang apo ni Fred Auckerman ang isa sa mga bigating Negosyante bata pa lamang ako ay humahanga na ako sa angkin na galing ng lolo ko sa pagpapatakbo ng business. Hindi sumagi sa isip ko ang magseryoso na hawakan ang business niya kahit pa ako lamang ang taga pag patuloy ng kanyang mga nasimulan. Ngunit, nagkaroon ako ng inspirasyon at direksyon sa buhay para ipagpatuloy ang lahat ng ito. Bukod sa G4 na sina Gwen, Mikha at Jhoanna ay may isang babae ako na nakilala, hind siya mayaman pero mayaman siya sa pagmamahal, hindi siya kilala ng maraming tao pero ako, kilalang kilala ko siya.. Bukod kay Lolo Fred, si Maloi ang aking girlfriend ang naging inspirasyon ko at nagtulak sa akin para pagbutihin ang lahat ng mayroon ako ngayon kaya maraming salamat sakanya dahil kung wala siya ay baka hindi ako ang CEO na nasa harapan ninyo ngayon. As much as I wanted to pro-long this speech, you will just hear about how much I love my girlfriend and I don't want that kasi baka mainggit kayo eh mag hanap kayo ng katulad niya pero sorry po, akin lang yan at ako lang mayroong ganyan!
Ngumiti ang mga tao at panay naman ang tawa nila Mikha, Gwen, Sheena, Aiah at Jhoanna si Maloi naman ay halos mag kamatis na sa pamumula sa pag pigil ng kilig.
Colet: This award also goes to everyone who does not have any direction sa buhay that doesn't mean na habang buhay na walang direksyon ang buhay ninyo. Sometimes, may dadaanan tayong mga maling daan or mga daan na malulubak bago tayo mapunta sa tamang destinasyon. Naging mahaba man ang byahe, ang importante ay nakapunta tayo sa dapat natin puntahan. And this award is also presented sa parents ko, Mom and dad! I hope you are proud!
Nagpalakpakan ang mga tao at nagsitayuan, habang bumaba si Colet sa stage at kinamayan ang mga malalaking personalidad. Nang makabalik sa table ay iniabot niya ang trophy kay Maloi.
Maloi: Bakit mo inaabot? Sayo yan!
Colet: Gusto ko lang makita ano itsura ng dalawang trophy ko. Ikaw at yang gintong trophy na yan para ma check ko sino pinaka malaking trophy ko, feeling ko.. ikaw pa din!
Maloi: BALIW KA TALAGA!
Colet: Talagang baliw naman ako sayo.
Umiling si Maloi at hinawakan ang kamay ng nobya.
Maloi: I am proud of you, mahal na mahal kita uyab!
Colet: Thank you for not giving up on me and my dreams, ikaw ang pangarap ko kaya salamat at tinupad mo yon by being with me.
Nagngitian ang mag nobya at nakinig na sa programa matapos noon ay sabay sabay sila umalis kasama ang kanilang mga nobya kasama si Jhoanna na nagiisang single sa grupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/374868189-288-k644344.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?