Third person's POV:
Kasalukuyang kumakain si Maloi, Aiah at Colet. Magkatabi si Aiah at Maloi samantalang sa harap nila ay si Colet.
Colet: Lumulunok ka pa ba? Baka mabilaukan ka.
Sabi niya kay Maloi na ngayon ay punong-puno ang bibig.
Aiah: Cole, alam mo malakas kumain yan si Maloi pero hindi yan tumataba! Sexy kaya niyan.
Colet: Halata nga...
Maloi: Na sexy ako?
Colet: Na malakas ka kumain!Napatawa naman si Aiah bagay na kinasaya ng puso ni Colet.
Colet: Siya nga pala, kung naghahanap ka ng nagpipintura.. wag na.
Aiah: Huh?
Colet: Yayain ko yung tatlong utak munggo at kami ang magpipintura sa classroom mo.
Aiah: Ha? Talaga? Papayag sila?
Colet: Ako bahala.Nang natapos kumain ay unang inihatid ni Colet si Aiah at sila nalang ni Maloi ang natira sa kotse.
Maloi: Iba ang kotse mo ngayon ah? Hindi to yung green?
Colet: Talagang sinugardo ko na pang 6th seater ang dala ko, yayayain talaga kitang samahan ako kay Aiah today.
Maloi: Wow, planado! Anyway...salamat pala sa libre tsaka sa bag.
Colet: May kapalit yan
Maloi: Ha?
Colet: Joke lang, welcome!Huminto sa tinurong address ni Maloi si Colet at bumaba ito ng kotse. Natanaw niya na may kaliitan ang bahay nito, pumasok na ng bahay si Maloi at umalis na si Colet.
Kinabukasan.. maagang dumating si Colet sa classroom ng eskwelahan ni Aiah at inaantay ang mga kaibigan habang nagsisimula na mag ayos ng ibang gamit si Maloi at Aiah. Dumating ang mga kaibigan na naka Americana at naka pormal.
Colet; Tagal ninyo!
Mikha: Ano ba meron?Lumapit si Aiah at bumati sa tatlo. Agad naman niyang niyakap ang mga ito.
Jhoanna: Ate, kailangan mo raw ng tulong namin?
Aiah: Ah, Oo.. pero—
Colet: Oo, kailangan. Magpipintura tayo.Nagtinginan sina Gwen, Jho at Mikha.
Mikha: Teka, di ako marunong nun!
Colet: Parang ang hirap ng pinagagawa ko ah? Eto brush, isusuksok mo sa pintura at papahid mo sa pader.
Gwen: With us wearing formal? You should've been more clear! Di sana nag jeans kami or anything comfy!
Colet: Hubarin ninyo na yang suit niyo, wag na masiyadong madaming reklamo. Tutal puro naman kayo pagbubulakbol lang, tulungan natin si Aiah.
Jhoanna: Ayos lang sakin!Hinubad ni Jhoanna ang polo niya at kumuha na ng brush, habang wala naman nagawa si Mikha at Gwen kundi sumunod.
Magkasamang nagpipintura si Jhoanna at Gwen, sa kabilang banda si Aiah at Colet naman at sa kabila ay si Mikha at Maloi.
Nang matapos ay nagpahinga sila at umorder ng makakain si Gwen, kasalukuyan silang nakaupo at kumakain sa classroom.
Gwen: I missed this, us.. the four of us with you Ate!
Aiah: I missed you girls, kala ko kasi after the break up with Mikha. Wala na kayong gana makipag kaibigan sakin.
Jhoanna: Possible ba yun eh ikaw ang ate namin!
Mikha: Right, tsaka we all moved on naman na. It was just a puppy love anyways.
Colet: Teka, kailan mo huling naayos to? Sa tingin ko kailangan na din natin bilhan ng mga bagong upuan para sa mga bata.
Aiah: Pinagiipunan ko pa pero, darating din tayo diyan.
Gwen: Tsk, ang hina pala namin sayo! Wag ka mag alala. Oorder ako, ako bahala sayo!Ngiti ni Gwen at ngumiti naman si Aiah pabalik. Habang si Mikha ay inabutan ng Pizza si Maloi.
Mikha: Kumain ka pa, mukhang pagod ka.
Maloi: Ay.. Salamat!
Gwen: Ate Aiah alam mo ba, yang si Mikha ginawang fake girlfriend yan si Maloi? Para pagselosin si Stacey.
Mikha: Shush! Mukhang matatapos na din yung contract, lumapit na sakin si Stacey at nagsorry pero di pa siya umaamin na gusto niya ako at nagseselos talaga siya.
Aiah: Loi? Hindi mo na-share to?
Maloi: Ah.. wala lang po 'to, laro-laro lang kasi at hindi naman seryoso.
![](https://img.wattpad.com/cover/374868189-288-k644344.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?