Nag dadrive si Mikha habang nakababa ang bubong ng kotse niya. Day off ni Maloi at naka shades ito habang tinitignan ang nobya na sumasayaw sa upuan at nagpapatugtog. Napapangiti si Mikha kapag nasulyap sa dalaga ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganitong saya simula ng pumasok sa buhay niya si Maloi, ang kanyang bahay ay hindi na kahit kailanman magiging malungkot basta ba kasama niya ang dalaga. Dahil para sakanya, nakauwi na siya sa kanyang tahanan.
Tumigil ang kotse sa isang open ground na green grass, bumaba si Maloi at binaba ni Mikha ang isang basket na puno ng pagkain. Dala-dala din ni Maloi ang kanyang Ukulele, magkahawak kamay silang naghanap ng pwesto na mauupuan at nang makahanap ay agad nilatag ni Mikha ang blanket habang si Maloi ay inayos naman ang mga pagkain.
Umupo sila at nagsimulang kumain, sinubuan ni Maloi ng pagkain ang nobya at nanakawan naman siya ng halik ni Mikha sa pisngi sabay tatawa. Matapos kumain ay humiga siya sa binti ng dalaga habang hinihimas ni Maloi ang kanyang buhok at nagbabasa ito.
Mikha: Mamaya na mag basa, ako muna.
Binaba ni Maloi ang libro at umirap sa nobya.
Maloi: Okay, grumpy!
Mikha: Am i?
Maloi: Bakit hindi ba?
Mikha: Hindi ah, i changed!
Maloi: Kailan pa?
Mikha: When i met you, there's nothing to be mad about really. Just pure happiness.Hinawakan ni Mikha ang pisngi ng nobya.
Mikha: You're so beautiful, it's so impossible that you exist.
Maloi: Sus! Bolera
Mikha: You're mine.
Maloi: Sayo lang naman.Nang mag gabi ay hinatid na ni Mikha si Maloi sa mansyon. Bumaba si Maloi ng kotse at ganoon din si Mikha.
Mikha: Thank you for spending time with me today, my love.
Maloi: Palagi naman tayo magkasama?
Mikha: Today is different, just you and me and the peaceful environment that we had.
Maloi: Mag-ingat ka paguwi ha?
Mikha: I will.Humakbang papalapit si Maloi at hinalikan sa pisngi ang nobya, nagkatitigan sila ng matagal pagkatapos at unti-unting lumapit si Mikha na hinawakan ang pisngi ng nobya. Isang halik sa labi ang pinakawalan ni Mikha, na siya namang halik pabalik ni Maloi.
Parang sasabog ang puso ni Mikha sa saya dahil sa naramdaman, pagtapos ng halik na iyon ay ngumiti sakanya si Maloi.
Mikha: I love you.
Maloi: Mas mahal kita.Samantala, sa bintana naman ay naka silip si Colet at nakita ang mga pangyayari. Halos manghina ang tuhod niya dahil sa nakita, pumasok si Colet sa kwarto at napa-luha siya sa nakita. Bumaba ang dalaga at nakasalubong si Maloi.
Maloi: Colet, ikaw pala kumain kana ba gusto mo paghanda kita?
Ngunit naglakad lang siya ng dire-diretso para pumunta sa kitchen, kung saan kumuha siya ng wine. Tumaas ito at ininom ang isang bote para kumalma pero naalala niya ang nakita niya at nag rere-play mistula sa utak niya ang paghalik ni Mikha kay Maloi lalo na nang humalik din pabalik si Maloi na halatang gusto din niya ang paghalik ni Mikha.
Binato ni Colet ang glass wine, napahawak siya sa kanyang noo. Alam niya sa sarili na hindi na tama pa na mapa-ibig siya kay Maloi, ikakasira ito ng pagkakibigan nila ni Mikha.
Umalis si Colet at nagdrive kung saan tinawagan niya din si Gwen, nang makarating si Gwen sa lugar na sinabi ni Colet naabutan niya ang kaibigan na nakasandal sa kotse at nakatingin sa malayo.
Gwen: Cole, u okay?
Colet: Gwen...
Gwen: What's with that tone? I'm scared of what you're about to say.
Colet: I'm losing it
Gwen: What?
Colet: Mikha and Maloi....Hindi naman nagulat ang reaction ni Gwen, nilagay niya ang kamay sa balikat ng kaibigan.
Gwen: I knew it.
Colet: You knew?
Gwen: Hindi ka magaling magtago Cole. I know that the girl got you bad, i wasn't worried about it at first pero nagkaloko-loko na... i just know na it will be this bad when Mikha finally court her and now they're together hindi kita cinoconfront kasi gusto ko na ikaw ang mag-open kung.. magoopen ka but I guess here we are.
Colet: It's so fucked up! I didn't ask for this. Minsan iniisip ko, ano ba meron si Mikha na wala ako? She's always the first one who got all of these love sa mga babaeng gusto ko lang mahalin at protektahan. First was Aiah and now Maloi.
Gwen: Maybe you should start by confessing.. yun yung meron si Mikha na wala ka Cole. She can tell them upfront kapag gusto niya talaga yung tao.
Colet: How can i tell her? Paano ako aamin? Naunahan ako ni Mikha, Gwen if i did... baka kami naman ni Mikha ang magkasira. I always look after her next to Jho siya ang pinaka parang isip bata pa din sa grupo she always have a thing for people who loves her kasi she never experienced that. She saw that with Maloi the love, attention and care so tell me, paano? How can you break a heart that has recently just found her purpose for breathing? I can't break Mikha's heart.
Gwen: So you'll break yours instead? Come on! I can't... hindi ko alam na dito tayo magkakagulo gulo lahat sa isang babae lang.
Colet: Walang gulo. Kaya nga hindi ako umaamin diba? Because i don't want to break her heart even if it means breaking mine...
Gwen: Cole..
Colet: I just hope... i just hope Gwen worth it yung mga sakit na'to na sana magtagal sila at alagaan mabuti ni Mikha si Maloi. Cause i'd get Maloi in a heartbeat kapag sinaktan siya ni Mikha.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?