7.

308 16 4
                                    

Third person's POV:

Dahan-dahan na pumasok sa pinto si Gwen.. matagal na noong huling punta niya sa mansyon, tirahan ng kanyang magulang.

Naglakad si Gwen papunta sa dining area kung saan nakita niya ang magulang na kumakain.

Gwen: Pinatawag ninyo daw ako?
William: Umupo ka, kanina ka pa namin inaantay ng  nanay mo.
Gwen: No thanks, busog pa ako. Wag na tayo mag plastican.. bakit ninyo ako pinatawag?

Pinunasan ni William ang bibig niya at tumayo.

William: Gwen, masiyado ka na sutil. Akala mo ba na hindi ko malalaman na pinatulan mo at iniwan mo sa ere ang anak ng isa sa mga biggest investor natin?
Gwen: Look who's talking, kung lokohan lang ang usapan mas may masahol pa sakin. Sabagay, mali ko lang naman talaga ang nakikita ninyo.
William : Gwen, you... shut up!
Gwen: No dad, you shut up. Tigil ninyo yang fatherly figure na pinoportray ninyo sakin kasi after all, hindi ka naman nagpaka tatay. I'm sorry about your investors daughter but I'm not up for anything serious and if you ever wonder why, just look at yourself you'll get the answer.

Sabay tumalikod at umalis si Gwen, ngunit nagsalita pa ito bago tuluyang lumabas ng mansyon.

Gwen: Next time you can just tell everything through phone. Don't waste my time, goodbye and welcome back.

Tuluyan ng umalis si Gwen at sumakay sa kotse para umalis.

Samantala, nagpapahinga si Colet sinarado ni Henry ang pinto at naabutan niya si Fred.

Fred: Kamusta ang apo ko?
Henry: Ayos na po, nalinis na ang sugat niya
Fred: Sinabi ba niya bakit siya nagkasugat?
Henry: Hindi po, pero may pinapa expelled po siya na student. Sa tingin ko, yun ang may sala.
Fred: Henry, imbestigahan mo yan.

Tumango si Henry at pumunta na sa opisina niya si Fred, doon ay umupo siya at nilabas sa cabinet ang Family picture nila Colet at ang namayapa nitong magulang.

Fred: Carlos, parang ikaw ang anak mo... magagalitin din. Kapag dumating sana ang araw na malaman niya ang katotohanan, sana mapatawad niya ako dahil hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin, sa impyerno ko nalang pagbabayaran lahat ng kasalanan ko sakanya anak.

Lumuluhang sambit ni Fred at tinago ang litrato ng pabalik sa Cabinet.

Kinabukasan sa Auckerman University ay si Gwen, Mikha at Jhoanna lamang ang pumasok.

Gwen: Nagtext si Colet, she needs to take some rest daw masama yata lasa.
Jhoanna: Sana okay lang siya, anyways Mikha! Ano how's the OPLAN GET STACEY BACK TO YOU?
Mikha: To be honest, i don't know.
Jhoanna: Kaya mo yan! Konting push pa.

Ngumiti lamang si Mikha sa kaibigan samantalang bumalik sa pagbabasa si Jhoanna. Tahimik si Jhoanna na nagbabasa ngunit lumilipad ang isip nito. Nang matapos ang klase nila ay naunang umalis si Gwen samantala si Mikha ay pumunta sa usual spot niya sa rooftop at si Jhoanna...

Pasimpleng sumisilip si Jhoanna sa library kung saan matiyaga na nag-aaral si Stacey. Ngumingiti si Jhoanna sa tuwing nasisilayan niya ang dalaga ngunit nawawala ang mga ngiti niya pag naalala si Mikha.

Unang nagkagusto si Mikha kay Stacey noon pa man, ngunit hindi naman ito umamin.. naging bukas si Mikha sa kwento nila ni Stacey sa mga kaibigan. Hanggang sa may isang beses na habang asa library si Jhoanna ay nadinig niya na nagpapatawa ang dalaga kasama ang mga kaklase, hindi naman magawang makitawa ni Jhoanna kahit gustong gusto na niya dahil asa library sila at doon palang ay nagustuhan niya na ang pagka pilya ng dalaga ngunit alam niyang mahal ito ni Mikha. Nagkaroon na siya ng pag-asa noong maging si Mikha at Aiah, aamin na sana siya ngunit bigla naman nagka nobyo si Stacey dahilan para mas lalo niyang itago sa sarili niya ang nararamdaman.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon