35

318 15 4
                                    

Matapos ang klase nila Colet, Jhoanna at Mikha nilapitan ni Mikha ang kaibigan.

Mikha: Rooftop.

Sabay umalis si Mikha ng classroom, nagtinginan si Jhoanna at Colet.

Jhoanna: Kailangan mo ng kasama?
Colet: Hindi na, kaya ko na to. Baka ito na din yung tamang oras para mag-usap kami.

Tumango si Jhoanna at nauna na itong umalis, sumunod si Colet at tumaas sa rooftop kung saan nakita niya si Mikha na naka pamulsa, at nakatingin sa malayo. Tumabi si Colet sa kaibigan.

Colet: Your wedding is tomorrow, bakit pumasok ka pa? pwede ka naman magpahinga nalang ngayon for your big day.
Mikha: You were always stronger and wiser than me when we were little. I used to look up to you most, especially when your mom and dad passed away. You were vital to think na mag-isa ka sa States with only your nanny. I aspire to be you someday and to think na the tables have turned, and I know somewhere deep down your soul, you are wishing na ikaw naman ako. Lalo na sa pagmamahal ni Maloi.
Colet: As long as you are happy Mikhs, I will never be a hindrance sa relationship niyo. Pinabayaan ko na kayo, pinaubaya ko na si Maloi sayo.
Mikha: Why?
Colet: Because that's the right thing to do, yun ang nararapat gawin dahil yun ang tama.
Mikha: Pupunta ka ba sa kasal bukas?
Colet: I will be there; we promised each other na kahit anong mangyari we would stick with each other. No matter how ugly things can be.
Mikha: I am still sad that Gwen cannot make it.
Colet: May tungkulin na siya na kailangan gampanan, hindi lang sa bayan kung hindi para sa buong sambayanan.
Mikha: Thank you.
Colet: For?
Mikha: For giving up your happiness.
Colet: Just one favor, please take care of her. Don't ever hurt her. It might take me a little more time to move on and find someone else. I cannot see myself dating na mahal ko pa siya, I am only lying to myself kung ganon.
Mikha: Are we still friends?
Colet: We are friends, best friends forever.
Mikha: Then.. pumapayag ka ba na maging best woman sa kasal ko?

Napatahimik bigla si Colet at napa hinga ng malalim.

Colet: Yes, I'll do it for you.
Mikha: Thank you.

Nang matapos ang usapan nila Mikha at Colet ay bumaba na si Colet at nakasalubong niya si Maloi, ilang minuto silang nagtitigan lamang walang salitang lumalabas sa mga bibig nila. Sa isipan ni Colet ay gusto niyang pigilan si Maloi sa kasal ngunit nagkaayos na sila ni Mikha, hindi niya na dapat baguhin ang nakatadhana.

Ngumiti si Colet kay Maloi, isang patak ng luha sa mga mata ni Maloi ang bumalik kay Colet. Lumapit si Colet sa dalaga at pinunasan ang luha nito, hindi nila kailangan magsalita dahil mas malakas ang katahimikan. Hinalikan ni Colet ang noo ng dalaga at sa huling pagkakataon ay niyakap ito.

Matapos yakapin nang sobrang higpit si Maloi ay umalis na si Colet at naiwan si Maloi na lumuluha.

Malalim na ang gabi at gising pa si Colet na hindi makatulog, malalim ang iniisip niya lalo na at unti-unting nagsisink in na sakanya ang kasal na mangyayari bukas. Tinignan niya ang bracelet na bigay ni Maloi, bukas na ang huling araw na maari niyang iparamdam ang pagmamahal niya sa dalaga.

Kinabukasan, maaga nagising si Colet at nag-ayos ang pinaka mahal na suit ang kanyang sinuot para sa kasal ng kaibigan, nakatingin ito sa salamin nang pumasok si Henry.

Henry: Young master, andito na po si Jhoanna para sunduin kayo.

Tumango lamang si Colet at lumabas na din ng kwarto.

Samantala, lahat ay abala sa pag-aayos at si Maloi ay kasalukuyang nakatitig sa salamin. Lumapit ang ina nito at nilagay ang Veil ng dalaga, ngumiti ang dalaga sa Ina ngunit nagulat ang ina nang biglang umiyak ang anak.

Mariel: Tahan na.
Maloi: Hi..hindi ko po pala kaya...
Mariel: Anak, ilang beses kitang tinanong...

Wala ng nagawa si Maloi at sumunod nalang sa agos ng tadhana, nang matapos ang photo session sa pamilya ay sumakay na si Maloi sa kotseng nagiintay sakanya para pumunta sa Venue ng kasal nila ni Mikha.

Malalim ang iniisip ng dalaga habang nakatingin sa bintana ng kotse, nararamdaman niya ang lungkot ngunit alam niyang kailangan niya na gawin ito para sa ikabubuti ng lahat.

Maloi: Kuya? Bakit parang ang umikot tayo? From the hotel dapat less than 30 minutes lang.

Hindi naman siya inimik ng driver.

Maloi: Kuya?

Nagulat si Maloi nang huminto ang kotse at inalis ng driver ang kanyang sumbrelo, nakita niya ang nobya... nakita niya si Mikha.

Maloi: MIKHA?!
Mikha: Hi.. ako maghahatid sayo sa venue.
Maloi: O..okay? pero, kanina pa dapat tayo andon? Anong nangyayari?
Mikha: Just sit tight, ako ang bahala.

Ngumiti ang nobya at kahit gulong-gulo ay napasandal si Maloi sa upuan.

Matapos ang dalawang oras ay huminto ang kotse lulan si Mikha at Maloi, bumaba si Mikha at pinagbuksan ng pinto ang Nobya.

Maloi: Mikha, asan tayo?
Mikha: Follow me.

Nang makarating sa loob ng Yatch ni Mikha ay takang taka si Maloi.

Maloi: Honeymoon agad?
Mikha: No, silly! Diyan ka lang ha?

Paalis na sana si Mikha nang makita nila si Colet na hila hila ni Jhoanna.

Colet: JHO, ANO BA BAKIT BA.. SAN BA TAYO PUPUN---

Natigilan si Colet nang makita si Mikha at Maloi.

Mikha: Thanks Jho!

Ngumiti si Jhoanna at nag thumbs up sa kaibigan.

Mikha: Maloi, I am breaking up with you.
Maloi: Huh?
Mikha: Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kasal natin, I love you okay? It's not even a question but habang nag pre-prepare tayo, I can sense you slowly losing yourself. Hindi yan ang Maloi na minahal ko and to think na parang pinapako mo nalang ang sarili mo dahil ito ang sa tingin nating tama... that's just wrong. Kaya I talked to Jho when Gwen cannot compromise yung training niya sa Military. I told her na dalhin si Colet dito sa yatch and yung place for our honeymoon dun kayo pupunta.
Colet: NABABALIW KA NA BA MIKHA?
Mikha: OO! Dahil pilit ako ng pilit ng mga bagay na hindi para sakin! Baliw na kung baliw pero, kailangan ko sundin kung ano yung nasa puso ko. At ito ay ang kaligayahan ng taong mahal ko, ng mga taong mahalaga sakin. Hindi naman talaga ako ang dapat na makakatuluyan ni Maloi, nauna ako pero hindi ibig sabihin na ako na din ang huli alam ko na habang tumatagal nahihirapan si Maloi kaya hindi ko na kaya, I need to set her free.
Maloi: Mikhs...
Mikha: I'm not mad at you, I want you to be happy.. I love you so much that I want you to follow your heart.
Colet: Teka, ano ba nangyayari, MIKHA!
Mikha: Yes, I had this planned.. well weeks before the wedding. Wag kayo mag-alala, yung dad ko ang support system ko dito and yung mga guest sinabihan ko na cancelled ang wedding, your parents Maloi.. sa ngayon baka kumakain nalang sila. I have Dad to explain things for me.
Colet: Naguguluhan pa din ako.
Mikha: Ako hindi na, malinaw na sakin.

Kinuha ni Mikha ang kamay ni Colet at ang kamay ni Maloi.

Mikha: Kayo ang dapat, hindi kami.

Umiiyak si Maloi ngunit iba na ang ngiti nito sa kanyang labi at naka tingin ito kay Colet.

Pinaghawak ni Mikha ang kamay ni Colet at Maloi.

Mikha: You.. deserve each other... it's the truth, ingat kayo and enjoy okay?

Ngumiti ang dalaga, hinalikan nito sa noo si Maloi at tinapik sa balikat si Colet. Sabay lumabas ng yatch ng walang sabi-sabi. Nagsimulang umandar ang yatch pagbaba nila.

Inakbayan ni Jhoanna si Mikha.

Mikha: Yes?
Jhoanna: Proud of you!
Mikha: Thanks, Jho.
Gwen: Ay... late na ako?

Napatingin ang dalawa sa likod at nakita nila si Gwen na naka Military Uniform at agad nila itong sinalubong ng mahigpit na yakap.

Gwen: Mikhs, sobrang proud ako sayo.
Mikha: Thank you... ang sarap pakinggan Gwen!

Tinanaw nila ang Yatch na umalis na at sakay si Maloi at Colet.

Sa loob ng yatch magkahawak kamay si Maloi at Colet at hindi matigil ang luha ni Maloi.

Colet: Wag ka na umiyak... ang pangit!

Napatawa si Maloi at hinampas ang dalaga. Hinila siya ni Colet para sa isang mahigpit na yakap.

Colet: Mahal na mahal kita.
Maloi: Ako din, mahal na mahal kita.

Nang kinagabihan, tahimik na naglilinis si Sheena ng mga pinaginuman ng mga customer nang biglang may isang pamilyar na boses siyang nadinig mula sa likod niya.

"Table for 3, please?"

Pag lingon niya nakita niya si Gwen at nasa likod nito si Mikha at Jhoanna na nakangiti. Sa sobrang tuwa ni Sheena ay inambahan niya ng yakap si Gwen.

Sheena: TOTOO BA? ANDITO KA?
Jhoanna: Ay hindi te, picture niya lang yan.
Sheena: Ay, kapag walang ambag sa buhay wag magsalita!

Napatawa naman si Mikha at Gwen sa asaran ng dalawa.

Gwen: Temporary lang ako makakalabas, na grant lang pero hanggang bukas lang ako ng tanghali, sumama ka na samin, kakain tayo sa labas.
Sheena: Teka, yung boss ko!
Gwen: Psh, ako na bahala don hubarin mo na yang apron mo.

Ngumiti si Sheena at ganoon din si Gwen, pumunta na si Sheena sa kanyang locker upang magpalit.

Jhoanna: Dito nalang kami ni Mikha.
Gwen: HA?
Mikha: It's your bebe time, go na!
Gwen: Sira ulo!
Mikha: Oh bakit? Hindi ba?
Gwen: Fine!

Ngumiti ang dalawa at umupo na asa VIP lounge.

Jhoanna: Mikhs, papasama sana ako sayo bukas.
Mikha: Sige, saan ba?
Jhoanna: Kay Stacey.

Napangiti si Mikha at tumango sa kaibigan.

Mikha: Oo naman! Walang problema, gusto ko na din makita ang baby niya.

Love is FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon