Nagsimula na magkumpulan ang mga estudyante sa Auckerman University. Bilang yearly tradition ay sasalubungin ang mga bagong pasok sa school at maglalakad sila sa Hallway ng Fred Building.
Maaga na pumasok si Maloi at pinark ang kanyang E-bike. Nalula si Maloi pagtingin sa building ngunit ngumiti ito sa sarili. Pagpasok niya may mga nagbibigay ng mga papel or flyers isa sa nagbigay sakanya ay may pangalan sa gilid ng uniporme na "Stacey Aubrey" ngumiti ito sakanya.
Stacey: Welcome to Auckerman U!
Ngiti ng dalaga at inabutan ng flyers si Maloi, ngumiti pabalik si Maloi at naabutan niya ang isang mahabang pila kung saan ay naglalakad ang mga estudyante at nagpapalak pakan ang mga kapwa estudyante. Eto na pala ang welcoming rights ng school sa mga bago na katulad niya. Kinakabahan si Maloi habang nakikita ang mga naglalakad at parang gusto na niyang umatras, nang malapit na siya ay biglang may estudyante na sumigaw.
"ANDITO NA ANG G4!!!!!"
Lahat ng estudyante ay naghiyawan at nawala ang pila ng maglalakad sana sa hallway na ipinagpasalamat naman ni Maloi. Nagtataka si Maloi kung sino ang G4 na tinutukoy nakita niyang sunod sunod dumating ang apat na kotse, hindi lang basta kotse kung hindi magarbo at sportscar.
Bumaba ang mga ito sa sasakyan at naglakad papasok sa University. Hindi magkanda mayaw ang mga estudyante at nagtitilian, pinapangunahan sila ng isang magandang babae na sa tingin ni Maloi ay kaedaran lamang niya samantalang may tatlong nakasunod dito, isa lang ang nakilala niya.. si Jhoanna Montenegro, lahat sila ay naka black na Americana at tila walang napapansin sa paligid. Patuloy silang naglalakad at huminto na para sumakay sa elevator.
Ang pila sa elevator ay biglang nawala, naunang nakasakay ang mga babaeng nakita ni Maloi.
Maloi: Teka, bakit hindi sumabay yung ibang student sakanila? Ang luwag pa ng elevator ah.
Lumapit si Stacey sakanya pinatahimik siya.
Stacey: Girl, baka marinig ka ng mga students! Hindi sila pwede sabayan sa elevator. Sila ang pinaka sikat na grupo dito, tatlo lang sila dati pero nagbalik na yung Leader nila.
Maloi: Ha? May ganun pala?
Stacey: Anyway, ano nga pala name mo?
Maloi: Ah, Ako si Maloi! Ikaw?
Stacey: Ako si Stacey Aubrey.. i preferred to be called Stacey na kesa Aubrey! Nice to meet you!Nakipagkamay naman si Stacey kay Maloi, nagpasya si Stacey na ilibot si Maloi saglit sa University dahil maaga pa ay tuwing unang araw ng klase ay wala naman masyadong ginagawa.
Stacey: Dito yung fountain, dito madalas ang nga cheerleading team at... doon naman ang basketball team.
Turo ni Stacey sa court at agad naman sinundan ni Maloi ng tingin ang kamay ng dalaga.
Stacey: Ikaw, san ka nagaaral dati?
Maloi: Ah, sa St. Bartolome College. Scholar lang ako dito.
Stacey: Lang?! Ano ka ba, hirap kaya makapasok dito!
Maloi: Oo nga eh, ikaw.. pano ka nakapasok dito?Napatigil si Stacey...
Stacey: Let's say nabaliw ako sa pagibig.... Sinundan ko ang lalaking gustong gusto ko. At ngayon, wala na kami.
Maloi: Ay.. sorry.
Stacey: Hayaan mo na yun, halika na. Ihahatid na kita sa classroom mo!Palakad na sana sila ng harangin sila ng basketball team na pinamumunuan ni Shaun.
Shaun: Aubrey, pwede ba tayo mag-usap?
Stacey: Shaun, Stacey na ang itawag mo sakin simula ngayon. And no, hindi tayo pwede mag-usap ihahatid ko pa ang kaibigan ko sa classroom niya.
Shaun: Baby, I'm so...
Stacey: Shaun.. please?Wala na nagawa si Shaun at naglakad na papalayo kina Stacey.
Maloi: Ayos ka lang ba? Siya ba yung lalaki na sinasabi mo?
Stacey: Siya nga... nagmomove on na'ko.. kaya ko to! Big girl ako!
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?