"Xiexie!"
Tugon ni Mikha sa kanyang mga staff.
Lumabas si Mikha ng recording studio, at nilabas ang kanyang payong. Umuulan ngayon sa China pero hindi ganon kalakasan, nagpunta sa kanyang sasakyan ang dalaga at nagsimula mag-drive pauwi.
Isang taon matapos siyang umalis ng Pilipinas ay naging isang sikat na recording artist siya sa China. Kung saan naka pirma siya ng contract sa isang talent manager at kaka-labas lamang ng kanyang first album.
Mabilis ang naging takbo ng buhay ni Mikha sa China. Malayong malayo sa karangyaan na mayroon siya sa Pinas, ngunit bagay na ipinagpapa salamat ng dalaga. Hindi siya nakadalaw ng kasal ni Gwen at Sheena dahil yun ang araw na may importanteng meeting siya sa mga executives at manager sa isang kilalang talent agency sa California. Umaasa ang dalaga na makikilala siya ng buong bansa hindi lang sa China.
Pagkauwi ni Mikha sa kanyang isang malaki na tahanan ay kinuha niya agad ang Wine at binuksan ang kanyang tablet, nagsimula magluto ang dalaga ng kanyang pagkain. Bagay na hindi naman niya ginagawa dati, masaya si Mikha dahil natuto siya sa sarili niyang kakayahan.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Mikha, madaming mga taong nagbigay ng regalo sakanya at kahit sa kabila ng busy schedule ay nagagawa pa din ng dalaga na kausapin ang mga kaibigan sa Pilipinas.
Facetime:
Colet: Ano, nakikita mo na kami?
Mikha: Yes! Hello! Kamusta diyan?
Maloi: Mikha!!!! Happy birthday!
Mikha: Thank you, Maloi!
Colet: How are you, superstar?
Mikha: Baliw! I'm doing good, miss you all! Asan si Jho?
Colet: Tatawag daw siya sayo mamaya, busy lang si Gwen daw at Sheena nagsend na ng message sayo?
Mikha: Yes they did na! Si shee sinusulit si gwen! As a travel nanaman sila no?
Colet: Yep, Australia!
Mikha: Cool!
Colet: So, how was your birthday so far?
Mikha: Good! Just a tiring day!
Colet: I can see that.
Mikha: Colet?
Colet: Yes?
Mikha: Can you do me a favor?
Colet: Anything.Philippines | 6:00 pm.
Tahimik na nag-aayos si Aiah ng mga papeles sa kanyang eskwelahan, napa tingin ang dalaga sa relos.
"Shocks, 6pm na!"
Ani nito sa sarili at napa-hawak sa kanyang batok. Busy na busy ang dalaga dahil sa kanyang mga paperworks at kahit focused siya sa magandang pagpapatakbo sa Eskwelahan. Nagdesisyon na si Aiah na umuwi.
Habang nag da-drive ang dalaga sa kahabaan ng EDSA, habang naka tigil ay nakita niya ang isang malaking billboard ni Mikha. Napa ngiti si Aiah, miss niya na ang dalaga na sikat na sikat ngayon maski sa Pilipinas dahil sa kanyang mga kanta, bagamat masaya si Aiah para kay Mikha ay umaasa itong kahit papano ay maka alala ang dalaga. Nag birthday si Mikha at sinubukan niya magpadala ng mensahe ngunit, wala siyang nakuha na sagot na naiintindihan naman ni Aiah dahil nga sikat na ang dalaga at kung sino-sino ang bumati dito.
BINABASA MO ANG
Love is Fire
FanfictionSa mundo na pinapaikot ng pera, may puwang pa ba para sa pag-ibig? Possible nga ba na magbago ang iyong pananaw sa buhay kapag nakasalamuha ka ng mga tao na hindi marunong kumilala sa pag-ibig?