CHAPTER 13

33 4 2
                                    


Nakabalik ako sa bahay na bangag, bakit nasama ako sa dahilan kung bakit sila naghiwalay? Chloe is five years older than me. nagkakilala kami sa Isang art exhibition na pina attend sa akin ni daddy, and turned out she's also there dahil din sa parents niya. if she knows me already, baka pinlano niya talaga to. I can't help but to overthink.

Napabuntong hininga nalang ako saka napatingin sa wedding picture naming ni Kairus, ano nga ba ang tinatago mo sa akin? napakuyom nalang ako ng aking kamao. bumalik lang siya para pahirapan ulit ako at saktan, I knew it. kahit kailan hindi parin talaga siya nagbabago. napatulala pa ako bago napag isipan na matulog bukas ko nalang yun iisipin.

Nagising ako sa ingay na nanggaling sa ibaba. bago pa ako bumaba naghilamos mona ako saka nag skincare pagkatapos ng morning routine ko bumaba na ka agad ako. kailangan mapatunayan ko na kahit na sa bahay lang ako hindi ako nagpapabaya sa sarili ko. pagkababa na pagkababa ko naabutan ko si daddy at Silvia, nandito din ang parents ni Kairus. anong ginagawa nila dito?

"Oh! gising na pala ang asawa mo Kairus." sabi pa ni Tito Kairu.

"Come here, wife." mahinahong pang sabi nito sa akin, pinandilatan ko naman siya ng mata. walangya lalaking toh kung maka asta parang okay lang kami.

Dahil ayaw ko naman gumawa ng komosyon lumapit nalang ako sa kanya saka nginitian sila.

"Oh my, you guys are so sweet." sabi pa ni Tita Gezel na kina ismid naman ni Silvia. Kiming ngiti lang ang iginawad ko sa kanila dahil hindi ko alam talaga kung paano sila pakikitungohan.

Kahit kailan talaga napaka kontrabida ng babaetang to, saka bakit ba to sumama hindi siya welcome sa pamamahay nato. ramdam ko naman ang paghawak ni Kairus sa maliit kong bewang saka nagsalita.

"Your stiff." bulong nito sa taenga ko na kinataas ng balahibo ko.

"No I'm not, and please lumayo ka sa akin." madiin kong saad.

"Anak." napatingin naman ako sa nagsalita. nginitian ko nalang si daddy saka lumapit sa kanya.

"Good morning dad." saka siya hinalikan sa pisnge.

"Good morning anak, kamusta ang stay mo dito sa bahay ni Kairus. did this man treat you good?" parang walang nakita si daddy na kasama habang nagtatanong sa akin. ngumiti lang sila Tito at Tita.

"Anton, your daughter can handle her self pretty well." sabat naman ni Silvia. ni hindi pa nga ako nakasagot naunahan niya na naman ako napasimangot nalang ako.

"I know Silvia, but she's still my princess." malambing na sabi ni daddy na kinairap ni Silvia.

"Malaki na yang anak mo Anton, let her be."

"Silvia, hayaan mo na yang si Anton, naglalambing lang yan sa anak niya." nakangiting sabi ni Tita Gezel.

kime namang napangiti si Silvia, saka hinayaan si daddy sa sasabihin niya.

"So anak, kamusta ka naman?"

"Okay lang naman daddy." tipid kung sagot.

"Come, kumain mona tayo nagdala kami ng mga makakain natin." nakangiting sabi ni Tita Gezel habang tahimik lang na nasa tabi si Tito Kairu.

Hindi naging tahimik ang kainan namin dahil sa usapan nila tungkol sa negosyo habang ako naman ay naka upo lang sa upoan ko saka tahimik na kumakain. ramdam ko ang tingin sa akin ni Kairus na kinaikot naman ng bilogan kong mga mata. napangisi naman ito saka nagpatuloy sa pagkain.

"So Anton, what can you say about the proposal?" seryusong tanong ni Tito Kairu kay daddy.

"It's fine Kairu, but we need to add more details to make it perfect." sagot naman ni daddy.

"I see, what can you say Kairus?" tanong ni Tito Kairu kay Kairus.

"Tito Anton is right dad, hand it to me and I'll handle it." seryusong sagot nito.

Natapos ang breakfast namin na puro negosyo ang pinag uusapan nila habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila. ngayon naman naka upo kami sa sala habang ang mga katulong naman ay naglalagay ng inomin sa maliit ng mesa.

"Kamusta naman ang pagsasama niyong dalawa?" napatingin ako sa nagsalita, mommy ni Kairus ang nagtanong.

Hindi ka agad ako nakasagot dahil narin sa umiinom ako ng juice, para mabawasan ang pagkailang dahil sa hindi ako makasabay sa topic nila. kaya si Kairus na ang sumagot.

"We're doing just fine mom." malamig na sabi ni Kairus. binatukan naman siya ng mommy niya.

"Nakung bata ka! pagpasensyahan mona tong si Kairus ija, pa ganyan ganyan lang yan pero nasa loob lang talaga ang kulo niyan." deritsong sabi pa ni Tita Gezel.

"Mom." namula naman si Kairus sa sinabi ng mommy niya. if Im still the young and reckless Anna I will fall for him but thankfully I'm not.

"Hayaan niyo na po Tita." mahinahong saad ko.

"Call me mommy iha." malambing na sabi ni Tita Gezel habang nakahawak sa kamay ko.

I felt warm in her hands. parang si mommy.

"Okay mommy." nahihiya pa ako ng sambitin ko yon.

"Mom stop embarrassing my wife."

"I'm not embarrassing your wife, I am just making her comfortable and one more thing Kairus treat your wife like how you treat me anak." madamdaming sabi ni Tita Este mommy pala.

"Of course I would mom, no need to tell me that, I am capable in doing that." mahinang sabi nito.

"Just to make sure anak, and Anna." tumingin pa ito sa akin bago nagsalita. "Bigyan niyo na ako ng apo." seryuso pa ito habang nagsasalita.

"Gezel, stop making them uncomfortable. hayaan mo na ang mga bata." kinabig pa siya ni Tito Kairu sa mga braso nito habang naka pout naman si mommy.

"I'm just excited you know." tumingin pa ito sa amin bago nagsalita. "Kailan niyo ba kasi kami bibigyan." umiinom ako ng juice para mabawasan ang pagkailang ng sabihin niyon ni mommy Gezel kaya nabuga ko yon sa harapan ko ang ending basang basa ang hita ko.

"Darling, stop it." sabi pa ni Tito Kairu nakina pout ulit ni mommy Gezel.

Habang hinahaplos naman ni Kairus ang likuran ko. pilit niya akong pinapakalma.

"Hayaan mo na yang asawa mo Kairu. I'm also excited on the thought of having an apo." gatol naman ni daddy na mas lalo kong kinaubo.


Mukhang ito yata ang ikamamatay ko.




Tears of Alone WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon