Nakatingin lang sa akin si Kairus habang ako ay kumakain lang ng santol na may ketchup at asukal. bahala siya sa buhay niya, hanggang sa hindi ko na namalayan na naubos ko na pala ang santol na kinakain ko kanina.
Bakit parang ang dali naman yatang naubos? pagtingin ko sa aking harapan ay wala na doon si Kairus. as if namang kaya niyang magtagal na nakaupo, habang tumitingin lang sa akin. hindi ko nalang yun inisip saka nagsimulang magligpit ng aking kinainan.
"Oh, ma'am Anna naubos niyo po yung binalatan kung santol?" nagugulat na tanong ni ding sa akin.
"Masarap kasi." tumatango tango kung sagot.
"Masarap po ba talaga ma'am pag sinawsaw sa ketchup?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
"Ah oo naman, bakit weird ba pakinggan? try mo masarap naman." nakangiting saad ko.
"Ding bumalik ka na nga sa trabaho mo. talagang chinichika mo pa tong si ma'am anna." saway ni manang dito.
"Ito naman si manang nagtatanong lang eh." depensa naman ni ding sa sarili.
"Ay naku! mag dadahilan pa."
"Hayaan niyo na manang." nakangiting saad ko nalang.
"Oh nga pala ma'am Anna. si Sir Kairus po nasa sala hinihintay po kayo." nakangiting sabi nito sa akin.
"Bakit daw po manang?"
"Iwan ko sa batang yon, oh siya maiwan na muna kita at tatapusin ko na ang aking ginagawa." paalam nito sa akin na tinanguan ko nalang.
Babalik na sana ako sa taas ng tawagin ako ni kairus.
"Anna." malumanay ang boses nito.
"Bakit?" nakataas kilay na tanong ko.
Opposite sa boses niya ang boses ko.
"Let's talk." maiksing sagot nito sa akin.
"Kung about ito sa batang nasa sinapupunan ko, mamaya na tayo mag usap. I'm not in the mood right now to talk to you." nakasimangot kung saad.
"Anna."
"What!? you'll just ruin my day." aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Stop acting like a kid Anna." naiiritang saad nito. "Bibisita tayo sa ob mo para magtanong ng vitamins at gatas na iinomin mo para sa batang nasa sinapupunan mo."
"Stop acting like you care Kairus." malamig kung saad. "I can do all of that without you."
"Your my wife Anna, and that child you cary is my child too." seryusong sabi nito.
"I know, but we never need you. doon ka sa babaeng mas sasaya ka wag ka dito dahil alam mo kung ano ang mas masakit para sa bata? ang makitang nasa kanila naman ang tatay niya pero nasa iba naman ang puso niya."
Hindi ko gustong umiyak pero para bang may sariling Buhay ang mga mata ko at nagsilandasan nalang ang mga luha na pinipigilan ko.
"What are you talking about?"
"Magmaang maangan pa ba tayo dito Kairus? we all know na ang puso mo." tinuro ko ang kinaroroonan ng puso niya. "Ay hindi nandito sa akin, nasa ibang babae, hawak ng ibang babae ang puso mo. kung ganito din lang naman tayo mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo, instead of deceiving the child to believe that we are a complete family, it's better if we do co parenting."
"Stop blabbering nonsense Anna, it's not happening." nagtagis bagang itong nakatingin sa akin.
"Then stop meeting Chloe, Kairus, that's my only wish. wag ka ng makipagkita sa kanya, stop making me feel that you still love her." matapang kung saad kahit sa kaloob looban ko nadudurog na ako.
"Fine, fine, hindi na ako makikipagkita ulit sa kanya." mahinahong saad nito. "But for now stop crying you need to rest, ihahatud na kita sa kwarto."
Hindi na ako umalma pa, hinayaan ko nalang siyang ihatid ako sa kwarto. hindi ko alam kung tama bang mag stay ako sa relasyon nato. but if something happened again, I don't think I'll still give him a second chance.
Napahiga ako sa kama, antok na antok na ako dahil sa kakaiyak, humiga naman si Kairus sa aking gilid. Malaki naman ang kama kaya okay lang atsaka mag asawa nadin naman kami. sa kakaisip ko ng kung ano ano hindi ko na nalamayan na nakatulog na pala ako.
NAGISING ako sa katok na nanggagaling sa pintoan. kahit inaantok pa ay bumangon na ako para tingnan kung sino ang kumakatok. pagbukas ko ng pinto ay kaagad bumungad sa akin ang mukha ni manang.
"Bumangon ka na raw ma'am Anna, dahil may lakad da po kayo ni sir Kairus." magalang na saad nito.
"Saan daw po manang?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko kasi maalala na may lakad kami ngayon, dahil narin siguro sa kung anong iniisip ko kagabi nalimotan kung may sinabi siya, pero parang wala talaga.
"Ay Iwan ko sa asawa mo ija, oh siya baba na ako." paalam nito sa akin na tinanguan ko nalang.
Naghilamos nalang ako saka naligo. pagkatapos ay nagbihis ako ng desenting damit. hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta kaya wala akong ka ideideya kung anong susuotin pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.
"Your already here." nakangiting bati sa akin ni Kairus. "Oh by the way good morning."
"Good morning too." sagot ko nalang saka umopo sa harapan ng inuupoan niya.
Tahimik lang kaming kumakain, hanggang sa naisipan kung tanongin siya kung saan kami pupunta.
"By the way, where are we going?" pinahiran ko ang gilid ng aking mga labi bago humarap.
"Were going to see an ob to ask for recommendations for your pregnancy." seryusong sagot nito.
"I see." sagot ko lang saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Wala ka bang morning sickness?" tanong nito sa akin na kinatingin ko sa kanya.
"Meron naman, paminsan minsan, depende sa naamoy ko." sagot ko sa kanya.
"Wala ka bang gustong papalitan sa mga gingamit ko? baka hindi mo gusto yung amoy ng pabango at showe gel ko." para itong estudyante na maraming tanong sa guro.
He's cute, but why is he acting this way?
"Ano ka ba Kairus, why are you acting this way? sasabihin ko naman sayo kung may ayaw ako sa ginagamit mo." natatawang sagot ko.
"I'm just worried."
"Worried? why?"
"I read it online." namumula ang pisnge nito.
And just like that, parang nawala ang Galit ko sa kanya parang bigla ko nalang itong nakalimutan.
AUTHOR'S NOTE
halo guys, I'm so sorry if ngayon lang ako nakapag ud. midterm kasi namin last week and I'm busy studying and recalling our lessons, stress na stress ang ante mo sa exam, but I hope I'll pass though. by the way thankyouu for tunning in I'll see you again in my next update mwapps
votes and comments are highly appreciated 🫶
BINABASA MO ANG
Tears of Alone Wife
De TodoO N - G O I N G Marriage for inconvenience was never in her plans. Anna Marie always thought that being a free spirit was more enjoyable than being married. she loathe the people who made her did it. she loathe her family for always thinking that b...