Simula
Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal habang nililisan ko ang maliit na bahay namin dito sa probinsya. Ito na kasi marahil ang kahuli-huling pagkakataon na masisilayan ko itong tahanan na naging saksi sa aking paglaki at pagkakaroon ng isip. Kung hindi lang siguro pumanaw si lolo ko na kaisa-isa kong pamilya hinding-hindi ako aalis sa probinsyang 'to. Pero ganon talaga, e. May mga bagay na kailangan mong kalimutan kahit na ayaw mo. Malulungkot ka lang kasi kapag patuloy mo pa ring inaalala.
Naks naman, Althea. Napahugot ka pa!
Kamamatay lang ni lolo ko noong isang linggo. Biglaan nga ang lahat.
Hindi man niya lang sinabihan na "Apo, made-deds na ako. Iiwan na kita. Kthnxbye." Para sana napaghandaan ko. Kaso wala man lang abiso si lolo. Binigla niya ako. Wala naman siyang ano mang sakit o malalang karamdaman. Bigla nalang siyang tumumba habang nagbubuhat ng mga kahoy na gagamitin niyang panggatong. Ang sabi ng doctor na nagsuri sa kanya dala raw ng pagod at katandaan. Kung alam ko lang na magiging ganon 'edi sana hindi ko na siya pinapagalaw dito sa bahay. Si lolo rin kasi kung minsan ang tigas ng ulo, e.
Malaki ang naging gastusin ko sa pag-aasikaso ng libing ni lolo. Kaunti lang ang ipon naming dalawa at talagang hindi naging sapat. Wala rin kaming ibang pamilya o kamag-anak. Kung meron man siguro kinalimutan na kaming dalawa. Kami nalang dalawa ni lolo sa buhay. 'Yung mga magulang ko kasi bata palang ako nang namatay ang mga ito. Mabuti nalang dumating 'yung katiwala ng mayamang kaibigan ni lolo na taga-maynila . May dala itong pera na siyang nagamit ko sa pagpapalibing ko kay lolo. Sa telepono ko lang nakausap si lolo Andres-ang kaibigan ni lolo. Ang sabi ko babayaran ko siya kapag nagkaroon na ako ng trabaho.
Pero akala ko 'dun lang matatapos ang pag tulong niya. Nag offer din siya ng trabaho sa akin sa manila. Ang sabi ko pag-iisipan ko muna ang sinabi niya. Unang una kasi ayokong lisanin 'tong probinsya. Andito ang buhay ko. Itong lugar na 'to gamay ko na. Hindi tulad sa manila na bali-balitang magandang lugar nga pero talamak naman ang mga krimen at patayan. Natakot ako sa ganong balita.
Pangalawa, napapaisip ako kung kakayanin ko ba ang buhay maynila. Wala akong ibang kilala 'dun. Hindi tulad dito sa probinsya na marami akong kaibigan at may mangilan-ngilan ding ka-plastikan. Wala akong ibang tatakbuhan 'dun kapag nagkaroon ako ng problema. Alangan namang kay lolo Andres ako palagi hihingi ng tulong. Bukod sa nakakahiya na hindi pa kami close dalawa. Ang kapal naman ng panga ko kung sa kanya ako palagi lalapit, 'di ba?
Pero napaisip din ako kung sasayangin ko ang oportunidad na ito. Naisip ko kasi kung andito lang ako sa probinsya patuloy kong maaalala si lolo. Si lolo ko na pinakamamahal ko sa lahat pero iniwan na ako. Patuloy akong iiyak at malulungkot. Isa pa, baka sa maynila ang swerte ko. Maraming taga rito sa amin na lumuluwas pa-manila dahil maganda raw ang buhay 'dun. Ang ilan nga lang sa kanila ay sinuwerte pero ang ilan ay lalong minalas.
Pinalaki akong madiskarte ni lolo sa buhay kaya pumayag na ako sa offer ni lolo Andres sa akin. Tinawagan ko siya kahapon na sabi ko ngayong araw nga ako luluwas pa-maynila. Tuwang-tuwa siya at agad na tinanong kung kailan ako luluwas papunta 'dun. Kakasabi ko nga lang na ngayong araw ako luluwas tas itatanong niya kung kailan. May saltik din si Lola Andres. Gusto pa nga niya sanang ipasundo ako pero sabi ko wag na at luluwas nalang ako. Hiningi ko nalang ang address niya sa manila at sinabing mga bandang hapon ang dating ko doon kung makarating ako ng buhay.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan ng huling beses ang munti naming tahanan ni lolo. Pinipigilan ko na naman ang pag-iyak ko. Ang bigat pala talaga sa dibdib kapag iiwan mo ang bahay na naging tahanan mo sa napakatagal at mahabang panahon. Binuhat ko na ang dalawang maleta ko at isang bayong saka nagpatuloy sa paglalakad. Kahit medyo nabibigatan go lang. Mas mabigat pa rin naman ang loob ko dahil sa pag-iwan sa akin ni lolo. Echos.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...